Skip to playerSkip to main content
Aired (March 22, 2026): IBA’T IBANG BERSYON NG MARUYA SA PROBINSYA NG QUEZON, GAYA NG DINULDOL, SINALAB AT SANDAY-SANDAY, ATING TIKMAN!

Ang dinuldol, paboritong klase ng maruya ng mga taga-Brgy. Pagkakaisa sa Perez, Quezon. Galing ito sa salitang Tagalog na ‘duldol’ na ang ibig sabihin dinikdik. Ang merienda kasing ito gawa sa dinikdik o dinurog na saging na saba.

Ang paboritong merienda naman dito sa Catanauan, Quezon parang piaya pero manipis, ubod din ito ng tamis! Ito ang love na love nilang… sinalab!

Aakalain mo namang kamote chips o french fries ang meriendang ito. Pero kapag natikman, kagat, isa palang ng saging! Ito ang merienda na kung tawagin nila… Sanday-Sanday!

Ang iba’t ibang version ng maruya sa probinsiya ng Quezon, tikman sa video na ito. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:02This is a simple merienda, but our favorite is Saging, Asukal, Harina, Solved na Samaruya.
00:12In the province of Quezon, there is a different version.
00:19Kapag narinig na ang tunog na ito, alam na agad ng mga tiga-barangay pagkakaisa sa Perez Quezon na masarap
00:30ang kanilang magiging merienda.
00:32Hudyat kasi ito na nagbabayo ng saging ang kapitbahay nilang si Sandra para lutuin ang paborito nilang klase ng maruya,
00:41ang dinuldol.
00:43Patok po siya dito eh, para pong sinuunang luto.
00:46Galing ito sa salitang Tagalog na duldol, na ang ibig sabihin, dinik-dik.
00:52Ang merienda kasing ito, gawa sa dinik-dik o dinurog na saging na sabah.
00:59Ang gamit ni Sandra para durugin o imash ang saging, bote ng ketchup na may lamang tubig.
01:07Ito na po yung aming nakagisna noon pa. Ito po yung talagang aming pambayo.
01:11Wala pa naman pong nangyayaring nabasag yung bote.
01:13Sunod niya itong hinalungan ng baking powder, harina, at asukal.
01:28Lagyan po muna natin ang mantika para hindi tumikit.
01:31Tapos iro-roll po muna natin ng konti.
01:34At tsaka niya inihulma ng pahaba gamit ang saha ng saging.
01:42Pagkatapos, iprinito niya ito sa kumukulong mantika.
01:47Kapag lumutang na, ready to serve ang mainit-init pang dinuldol.
01:52Ten pesos kada piraso.
01:58Hindi agad masyadong natutunaw sa bibig kaya mananam na mo talaga yung sarap niya.
02:04Perfect po siyang i-partner sa kape.
02:05Bata pa lang daw si Sandra, binuldol na ang kinalakhan niyang merienda.
02:11Nakikita ko po dati, may gumagawang matanda.
02:14Tinitingnan ko po yung ginagawa niya.
02:16Hanggang sa natutunan ko na po siyang gawin.
02:18Pero halos wala na raw nagbebenta nito ngayon sa Quezon.
02:22Kaya nung nagtayo siya ng sariling kainan,
02:25ito ang naisip niyang lutuin at ibenta.
02:28Yung iba po tumatawid.
02:29Dinadala po sa Lucena.
02:31Wala po silang mahanap na dinuldol.
02:33Kaya dito po sila bumibili.
02:35May consider pa rin dito na maruyak.
02:37Ito ay bahid ng impluensya ng kolonya ng Espanya.
02:40Sila ang nagdala ng mga harina dito sa atin.
02:46Ang paboritong merienda naman dito sa bayan ng katanawan.
02:51Sa Quezon Province pa rin.
02:53Parang piyaya.
02:54Pero manipis.
02:55Ito ang love na love nila.
02:59Sinalab.
03:01Ang 73 anyos na si Lola Larina.
03:04Pangatlong henerasyon na raw sa kanilang pamilya
03:07na nagluluto ng Sinalab.
03:0920 years na nini siguro ako nagluluto.
03:12Naman ako lang yan sa nanay ko.
03:14Ako ang pinagluluto.
03:16Hindi ako marunong.
03:16Laglag siya ng laglag.
03:19Natutunan ko din.
03:21Nung mamatay naman yung nanay ko.
03:22Ako na ang nagluto niyan.
