Skip to playerSkip to main content
Aired (October 4, 2026): ANG KAKAIBANG SARSANG IPINAGMAMALAKI NG SIBUYAN ISLAND SA ROMBLON NA MUKHANG SUMAN, PUNO NG ULANG AT MAY ANGHANG NA PALABAN, ATING TIKMAN!

Kung may pagkain man daw na hindi pagsasawaan ng mga tiga-Sibuyan Island sa Romblon, para raw itong suman pero may anghang!

Wala itong sauce, hindi rin ito sawsawan pero ang tawag nila rito… sarsa!

Paano nga ba nila ito inihahanda? Ang specialty ng Romblon na aakalain mong kakanin, tikman sa video na ito! #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Specialty ng Romblon, aakalain mong kakanin, yun pala, ulam!
00:09Kung may pagkain man daw na hindi pagsasawaan ng mga Tigas-Sibuyan Islands sa Romblon, ito yun!
00:17Parang suman, pero may anghang!
00:20Wala itong sauce, hindi rin ito sausawan, pero ang tawag nila rito, sarsa!
00:30Dalawang araw bago magluto ng sarsa si Nilen, naglalagay na siya sa ilog ng mga pain na gawa sa plastic
00:38na kung tawagin nila, taon.
00:41O, itatali ko to kasi baka mamaya magbaha.
00:46Tapos inaanuhan ko lang ng bato, yan, okay na yan, papasok na yung pipon.
00:55Makalipas ang isang araw, muli niyang binalikan ang ginawa niyang patibong.
01:02Meron, tatlo, apat.
01:05Ang nagpapasarap sa sarsa ni Nilen, ang ipinansasahog niya rito ng hipon.
01:12O fresh water shrimp na nahuhuli sa napakalinis na ilog sa sibuyan.
01:19Ang tawag dito, uwang.
01:24Alas 5 pa lang ng umaga kinabukasan, gising na si Nilen at ang kanyang mister na si Marcos para magluto
01:31ng sarsa.
01:32Si Marcos ang toka sa pagkayod ng murang nyog.
01:38Si Nilen naman ang naghihimay ng ulang.
01:44Ang mga pinagbalatan ng mga ulang, sa halip na itapon, dinikdik ni Nilen, gamit ang lusong at halo.
01:55Lalagyan ko na ng sabaw na konti.
01:59Sabaw yan ng ano?
02:00Nyog.
02:00Bakit sabaw ng nyog na eh?
02:02Kasi matamis kasi ito eh.
02:04Oo.
02:04Ito na yung nadurog.
02:06Tapos lalagay ko na yung sili.
02:08At yung bawang.
02:12Lalagay na yung buyas.
02:15At saka yung paminta.
02:21At inihalo ang kinayod na nyog.
02:24Mas babayun ka na naman ulit.
02:26Para maghalo-halo eh.
02:29Ito, bubudbud ko na dito eh.
02:31Di ba pulang-pula na siya pag ano oh.
02:34Ang hamon kay Nilen, tansyahan lang ang kanyang timpla.
02:38Bawal kasi niyang tikman ang kanyang gawa.
02:42Ako hindi ako kumakain kasi may kulibra ako.
02:44Kasi yung pag may kulibra ka, bawal yung mapupulan.
02:48Ang mga hinalong sangkap, sunod niyang ibinalot sa murang dahon ng nyog.
02:58Sinusukat ko yan para pare-pare yung laki.
03:03Habang si Marcos naman, inihanda ang paglulutuan ng sarsa.
03:07Nilagyan niya muna ng bote ang gitna ng lutuan.
03:10At saka binudburan ang paligid nito ng kusot o pinong tilad ng kahoy.
03:16Tatanggalin mo yung pati yung bote.
03:18Kasi diyan dadaan yung apoy.
03:21Tapos yung kahoy na pang ano doon oh.
03:24Siksik mo.
03:25Siksik.
03:26Siksik mo para may daanan yung apoy.
03:31Ang sarsa, pinakuluan sa malaking kaldero na may sabaw ng nyog at dinikdik na balap at ulo ng ulang.
03:44Ang palatandaan na ready to serve na ang sarsang ulang kapag naubos na ang sabaw sa kaldero.
03:56Ang benta niya rito ng 25 pesos kada piraso.
04:07Dahil sa kanyang sarsang uwang, napag-aral ni Nilen ang kanyang anak na si Letty.
04:13Si Letty, isa na ngayong lisensyadong guro.
04:17Dapat sipagan mo talaga, hindi yung, ay nako, tama na yun, or lang, ganun.
04:24Hindi, talagang go-go ko ah.
04:28Ang pambatong sarsa naman ng mga taga San Fernando,
04:32ang creamy at malinamnam na sarsa ni Marcelino,
04:37na mas kilala sa bansag sa kanilang bayan na si Narsa Man.
04:42Ang kanya raw kasing sarsa, hindi niya tinitipid sa gata na siya mismo ang kumukuha mula sa mga nagtatayugang puno
04:52ng nyog.
04:53Si Marcelino, nag-alas Spider-Man sa pag-akyat.
05:01Ang sabaw ng nyog, inihiwalay niya muna.
05:04Nihipong ko yung sabaw kasi, ipangsabaw ko rin yung sa paglagaan ng si Narsa.
05:10Kinayod niya ang laman.
05:14Sunod niya itong inihalo sa iba pang mga sangkap.
05:19Ang kaibahan daw ng sarsa ni Marcelino, hindi niya ito sinasahugan ng sibuyas.
05:26Ang misis niyang si Elisa, eksperto sa pagbabalot ng sarsa.
