Skip to playerSkip to main content
Aired (November 2, 2025): MGA PAGKAING NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO SA SARAP: ASWANG LOBSTER NG SAMAR, WAKWAK NG PALAWAN, AT PAKPAK NG DEMONYO NG QUEZON

Ang mga aswang sa Lavezares, Northern Samar, hindi raw lumilipad kundi sumisisid sa dagat! ‘Yan ang isang klase ng lobster— ang Aswang lobster!

Sa isla ng Araceli, Palawan naman, meron daw kasi silang tinutugis na wakwak na puwedeng kaining hilaw at naibebenta sa halagang P350 kada kilo?!

Ang bestseller naman sa Lucena City, abot-langit ang sarap na pakpak ng…demonyo?!

Ano nga ba ang lasa ng mga nakakapanindig-balahibong pagkaing mga ito? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mayroon din palang mga pagkain na nakakatakot.
00:07Gumapangang takot sa kubong ito na nasa gitna ng laot sa bayan ng La Vezares, Northern Samar,
00:17nung may natagpuan ditong patay.
00:20Nakaangat na yung ulo, may nakalabas na na konting laman.
00:24Pero ang mga aswang sa La Vezares, hindi raw lumilipad, kundi sumisisid sa dagat.
00:32Kapag gutom na po sila, doon nila kinakain yung kapwa nila.
00:35Gamit yung mga galamay niya, kinakagkabkab niya yung laman, tapos sinusubo niya sa bunganga niya.
00:41At ipinagtapat ni Fremilin, siya raw mismo ang nagaalaga sa mga ito.
00:47Sinisigurado lang po namin na yung mga alaga namin, hindi sila gutom para hindi sila magkainan.
00:52Pero bago niyo raw salakayin si Fremilin, may gusto mo ng linawin.
00:58Ang inaalagaan daw niyang aswang, hindi yung mula sa mundo ng kababalaghan,
01:04kundi isang klase ng lobster.
01:07Reddish brown, dark green o halos itim ang kulay nito.
01:18May puting spot sa katawan, napakahabang antena at napalibutan ng tinik-tinik o spines.
01:25Ang scientific name nito, Panolirus penicillatus.
01:29At ang tawag dito ng mga tiga Northern Summer, aswang lobster.
01:34Tinawag talaga silang aswang dahil yung itsura daw nila, parang mas nakakatakot.
01:38Dito sa kanyang payag o kubo, ikinikulture o pinaparami ni Fremilin ang mga aswang lobster.
01:45Nagsimula po kami nitong 2024 pa lang dahil yung uncle ko po, meron siyang culture dati ng lobster.
01:52Ang mga pinapalaking lobster ni Fremilin, mga hulin ang maninisid na si Jerry.
02:01Gaya ng mga kinatatakutang aswang, gabi rin daw naglalabasan ang mga aswang lobster.
02:22Dalawang kamay ang ginagamit namin. Mas mabilis pa kaysa sa galaw niya.
02:29Minsan nasasaktan kami kasi tumatagos yung haba ng tinik niya sa kamay namin sa guwantis.
02:33Ang mga nahuli niyang aswang, ibinabagsak sa payag ni Fremilin.
02:47Anim na buwan itong ikinokulture ni Fremilin bago ibenta.
02:51950 pesos kada kilo.
02:53Yung mga tao po na gustong makatikim ng lobster, na hindi po afford yung tiger lobster,
02:59mas madalas nilang binibili yung aswang lobster.
03:01Kung ang mga aswang takot sa bawang, ang aswang lobster, masarap daw isaw-saw sa buttered garlic sauce.
03:31Manamis-namis po na may konting alat.
03:40Dito naman, sa isla ng Araceli sa Palawan,
03:44ang grupo ng mangingisdang si June sumugod sa dalampasigan gamit ang kanilang tegpek o panusok.
03:50Meron daw kasi silang tutugising.
03:53Wak-wak?
04:06Ilang sandali pa na corner na nila ito.
04:13Ang wak-wak palang tinutukoy ni June, hindi yung nangdadagit na nila lang, kundi klase ng sandworm.
04:21Yung wak-wak sa amin, kinakain. Yung wak-wak na yung iba, siya nangangain ng tao.
04:27Sa buhangin, sa ilalim ng dagat, nagtatago ang mga wak-wak.
04:31Kaya para mahuli ang mga ito, sumisisid si June para hanapin ang mga butas kung saan ang mga ito naglungga.
04:38Parang may tululok sa siya, tapos may hukay siya.
04:41Tatlong tiraso, minsan dapat sa gitna.
04:44Nung siya sutusokin.
04:45Ang butas, tinusok ng tegbek.
04:53Hinukay at saka hinilap paangat ang wak-wak.
05:00Mahirap makuwanin yung wak-wak.
05:02Yung panghinga mo ba, tinitiis mo sa ilalim ng dagat para makuwa mo lang.
05:05Pagkuhan namin sa dagat, inihiwa namin.
05:07Pinapalabas yung buwangin.
05:08Kaya tinawag namin wak-wak.
05:10Ito na po yung nakuwa namin wak-wak.
