Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
Nasalpok ng isang kotse ang ambulansiyang may sakay na sugatang taxi driver sa Quezon City. Ayon sa driver ng kotse, posibleng nakaidlip siya habang nagmamaneho. Ano ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong insidente? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, lalo na sa mga kagigising lang,
00:04manginig po mabuti para hindi kayo malito sa pag-uusapan natin today.
00:09Sa Quezon City, nasalpok ng isang kotse,
00:12ang ambulansyang may sakay na sugatang taxi driver.
00:16Sa lakas ng pagkabangga, wasap ang harapang bahagi ng kotse
00:21habang natanggal naman ang pinto ng ambulansya.
00:25Sakay ng ambulansya ang 53 years old na taxi driver
00:29na nasugatan naman matapos mabangga ng motosiklo earlier.
00:34Sabi ng driver ng kotse,
00:36nako, posibleng nakaidlip siya habang nagmamaneho.
00:40Inilipat ng ibang ambulansya ang sugatang taxi driver para madala sa ospital.
00:46Pag-usapan natin yan, ask me, ask Atty. Gabby.
00:53Atty. nasa opisyal na pagresponde ang ambulansya
00:57at may sakay itong pasyente na naaksidente
01:00nang maaksidente rin mismo.
01:03Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:06Well, unang-unasan na nga ay nasa maayos na kalagayan
01:10ang kawawang taxi driver na nasangkot sa aksidente
01:13not just once, but twice.
01:16At yan ang dahilan kung bakit kailangan natin sundin
01:20ang general rule sa ilalim ng Article 5, Section 49
01:24ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code
01:29na may special right of way ang isang ambulansya
01:33kapag ito ay nasa official business
01:35at especially kung rinig na natin ang signal siren kapag dadaan ito.
01:40Ibig sabihin, kapag may nakita o narinig na kayo ng sirena
01:44whether it is an ambulance or a firetruck or police car
01:48dapat ay tuwabi na po kayo, tumigil at paraanin sila.
01:53Huwag makipag-unahan, huwag isipin na namemeke lang ang mga ito.
01:58Kung minsan kasi iniisip na ibang tao
02:00wala naman talagang sa kayong ambulansya na yan
02:03or wala naman talagang hinahabol ng police car
02:06umiiwas lang sa traffic yan
02:07nakuwag niyo pong gawin o isipin yan.
02:10Always assume na may tunay na emergency
02:13at sundin ang requirement ng batas
02:15ang mga emergency vehicle ay dapat palaging bigyang daan.
02:19That being said, mukhang ang twist sa balitang ito
02:23ay ang pag-amin ng driver na baka nakatulog siya.
02:26Sabi nga nila, honesty is the best policy
02:29pero hindi pa rin siya makakaiwas sa pagkakaroon ng posibleng liabilidad.
02:35More often than not, ang isang driver na nakatulog habang nagmamaneho
02:39ay mananagot in case magkaroon ng aksidente
02:42dahil nga nakatulog siya.
02:44Unang-una, unless ito ay isang kaso ng stroke
02:47or pagputok ng aneurysm na biglang nangyayari
02:50na maaaring mawala ng malay ang driver,
02:53yung nakakatulog na driver,
02:55pandaan po ninyo, never naman yan nangyayari ng biglaan
02:59unless may sleep ap niya nga siya.
03:01May warning signs yan?
03:03Alam nyo naman kung sobrang inaantok na kayo
03:05or pagod,
03:07naghihikab na kayo at mabigat na ang feeling ng inyong mga mata.
03:11Mas mabuti pa na itulog ninyo muna
03:13imbis na sumakay ng kotse at magmadali
03:16para makatating na at makatulog sa bahay.
03:19Yan, pakikipagsapal na na yan
03:22ay pagpapabaya o negligence na dapat ninyong panagotan.
03:27Ganon din kung nauminom kayo ng gamot
03:29na nakakaantok pero magpipilit pa rin kayong mag-drive.
03:33Kung mapapatunayan na talaga na kaidlip ang driver
03:35at ang pagkaidlip na ito
03:37ang naging sanhin na aksidente
03:39while in this case umamin naman na ang driver
03:41muslimily nga siyang managot
03:43sa ilalim ng revised penal code for reckless imprudence
03:47resulting in damage to property or physical injury
03:51kung may nasaktan.
03:52Pananagotan rin ang mga danios sa mga sasakyan
03:55halimbawa at kung ano pang ibang civil liability
03:58dahil sa aksidente.
04:00And of course, ang traffic violation na yan
04:03ay reckless driving naman po talaga yan.
04:06Tandaan ng isang motor vehicle
04:08tulad ng isang kotse
04:09malaking pinsala ang maaaring idulot
04:11lalo na sa mga kawawang pedestrian at mga motor.
04:15Kaya't lagi pong mag-ingat
04:17kung nakainom, inaantok,
04:20don't drive,
04:21and of course,
04:22no texting while driving.
04:24Mga paalala lamang po
04:25for safer roads and highways
04:27for all of us.
04:29Ang mga usaping batas,
04:30bibigyan po nating linaw
04:32para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:34Huwag magdalawang isip.
04:36Ask Me
04:37Ask Attorney Gabby.

Recommended