Skip to playerSkip to main content
Aired (April 5, 2026): MGA NAGLALAKIHANG IMAHEN NA SUMASALAMIN SA LALIM NG DEBOSYON AT TRADISYONG PILIPINO, ATING BISITAHIN

May mistulang mga nakaupong bisita sa isang antigong bahay na bato sa San Miguel, Bulacan na nakasuot ng makukulay na damit.

Pero hindi sila mga totoong tao, kundi life-size na imahen ni Hesukristo at ng kanyang 12 apostoles. Paglalarawan ito ng tagpo sa ‘Last Supper’ o Huling Hapunan bago dakpin at ipako sa krus si Hesukristo. Kaya tinawag itong La Ultima Cena o Last Supper of Jesus Christ.

At ang nakakamangha rito, may sikretong butas daw ang likod ng mga imahen na diumano, nagsilbi raw taguan noon ng…yaman?!

Samantala, naging panata naman ng taga-Guagua na si Willy na maglilok ng mga imahen. Ang ilan sa mga ecclesiastical art na likha ni Willy, naka-display ngayon sa itinatayo niyang museo.

Hanggang nitong nakaraang taon, kinumisyon si Willy na gumawa ng isang wood sculpture na hango sa pamosong Pieta. Life-size ito, sinlaki ng totoong tao!

Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:02Today is the Day of the Pagkabuhay.
00:04Day of the Pagkabuhay is the day of the parade
00:07of the images of the Santo and Jesus Christ.
00:16When we studied the katechism,
00:19we said to our teacher,
00:20if you want to see the light,
00:22look at the kisame na simbahan.
00:31During my first communion, 1966,
00:34doon ko unang nakita yung kisame.
00:36Na-overwhelm ako.
00:37Ito pa yung langit.
00:37Ang mga painting sa kisame
00:40ng tinaguriang Sistine Chapel of the Philippines.
00:44Ang Santiago Apostle Parish
00:47o Betis Church sa Pampanga
00:49ang siyang naging unang inspirasyon
00:51kay Willie sa paglikha ng sinig
00:54na iniaalay niya sa Panginoon.
00:57At sa kanyang mga kamay,
00:58ang inspirasyong ito na hubog sa paglililok.
01:08Hindi na rin siguro katakataka
01:10dahil lumaki siya sa Guagua,
01:12Pampanga,
01:13bayan na kilala
01:14sa mga mandudukit o wood carvers.
01:18Parasado kang mag-aaral ng ukit
01:20since it's our livelihood yun.
01:22It's in our DNA.
01:28Yung istakat ako ng mga okit,
01:31it's like music sa ears namin yun.
01:33Nung nang nakita nga ng mga parents ko,
01:35meron akong talent.
01:36Binili na lang ako ng chisel.
01:37Umawa ko ng chisel.
01:39So, nine years old.
01:40Since we raised Catholic,
01:42Catholic images yung
01:43nagkukaw sa akin ng damdamin na para gawin yun.
01:46Mula noon,
01:47naging panata na rin ni Willie
01:48na maglilok ng mga imahen.
01:50At first year high school, sculptor na ako through the mentorship of my lolo, Apong Juan Castro, sculptor din siya.
01:57Ang ilan sa mga ecclesiastical art na likha niya, naka-display ngayon sa itinatayo niyang museum.
02:04Isa sa pinaka-personal sa kanyang mga likha, ang imahing ito ni Jesucristo.
02:10Parang portrait siya ng father ko.
02:11Meron kami nga konting problema ng father.
02:15Merong crown of thorns siya na.
02:16Nung magkaayos na kami, inalis ko yung crown of thorns niya.
02:20Parang yung sign na okay na kami.
02:23Meron din siyang imahe ng Mater Dolorosa o imahe ng nagluluksang Birhen Maria.
02:29Ang damit nito galing ng Spanya.
02:32Sorrowful mother, parang i-emphasize natin kung gaano kasakit ang nakikita mong nagdudusa rin yung anak mo.
02:38Mas nahasa para ni Willie ang kanyang sining nung nakapag-aral siya sa Spain.
02:43The most important thing na nalaman ko sa kanila is the philosophy towards their art.
02:47Anon pa kayo mo? At ba't mo ginagawa yan?
02:50You must have this clear intent.
02:52Sa kanyang pamamalagi sa Europa, nasilayan niya ang iskulturang ito sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.
03:00Kung saan ramdam ang hinagpis at agdadalamhati ni Birhen Maria nang pumanaw sa krus ang anak niyang si Jesus.
03:07Ito ang obra maestra ng Italian artist na si Michelangelo, ang Pieta.
03:14More than blessing yun. Hindi na ako makapagsalita. Wala na. Kasi na-overwhelm na ako.
03:20Hanggang nitong nakaraang taon, kinomisyon si Willie ng isang pamilya mula sa bayan ng Bakulor na gumawa ng isang wood
03:29sculpture na hango sa pamosong Pieta.
03:32Ang project na ito, right after Holy Week last year, binigay na sa akin. Ganong katagal. Masyadong intricate siya ang
03:38mga details.
03:39Life size ito. Singlaki ng totoong tao.
03:45Pero ang agaw pansin sa obrang ito ni Willie, ang suot ng Birhen Maria, Filipiniana.
03:51Kaya tinawag niya ang obrang ito na Filipiniana Pieta.
03:56Ito yung buseto ng Pieta. Ito makikita mo, meron ng three-dimensional ano na yan.
04:01Enlarge ng machine.
04:08Pati yung finishing. Ako pa rin yun. Dapat talaga artist touch yun.
04:11But it does not remain on the suffering. We have to uplift them.
04:15That's the sense of hope mabibigay natin sa mga tao.
04:20Yung lapietas, yun ang simbolismo niya.
04:22We feel so really, really honored and blessed and it will become a treasure of the parish.
04:28Mahigit dalawang siglo naman ang nakararaan nang itinayo ang antigong bahay na bato na ito sa San Miguel, Bulacan.
04:37Minsan na raw nagpalipas ng gabi rito ang batang general na si General Gregorio del Pilar Ogoyo bago siya sumabak
04:45sa isang laban sa Isabela.
04:47Wala patang kama, baka banig pa yun noong araw eh.
04:50Habang sa kanilang kusina, sa unang palapag, may parang nakaupong mga bisita na nakasuot ng makukulay na damit.
04:58Pero hindi sila mga totoong tao, kundi life-size na imahen si Jesus Cristo at ang kanyang labing dalawang apostoles.
05:08Paglalarawan ito ng tagpo sa Last Supper o huling hapunan bago dinakip at ipako sa krus si Jesus Cristo.
05:17Kaya tinawag itong La Ultima Sena o Last Supper of Jesus Christ.
05:23Ang La Ultima Sena na singtanda na raw ng Ancestral House, pinagawa pa ni na Doña Eladia Santiago at Don
05:31Pelayo sa Espanya.
05:33Idinala sa Pilipinas, dito inassemble isa sa mga talyera sa Quiapo, Maynila.
05:38Tapos inuwi ng San Miguel.
05:39Ang imahen ay ipinapalagay na mga nasa dalawang daang taong mahigit na.
05:45Ang nagsisilbi ngayong tagapangalaga o caretaker ng mga imahen,
05:49ang 78 anyos na ngayong si Nanay Iday.
05:53Sinasama ako rito pagmahal na araw.
05:55Nakikipag-prosesyon kami mula nung pagkabata ako eh.
05:59Naano ako na siya talaga si Jesus na parang yung whiskey na hindi mo siya nakikita ang totoo.
06:05Pag tinitigan ka niya parang na ano kayo naaakit ka.
06:09Kasi yung mata niya tingnan mo, parang nakatingin sa'yo na nakatingin.
06:13Parang nangungusap siya.
06:14Ang pagbabantay ni Nanay Iday sa mga imahen, itinuturing niyang debosyon.
06:20Bago akong matulog, lalapit ako sa kanya, nagprepray ako sa kanya.
06:23Pag lumapit ka lang sa kanya, bibigay niya basta timtima ng pagdasal mo.
06:27Tuwing ordinaryong araw, ang mga imahen sa kwartong ito sa ikalawang palapag ng bahay na mamalagi.
06:34At para hindi maalikabukan ang kanilang mga ulo, tinatakluban ni Nanay Iday.
06:40At ang nakamamangha rito, may sikretong butas daw ang likod ng mga imahen na di umano nagsilbing taguan noon ng
06:49yaman.
06:50Diyan daw ata tinago ng delayo ng kayamanan.
06:53Paglagyan ng mga mahalagang bagay.
06:55Bago magsimula ang Semana Santa, tradisyon na nilang ilabas ang La Ultima Sena para sa taon na nilang tradisyon na
07:04kung tawagin, bihisan.
07:06Yung mga pare ang pupuntahan dito. May tagaibang lugar. Anong panataan nila?
07:11Isa sa kanila, ang 78 anyos na si Lola Lolita na nagsimulang mamanata sa La Ultima Sena noong nagkakanser ang
07:20kanyang anak noong taong 2020.
07:22Pandemi kasi, ang hirap ang makakuha ng doktor. Tinutulungan kami talaga.
07:28Dahil sa pananampalataya, paglarasal, nakayanan ko naman. Hindi naman masyadong maging mabigat pa ang pagalis niya.
07:36Ang paglipat at pagbihis sa mga imahe, maingat nilang ginagawa.
07:42Pagbukal naman sa loob mo, nabubuhatin sila, magpapabuhat. Pagplastika, hindi magpapabuhat na mag-isa yan.
07:48Mahihirapan ka. Hindi pwede, huhubarin mong ganun lahat. Hindi, kailangan nakakover.
07:53Eh, syempre, parang ginagalang mo rin sila.
08:02Pagkatapos, ay isa-isa nila itong isinakay sa karo.
08:07Ang seremonya, tuloy hanggang Sabado de Gloria.
08:11Kasi tayo bilang tao, very tactile tayo.
08:15Pag nahawakan mo, nakikita mo, nag-i-imagine ka.
08:19Hindi natin sinasamba yun.
08:20Meron tayong pinatutungkulan.
08:22Ito ang nagpapaalala sa atin upang patuloy nating maalaalaan Diyos.
08:29Kahit patinawag silang mga santo,
08:31nung nabubuhay sila, hindi sila mga perpekto.
08:35Pero sa kabila ng kanilang mga pagkukulang,
08:39pinilit nilang lumaki at lumalim ang kanilang pananampalataya.
08:50Thank you for watching mga kapuso.
08:53Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
08:55subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:59And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments

Recommended