03:24Ang saging na gamit ni Lola Larina sa paggawa ng Sinalab
03:28yung tinatawag na lunot o yung sobra ng hinog.
03:32Kasi ito ang matamis.
03:34Ito ang kailangan ng Sinalab.
03:36Lunot na lunot siya.
03:37Hindi na maglagay ng asukan.
03:40Habang ang butter o yung ipinangko-coat niya naman sa saging,
03:44gawa sa inaw ng uraro o harina na mula sa arrowroot.
03:49Ito ay nyog po na kinayod para mabuo siya.
03:55Mahirap yung client to.
03:57Pag naparami ang tubig mo, hindi ito mabubuo.
04:00Ang Sinalab ni Lola Larina hindi sa kawali iniluluto,
04:05kundi sa magkapatong na takip ng palayok.
04:13Kailangan mainit siya para hindi dumikit ang inaw.
04:23At mas healthy raw ito.
04:25Hindi kasi siya bumagamit ng mantika.
04:27Tapos ito, babalik na rin.
04:30Balik-balik na lang siya para maluto.
04:34Yung nanay ko nung nagluluto siya,
04:37apat na ganito hindi ko kaya.
04:38Nalalaglag siya.
04:39Padali lang.
04:40Sigurong wala pang 3 minutes ganon.
04:43Dito ko nilalagay ang luto.
04:45Hindi sa lumalamit.
04:47Bawat piraso ng Sinalab, 15 pesos lang.
04:50Yung banana medyo matamis din siya.
04:52Tapos yung uraro medyo rough.
04:54Tapos toasted pa siya.
04:56Yun ang nakasarap.
04:57Para kang umuya ng pulboron
04:59na may matamis-tamis.
05:01Isa nga may pumupunta dito o order sila.
05:04Dinadala sa Maynila.
05:05Mga taga rito rin,
05:06nagtira sa Amerika,
05:09nagpa-order sila ng Sinalab.
05:10Ang pinangangambahan ngayon ni Lola Larina,
05:13dahil tumanda siyang dalaga,
05:15wala siyang anak o apo
05:17na maaaring magmanan ng kanilang recipe
05:20at magtuloy ng kanilang family legacy.
05:23Madalang ang nagluluto niya.
05:25Kung gusto nyo matutong magluto ng Sinalab,
05:28tuturoan ko sila magsalab.
05:32Kapag dumayo ka naman sa bayan ng Makalelon,
05:36aakalain mong kamote chips o french fries
05:40ang meriendang ito.
05:41Pero kapag natit man,
05:44gawa pala sa saging.
05:48Ito ang merienda na kung tawagin nila,
05:51sanday-sanday.
05:54Si Pureza,
05:55sa pagluluto ng sanday-sanday at iba pang merienda,
05:58binubuhay ang lima niyang anak.
06:01Ito po ay naman ako sa aking bayanan,
06:0434 years old na po yung aking pagluluto ng merienda.
06:08Hahalo ako ng harina para po sa pandikit sa gagawing sanday-sanday.
06:18Ito po ay pod color para po mas maganda ang kulay ng aking sanday-sanday.
06:23Sa ganito po,
06:23karami makakagawa po ako ng isang piling na saging.
06:27Mga sampung peraso.
06:30Ang mga saging na saba naman,
06:32tiniwa niya ng maliliit at pahaba.
06:39Imi-mix ko na po sa saging para po sila magdikit-dikit.
06:48Ilulubog ko muna po sa mantika para hindi po siya dumikit sa dahon.
06:57Iihahanay ko na po itong mga saging,
07:00mga dosi peraso po.
07:02Pagkatapos, i-print ito sa kumukulong mantika.
07:21Sa isang araw po, nakakagawa ako ng 100 peraso.
07:26Nabibinta ko po din ay 2,500.
07:30Ang tamis niya ay tama lang sa panlasa.
07:33Masarap kasi.
07:34Ang gigigilok niya.
07:39Dahil sa mahigit tatlong dekadang pagluluto ni Pureza
07:43ng sanday-sanday,
07:44ang pang-apat niyang anak,
07:46gagraduate na ngayon sa kolehyo.
07:49Dahil sa sanday-sanday,
07:50nakilala po ako ng mga tao dito sa bayan ng Makalelon.
07:55Malaking tulong po talaga sa akin.
07:57Pagkiramdam po po ngayon ay maalwa na po ang aking pagkakabuhay.
08:05Pinatunayan ng mga tiga-quezon
08:07na ang saging nasaba
08:09hindi lang pang turon o banana cube,
08:14kundi pangunahing sangkap din
08:16ng sari-sari pang mga merienda
08:19na minana sa mga pusina
08:22ng kanilang probinsya.
Comments

Recommended