05:12Mahirap hanapin.
05:13Ang mga nahuling wak-wak ni June, na ibibenta niya ng 350 pesos kada kilo.
05:19Pwede itong kaining hilaw.
05:21Ah, sarap.
05:23Pero si Jenny Lin, na nagtitinda ng mga ihaw-ihaw, ginagawa itong wak-wak cue.
05:34Bili na po kayo. Bili na.
05:37Sarap.
05:39Medyo kawig sa baboy.
05:43Lumilipad naman daw ang isip ng mga napapadpad sa karindirian ni Sheila.
05:49Dito sa Lucena City sa Quezon.
05:51Ang kanya kasing bestseller, abot langit daw ang sarap.
05:56Pag nagluto ako talaga yun, hindi inaabot na ang hapon.
05:59Gayong ang main ingredient nito, nakakatakot ang pangalan.
06:04Pakpak ng demonyo.
06:07Pero hindi raw ito galing sa kinatay na kung anong elemento.
06:11Ang pakpak ng demonyo kasi, tawag nila sa dahon ng balinghoy o kamoting kahoy.
06:17Yung kakaibang hugis po kasi yun eh. Parang pakpak.
06:20Naiilang talaga ako.
06:21At sabi ko nga, bahama may sabihin ako'y laging simba ng simba.
06:24Tapos yung salitain ko naman yun, tapos yung pan tinitinda ko.
06:28Ang paboritong luto ni Sheila sa mga nabibili niyang pakpak ng demonyo, ginataan.
06:34Pinilian muna niya ang mga dahon ng balinghoy.
06:37Pag maliliit, madaling lutoin at saka hindi siya ganung kapait pa.
06:41Hinugasan para matanggal ang mga dapula o yung mga insekto na kadalasang kumakapit sa mga dahon.
06:50Pagkatapos, pinakuluan sa loob ng sampung minuto.
06:54Pipigana po siya para mawala yung pakla po niya.
06:59Iginisa sa luya, bawang at sibuyas.
07:05Hinaluan ng gata.
07:07Ito gaya ng sardinas, pampalasa.
07:10At saka nilagyan ng sili.
07:1230 pesos kada serving.
07:19Sa kakademonyo, lalo po pag pinipisabot talaga ang sili.
07:22Mayamay ito sa carbohydrates.
07:24Fiber, mataas ito sa cyanogenic compounds.
07:27Ito ay toxic compounds na kapag hindi lutong-luto mabuti yung kasaba o balinghoy,
07:32maaari itong magkos ng pagkasakit ng ulo, pagkasakit ng tiyan.
07:35Nakakapanindig balahibo man ang tawag sa mga inihain naming pagkain.
07:42Kapag naman daw tinikman,
07:44tsak na sasarap,
07:47tiki-labutan ka!
07:48Alang ga ako, ikaw ako.
08:02Alang ga ako man, kawala.
08:03Huwag ka nang siman.
08:05Naharap ko ito eh.
08:07Para kayo lola din.
08:09Hindi ko na mo alam, hindi ko na yung itindihan kung anong nangyayari sa kanya.
08:13Mara ka siguro kayong gagawin namin ng lahat para sa kanya.
08:16Wala ka ba talaga nakita at na?
08:19Wala ka narinig?
08:21May gumagalan na berbalang dito sa atin.
08:32Ang mga nangangambang pusog isip,
08:34ginagamit niya ng demonyo para kumapit sa kaluluwa ng tao.
08:38Alam mo kung sino yung dapat mong ipagdasal na hindi mo makita?
08:46Si Pocho.
08:49Kumakain ng patay,
08:50may mata ng pusa,
08:52may pakpak ng panguti,
08:53lumalakas kapag kapilu ka ng buwan.
08:58Pag-iingat ka sa mga susunod ko sa sabihin.
09:05You know about Pocho?
09:07Please repent from talking about Pocho.
09:11Ito makapatrakin sa atensyon.
09:15Father X,
09:16yan po bang pinakamatinding sanig na naharap ninyo?
09:23Hindi ako titig,
09:24hanggang hindi ato nakapalingil.
09:27Hindi tayo ipapatay.
09:29Nakampi natin ang Diyos.
09:31Kumag-sumo mo kita sa akin!
09:33Ha?
09:34Masusunod ang kaluluwa mo!
09:36Sintyay na!
09:38Mapatawad ng Diyos!
09:39Alatang lumadamin sa katyo!
09:41Weh!
09:42Ito po si Jessica Soho.
09:43At ito ang Gabi ng Lagin.
09:57Pag-iingat!
09:58Pag-iingat!
09:59Pag-iingat!
10:00Pag-iingat!
10:01Pag-iingat!
10:02Pag-iingat!
10:03Pag-iingat!
10:04Pag-iingat!
10:05Pag-iingat!
10:06Pag-iingat!
10:07Pag-iingat!
10:08Pag-iingat!
10:09Thank you for watching mga kapuso!
10:11Kung nagustuhan nyo po ang videong ito,
10:14subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
10:18And don't forget to hit the bell button for our latest updates!
10:23back up!
10:24Pag-iingat!
10:251-4 4...
10:26Sintyay nasi.
10:27Pag-iingat!
10:28Pag-iingat!
10:293- arbeiten 운영 Corporation!
10:30The opposite comingdat!
10:32The oppositekuay machen pag-ingat on Fisca渡 consent ro says
10:33His name is forhID Aigen
10:34which I don't see when the positions of the DK frequentums
Comments

Recommended