05:31Dati ang nagagawa lang namin, wala pa yata isang daan.
05:35Ngayon, pag binolyom namin, nagawa na kami ng nasa 300 piraso.
05:39Lilipad ka raw sa sarap ng sarsang uyang ni si Narsa Man.
05:44Naabot kaya ang presyo.
05:4610 pesos kada piraso.
05:49Inilala ko niya ito sa bayan.
05:52Sakay ng kanyang bisikleta.
05:5410.
05:55Ang isang ito, aba, pinakkiaw ang tinda ni Marcelino para ipadala raw sa Maynila.
06:02Ay, nasasarapan sila.
06:05Ano ma'am?
06:06Ang ilan naman sa mga luto ni Marcelino, idinideliver niya sa tindahan ni Virginia.
06:12Tatlong oras, ubos.
06:14Kung saan kumain at nasarapan sa sarsa, ang content creator mula Canada na si Becoming Filipino.
06:23Sarsa.
06:25Oh, and it smells amazing actually. Wow.
06:29Honestly, freaking delicious.
06:33Haven't had this in forever.
06:34I think I need to take a little bit of rice with it too.
06:40Mmm.
06:41Yeah, there's like this little gradual kick of chili.
06:46Mmm.
06:48Mmm.
06:49Si Marcelino, dating construction worker,
06:53hanggang tinuruan daw siyang magsarsa ng tsyahin at pinsa ni Elisa.
06:57Sa nakalipas na dalawang dekada,
07:00sa pagsasarsa na raw binuhay ni Marcelino,
07:03ang kanyang mag-iina.
07:04Doon lang napupunta sa pambaho ng mga bata,
07:08sa pagkain.
07:09Minsan pa, may naiipong din na kunti.
07:11Sa kaso ng Romblon,
07:13ang sikat ay yung sarsa.
07:14Na usually,
07:15ang ginagamit na pambalot dyan ay yung dahon ng niyog.
07:19Sa kahidyokan,
07:19same siya ng ingredient sa sinarsa,
07:21pero may isang baryasyon kung saan na ginagamitin na pambalot ay dahon ng gabi.
07:25Ang sarsa naman,
07:27sa bayan ng kahidyokan,
07:29dito pa rin sa isla ng Sibuyan,
07:32walang tapon.
07:34Sisimutin mo raw,
07:35mula laman,
07:36hanggang balat.
07:38Ang ginamit kasi nila ritong pambalot,
07:41dahon ng gabi.
07:42At ang tawag nila rito,
07:43Pinais.
07:45Isa sa mga gumagawa ng Pinais sa Barangay Lumbang,
07:49si Linda.
07:49Ang mga ipinambabalot niyang dahon ng gabi,
07:52libre niya lang nakukuha sa gilid-gilid ng mga palayan.
07:57Kailangan ano,
07:58yung tama lang siya ng nipis,
08:01hindi siya malambot,
08:02hindi siya matigas.
08:04Sa kanilang kubo naman,
08:06abala na ang mister niyang sinuwel,
08:08na dati ring cook,
08:09sa paghahanda ng mga gagamiting sangkap.
08:12Kailangan po siyang tadta rin
08:14para pagdating po doon sa,
08:16parang nagmi-mix na lang po siya.
08:18Habang ang mga isasahog namang uwang ni Noel,
08:21kinuha niya hindi sa ilog.
08:24Yung mga buhay,
08:25pinapakawalan ko dito sa,
08:27kaya istakan ko ng tipon.
08:30Mas masarap siya pag-press.
08:33Ang mga uwang,
08:35binalatan,
08:36tinagtad ng pinong-pino.
08:39Tinip-dip,
08:41inihalo sa kinayod na nyog.
08:46Ibinalot ito ni Linda
08:47sa dahon ng gabi.
09:02Kailangan din daw mag-ingat
09:04sa paghango ng pinais
09:06para hindi mabutas
09:07ang dahon ng gabi.
09:10Masarap!
09:11Lalo't halos kalahating araw ito,
09:14niluluto.
09:15Medyo maanghang siya,
09:16spicy.
09:17Magandang partner dito.
09:18Ang sarsa ay nagtataglay
09:20ng protina
09:21at iba pang mga nutrients
09:23gaya ng meron din itong iron
09:25kung ito ay binalot
09:27sa dahon ng gabi.
09:29Alamin din natin
09:30kung tayo ay may allergy dito.
09:33Para sa mga malayo
09:35sa kanilang lugar,
09:36pwede raw umorder online.
09:39Dahil nga,
09:39rich yung sibuyen
09:40sa mga natural
09:42like the ulang
09:43na makukuha lang
09:44sa ilog at sapa.
09:45We have the abundance
09:47sa nyog.
09:48So,
09:49make sure ng mga
09:50makakatikim
09:51ng aming
09:52pais or sarsa
09:53na fresh yung ingredients
09:54na ginagamit.
09:55Magkakaiba man
09:56ang hugis,
09:57balot at timpla
09:59sa bawat sarsa
10:00ng sibuyen,
10:01may resiping minana
10:04at kabuhayang binoo.
10:06Kaya,
10:07mahabaman ang biyahe
10:09patungo rito.
10:10Ang mga inihahain
10:12sa kanilang hapag
10:13mabilis maubos
10:15sa sarap.
10:17Talagang
10:18sarsarap!
10:23Thank you for watching
10:25mga kapuso!
10:26Kung nagustuhan nyo po
10:27ang videong ito,
10:28subscribe na
10:29sa GMA Public Affairs
10:31YouTube channel
10:32and don't forget
10:33to hit the bell button
10:35for our latest updates.

Recommended