00:00Ibahin niyo ang pa-seafood trip ng tinaguriang Last Frontier ng Pilipinas, ang Palawan.
00:10Ang iba't ibang klase nila ng seafood, tuhog-tuhog at ibinibenta dyan lang sa kalsada.
00:20Kapag tirik ang araw, halos wala ka ng madaanan.
00:23Dito sa barangay Nuginlo sa Taytay, Palawan, nakalatag na kasi sa labas ng mga bahay ang mga naglalaparang kaping.
00:33Kung saan ibinibilad ng mga kababaihan ang nilinis nilang mga lamang dagat, kabilang na ang mga tahong na kanilang idadaing.
00:44At ipinagmamalaki nila na ang kanilang dried tahong hindi lang masarap, hindi rin daw malansa.
00:53Isa sa mga nagdadaing dito ng tahong, ang 70 anyos ng si Lola Raquel.
01:05Tuwing hapon, banye-banyerang tahong ang ibinabagsak sa kanilang bahay.
01:11Pili namin ng 350 ang isang banyera.
01:13Ang mga tahong ni Lola Raquel, nililinis at hinihimay niya gamit ang kutsilyo.
01:26Tinatanggal namin ang pusod kasi pag hindi tinanggal ang pusod, marumiyan dito sa produkto na ginagawa namin.
01:33Huhugasan niya ulit ito ng tubig-tabang.
01:36Hindi pwedeng hugasan sa dagat kasi pag sa dagat ito hinugasan, maalat siya.
01:40Kung makikitaan ninyo kaya may bula sa tubig, yan ang pinakadumi na paghugas nitong tahong na dinaing.
01:47Pakahugas, isasali namin ulit sa tabang na tubig sa timba.
01:56Pagkatapos, ibibilad niya ang mga nakolektang laman ng tahong sa kaping na gawa sa kawayan at fishnet.
02:03Isang araw at kalahati ito. Maghapon yan. Pag hindi pa natuyo, kinabukasan, bibilad din pa namin.
02:07Pero kunting oras na lang talaga yan kinabukasan.
02:09Hindi, malalaman mo din yan pag pwede ng tikalin. Malalamin natin pagdikit-dikit na talaga siya.
02:14Kada kilo ng kanilang dried tahong na ibibenta nila ng 70 pesos kada plastic, 700 pesos naman kada kilo.
02:24Ang shelf life nito, umaabot ng hanggang isang linggo.
02:29Masarap daw ulamin o kahit pa papakin.
02:34Pihado, wala raw dumadaing sa amoy at lasa ng kanilang daing na tahong.
02:40Ay mahalaga, hindi talaga nakakalimutan itong kultura na ito.
02:43Kahit mga bata dito na ano magagaling na yan sila magdaraing ng tahong.
02:46Para ma-preserve namin kung ano mga pasasimulaan namin,
02:49malaking tirong ito kasi sa mga estudyante namin saka sa mga ako.
02:56Kahit may kaingayan, wala namang nagre-reklamo sa Puerto Princesa City sa Palawan.
03:02Sa nililikhang tunog sa kainang ito, nina-bubbles.
03:10Ang ingay raw kasi, kudyat na matitikman na ang dinarayo ritong sarap.
03:16Ang matyaga kasi nilang pinupukpok isang klase ng lamang dagat na ang napakatigas na shell may mga patusok na galamay o spider shells kung tawagin sa ingles.
03:30Saang naman sa Tagalog, pati sa Bisaya.
03:33Pero kung nandito ka na sa Palawan, huwag raw a-anga-anga dahil ang tawag nila rito, ranga-ranga.
03:42At kaya raw pinagtsatsagaan nilang pupukin ang mga ito para hindi na raw magkaduling-duling ang kanyang mga suki sa pagsungkit sa laman ng ranga-ranga.
03:53Ang mga nakupuhan niya kasing laman ay tinutuhog sa stick at saka iniihaw, parang barbecue.
04:10Ang mga ibinibentang ranga-ranga ni bubbles, mga preskong huli ng tinatawag nilang manginginhas, katulad ni Teresa.
04:19Ang kanilang pakay na ranga-ranga, kung hindi sinisisid sa karagat,
04:49Maswerteng napupulot din lang sa dalampasigan.
05:00Si Bubbles naman, abangers na sa mga ibabagsak na bagong huling rangaranga at iba pang lamang dagat.
05:20Pali dito kasi yung mga nakatira yung mga nanginginas, pali dito rin namin pinipick up yung mga shells na kuha nila.
05:27Mas malapit kasi sila dito sa isla.
05:31Or kulang-kulang dalawan sako, siguro.
05:33Ang makukuha namin ngayon. Nahiwa-hiwalay na rin nila.
05:35Ang mga nabili niyang rangaranga, agad nilinis gamit ang brush.
05:48Ayan po, para lang po tayo naglalaba.
05:51Batan kasi may part in po siya na mga talas.
05:54Pwede po running water, tubig tabang.
05:57Pwede rin po sa ganito lang.
05:58Kasi uulitan mo rin naman po yan siyang hugas.
06:01Yung loob po kahit hindi na po masyadong linisin kasi malinis naman po yan.
06:05Tanggal talaga yung mga buhangin niya, pati yung mga lumot-lumot.
06:09Sunod niya itong ibinabad sa tubig tabang.
06:15Pagkatapos, pinakuluan sa loob ng limang minuto.
06:22Ayan po, pag ganito na po yung laman na nagkulay orange, na malalaman po natin na luto na.
06:30Para makuha ang laman, may nartilyo ni Bubbles ang shell.
06:35Kailangan tansya-tansya lang din yung pagbiak para hindi masira yung laman.
06:38So dito natin papatama ng pukpuk para mabilis lang siya makrak.
06:45Ayan po.
06:47Tapos, pag nakita matanggal na, pwede mo na siya hilain.
06:50Tinanggal niya rin ang kuko at chan ng rangaranga.
06:54Ganyan lang pa ulit-ulit lang gagawin.
06:56Ito lang ang kailangan natin, yung laman niya.
07:00At saka niya hinugasan sa tubig tabang ng limang beses.
07:04Kailangan natin ito hugasan kasi nga para matanggal yung mga laway-laway niya o yung mga natitira nitong shells sa laman.
07:12Ang mga nilinisan niyang laman ng rangaranga, isa-isa niyang tinuhog sa barbecue stick.
07:17Ang laman ng isang stick, pag malalaki, tatlo.
07:21Pagka maliliit, apat o lima.
07:22At para mas malasa, pinahiran niya ito ng secret sauce.
07:30Kada stick ng inihaw na rangaranga, 25 pesos.
07:34Ang rangaranga, chewy yet flavorful.
07:37Para siyang pusit.
07:40Taong 2022, nung nagsimula raw magbenta ng samotsaring lamandagat si Bubbles.
07:45Nagdagdag po ako ng sikat, mga aripuros.
07:51Tapos nagdagdag na rin po ako ng lato.
07:53May tumal, minsan naman, okay naman ang binta.
07:55Pero siyempre po, pagka nagtumal po yung shells,
07:58bali, gagawaan po namin ang paraan kung ano po po pwede namin maibinta ulit.
08:02At para hindi raw masira ang kanyang tinda,
08:05naisipan niyang ihawin na lang ito.
08:11Pumatok naman sa kanyang mga suki.
08:14Malaking bagay po talaga yung sipo.
08:16Biyaya po talaga ng karagatan.
08:17Kasi yan po yung tumutulong sa amin at saka nakakabuhay sa amin.
08:26Ang usok namang ito sa barangay San Miguel sa Puerto Princesa City pa rin.
08:32Palatandaan na malapit ng matikman ang isa pang biyaya ng karagatan.
08:37Kapag nagsimula ng araw umusok,
08:40napapapreno na ang mga dumadaang motorista.
08:43Na tila ba natatakam na?
08:46Pag naamoy ng tao, doon po sila napapabili.
08:49Umo-order sila ng bestseller ni Naenzo.
08:53Na inihaw na dried pusit.
08:58May dalawang type po yung pusit na binibenta na mayroong skinless pusit at saka may sweet pusit po.
09:05Ang ginagamit ko po ma'am is skinless pusit.
09:07Mas dark siya kaysa sa sweet pusit.
09:09Ang skinless pusit ay mas malalaki kaysa sa sweet pusit.
09:12Species ng pusit.
09:14Medyo mapula siya, lesser siya ng price kaysa doon sa sweet pusit.
09:19Nakuha raw niya ang ideya nung may napanood siya minsan na video online.
09:23Curious ako na bakit sobrang daming nagtitinda nito sa Kiapu at saka sa Tundo.
09:31Why not siguro subukan ko na wala pa naman dito sa Palawan.
09:34Yung nakahumaling po sa mga tao dito is yung may pinapatak po kami na oil doon sa pusit.
09:40Na umuusok siya ma'am na pag naamoy ng tao, napapasabi sila na ang bango.
09:44Doon po sila napapabili.
09:4610 to 30 pesos kada stick.
09:50Pero ang nagpapasarap daw talaga sa kanyang inihaw na dried pusit,
09:54ang kapartner nitong sausawan na hindi tinipid sa sibuyas.
09:59Ang gamit po namin sibuyas dito sa dried pusit is itong tinatawag nilang bumbay sibuyas na kulay pula.
10:07Malalaay po siya, lesser po yung price nito kaysa sa mga maliliit na sibuyas na common natin nabibili sa market.
10:13That's why ito yung ginagamit namin.
10:14Para pinong-pino ang sibuyas, it'sinalang ito ni Enzo sa isang food processor.
10:23Sunod niyang nilagyan ng suka at tinimplahan ng iba pang pampalasa.
10:29Crunchy at saka pwede po siyang pang ulam at pang pulutan.
10:33Perfect naman siya yung kombinasyon ng sili at sibuyas at suka.
10:36Mahalinam nam, malambot at sakto yung lasa ng sausawan.
10:41Sa sobrang patok ng sausawan ni Enzo, nakakaubos daw sila ng isang dosenang garapon ng sausawan sa ilang oras lang.
10:51Paano ba naman kasi ang nabibenta nila kada araw?
10:54Umaabot ng 3,000 na sticks ng inihaw na dried pusip.
11:01Yung tinutubo ko po doon na 5,000 to 10,000 po is 4 times po yung nagiging profit po.
11:07Because of our laws in place dito sa buong Palawan, well protected yung ating mga seagrass.
11:21Kaya malaki din actually yung ating supply.
11:24For example, in the city of Puerto Princesa for 2025,
11:28meron tayong 10,283.54 metric tons of collected seafood and seashells.
11:36Nakakatulong ito sa ating mga coastal communities.
11:39Para sa mga masiselan ang tiyan,
11:41ang kaunting kanin o pagkain muna ay magsisilbing buffer
11:45para hindi mabigla ang digestion,
11:48lalo na sa mga protein-rich foods katulad ng seafood.
11:51Siguraduhin po natin na lutong-luto ang seafood.
11:54Eat in moderation with variety and balance.
11:57Palawan ang tinaguriang last frontier ng Pilipinas.
12:04Nasa'yo na yata talaga ang lahat.
12:06Magandang mga tanawin,
12:09mayamang mga karagatan,
12:12at pagkasarap-sarap na seafood.
12:16Tunay ngang,
12:17Ihaw na!
12:19Este, ikaw na!
12:25Thank you for watching, mga kapuso!
12:27Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
12:30subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
12:33And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments