- 2 days ago
- #kmjs
Aired (July 26, 2026): SIBUYAN ISLAND, HALOS DALAWANG DEKADA NANG IPINAGLALABAN NG MGA RESIDENTE LABAN SA PAGMIMINA. PERO SA MULING PAG-USAD NG OPERASYON NG ISANG MALAKING MINAHAN, ALIN ANG MANANAIG, ANG YAMANG NAKABAON SA LUPA O ANG BUHAY NA NAKAUGAT DITO?
Sa probinsya ng Romblon, umusbong at nanatiling protektado ang pambihira at napakayamang saribuhay o biodiversity.
Dahil sa pambihirang yamang-buhay nito binansagan itong “Galapagos of Asia!— ang mala-paraisong isla sa ating bansa, ang Sibuyan!
Pero ang pagkakahiwalay na matagal na nagligtas sa Sibuyan, tila hindi na sapat para mailayo ito sa banta. Dahil ngayon, muling binubuksan ang isla sa operasyon ng isang malaking mining company!
Ano nga kaya ang kapalarang naghihintay para sa Isla ng Sibuyan? Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Sa probinsya ng Romblon, umusbong at nanatiling protektado ang pambihira at napakayamang saribuhay o biodiversity.
Dahil sa pambihirang yamang-buhay nito binansagan itong “Galapagos of Asia!— ang mala-paraisong isla sa ating bansa, ang Sibuyan!
Pero ang pagkakahiwalay na matagal na nagligtas sa Sibuyan, tila hindi na sapat para mailayo ito sa banta. Dahil ngayon, muling binubuksan ang isla sa operasyon ng isang malaking mining company!
Ano nga kaya ang kapalarang naghihintay para sa Isla ng Sibuyan? Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Category
🎈
FunTranscript
00:03The Sebuyan is one of the most diverse islands in our country.
00:11It's the most diverse island in our country.
00:14But now, it's been brought to the Minahan.
00:19So, the residents and the people who have been fighting.
00:22Lumalaban!
00:27Sa probinsya ng Romblon, may isang islam parang ibinukod ng panahon.
00:34Malayo at hindi konektado sa mga karating pulo.
00:40Sa mahabang panahon na naihiwalay ito, umosbong at nanatiling protektado ang napakapambihira at napakayamang saribuhay o biodiversity ng isla.
00:58Naging tahanan ito ng mga hayop at halamang dito lang matatagpuan.
01:04Gaya ng Nepenthes sibuyanensis, isang uri ng pitcher plant na endemic sa tinaguriang Mountain King, ang G2 o Mount Giting
01:16-giting.
01:17Dahil sa pangbihirang yamang buhay nito, binansagan itong Galapagos of Asia.
01:23Ang Galapagos ay isa rin isla sa bansang Ecuador, na isa rin sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo.
01:33At dito nga inihahalin tulad ang malaparaisong isla sa ating bansa, ang Cebuyan.
01:53Ang Cebuyan ay isa sa pinakamayaman na isla sa ating bansa. Maraming minerals na nasa ilalim ng lupa nito.
02:01Pero ang pagkakahiwalay na matagal na nagligtas sa Cebuyan,
02:16tila hindi na sapat para mailayo ito sa banta.
02:20Ipamanang!
02:22Ipamanang!
02:23Ipamanang!
02:23Ipamanang!
02:24Dahil ngayon, muling binubuksan ang isla sa operasyon ng isang malaking mining company.
02:32Sa drone footage na ito, kita ang bahagi ng bundok na nauka at ginawang daanan ng mga sasakyan para sa
02:43binabalak nilang pagminina.
02:45Sa ilalim kasi ng luntiang kabundukan na kabaon ang nickel, mineral na ginagamit sa paggawa ng mga barya,
02:55stainless steel at rechargeable batteries para sa mga EV o electric vehicles.
03:01Ito ang nais hukayin ng APMC o ng Altai Philippines Mining Corporation.
03:09Yes, no money!
03:11Kailangan na mo ng trabaho!
03:13Para sa ilan, trabaho at kaunlaran ang nakabaon sa bundok.
03:18No money! No money!
03:21Pero para sa iba, kapag ito'y hinukay, maaring pati kinabukasan nila matagunan.
03:34Sa paanan ng bundok, matatagpuan ang malawakang taniman na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga siboyanon.
03:42Katulad ni Ana na tatlong dekada nang nagtatanim ng palay.
03:47Kasi yan lang din talaga inaasahan namin simulat sa pol.
03:50Talagang ito na ang kinabubuhay ng pamilya namin.
03:53Ito rin ang daan kung bakit nakatapos yung mga anak ko.
03:56Kapag natuloy po ang minan, sa totoo lang, wala.
03:59Kami mga magsasaka talagang kawawa.
04:02Ang pinangangambahan ni Ana, kapag matuloy ang pinaplanong minahan sa bundok,
04:07syakraw, madadamay ang kanilang mga pananim.
04:11Magkakaroon ng landslide.
04:12Ang maapiktuhan kami, wala na kami kabubuhay.
04:14Wala na kaming kakainin.
04:16Kami naman yung kakapit sa patalim.
04:18Mula sa bundok na ito rin kasi,
04:21dumadaloy ang tubig na bumubuhay sa mga palayan ng barangay Espanya.
04:26Ito ang tubig namin.
04:28Malinaw.
04:29Pag may rumina na ito, masisira ito.
04:31Dahil magalubog.
04:33Galing sa bundok ang tubig.
04:35Anong mangyari?
04:36Hindi kami naisusoko.
04:37Dalaban namin ang aming isla.
04:40Hindi na lang pangamba ang dala ng mga residente.
04:44May mga bakas na rin kasi ng pagnimina sa mismong isla.
04:50Patunay rito ang mga truck na hindi na nakaalis
04:53at isang tinatawag na causeway na itinayo
04:56para sana sa mga barkong magahatid sa mga ito
04:59palabas ng Sibuyan Island.
05:03Taong 2022, nang ipinatayuraw ang port o causeway sa Sibuyan,
05:08kasabay ng construction ito,
05:10ang pagdating ng mga naglalakihang truck
05:13na naghakot ng nickel ore mula sa bundok.
05:16Construction daw ng causeway,
05:18pero nung binerify naman natin,
05:20wala namang permit tayong nai-issue sa AMPC.
05:24Wala na siyang development or activity na ginagawa.
05:27Per verification, ibang ahensya ang nag-issue ng cease and desist order.
05:31Ang mga hinukay na nickel,
05:33gagamitin daw dapat ng APMC
05:35para sa kanilang bulk sampling
05:38o yung pagsusuri ng antas ng mineral
05:41na nakukuha mula sa lupa
05:44bago pa simulan ang aktual o large scale na pagmimina.
05:4950,000 metric tons as sampling
05:52wherein saan ka nakakita ng sample na ganun kalaking volume?
05:55Ipamana!
05:57Ipamana!
05:58Ipamana!
05:59Ipamana!
06:00Ipamana!
06:00Pero ang ginawang ito ng APMC,
06:04tinutulan ng mga residente.
06:06Ito yung nagsisilbing gate papunta sa causeway.
06:09Nandi dito rin sa loob pa nito
06:11yung mga natirang mga stock file na dapat
06:13ta-transport nila going to China.
06:20Ipamana!
06:22Ipam wanna!
06:24Ipamana!
06:39Ipamana!
06:40It was like,
06:42there were a lot of people in the car.
06:44And they started it.
06:47They started it.
06:47They started it.
06:48They started it.
06:48They started it.
06:52In this video,
06:58you can see a man
07:00without fear
07:02at the front of the car
07:04even if they were going to leave
07:06this car.
07:08Bago siya tuluyang
07:09inalis at pinigilan
07:11ng mga pulis,
07:15ang lalaking ito,
07:16si Nanding,
07:19na siya na ngayong mayor
07:20ng Bayan ng San Fernando.
07:23Ibabalik din po daw yan,
07:25kung walang makita.
07:26Alam mo naman natin po, niluloko lang kami.
07:29Kaya nag-alsa
07:31talaga
07:32ang mga taga San Fernando.
07:35Kaya kong magsakarpisyo.
07:37Wala po akong takot.
07:38Hindi na ako na masaktan.
07:40Basta nakakapit lang ako.
07:52Ito yung mga ginamit nilang panghangot
07:54ng nickel ore
07:55papunta doon sa port
07:57na ginawa sa crossway.
07:59Dahil naharang natin ang barikada doon
08:01na patigil ito at na-stack ito
08:03ng matagal doon sa crossway mismo.
08:06Makalipas ang apat na taon,
08:08na natili pa rin matibay
08:10ang mga ginawa nilang barikada.
08:12Nagsisilbi na ito ngayong monumento
08:15ng kanilang pag-aalsa
08:16ang dating pansamantalang harang
08:19naging permanenteng istruktura.
08:22Kanyang nakalagay dito yung aming mga panawagan
08:25na ayaw namin talaga sa pagmimina.
08:27Ang nagbabantay rito ngayon,
08:29mga magsasaka,
08:30mga residente,
08:31pati na mga lokal na opisyal.
08:34Sa Sitio Olanggo naman,
08:36may rebulto ng lalaking
08:38halos dalawang dekada na rito
08:40nakatindig
08:40at parang nakatanaw sa bundok.
08:43Siya, si Armin Marin.
08:55Noong 2007,
08:57konsihal siya ng San Fernando.
08:59Bayani ang tingin sa kanya rito.
09:01Lalo't isa rin siya
09:02sa mga tumutol sa pagputol
09:04ng halos 70,000 mga puno sa bundok.
09:10Pero sa isang komprontasyon.
09:17Si Armin,
09:18pinatahimik ng isang bala.
09:22Sumisimbolo si Kuya Armin bilang anti-mining.
09:25Ang kapatid ni Armin na si Marian
09:28ang siya ngayong kapitan ng barangay Espanya.
09:32Ipinagpapatuloy niya
09:33ang sinimulang laban ng kanyang kapatid.
09:36Napakaliit po ang isla ng Cebuyan
09:38para minahing kawawa po
09:40yung mga maliliit na mga tao
09:42na hindi namin alam kung sakaling
09:44nangyari na matuloy ang pagmimina
09:45kung saan sila pupunta.
09:47Sa kabila ng mga protesta,
09:50natuloy noong 2009
09:51ang Mineral Production Sharing Agreement
09:54o MPSA
09:56sa pagitan ng APMC
09:58at ng gobyerno.
10:00Pinahintulutan itong minahin
10:01ang 1,580 hectare
10:04sa San Fernando,
10:06lawak na katumbas
10:08ng Luneta Park
10:09ng mahigit 27 beses.
10:12Ang MPSA para sa APMC
10:16nilagdaan
10:17ni Nuoy DNR Secretary Lito Atienza.
10:23Taong 2011,
10:25ipinatigil ng MGB
10:27o ng Mines and Geosciences Bureau
10:29ng DNR
10:30ang mga aktibidad
10:32kaugnay ng pagmimina
10:34dahil di umano
10:35sa sunod-sunod
10:36ng mga paglabag.
10:37Pero noong 2021,
10:40kasunod ng pagalis
10:41ng moratorium
10:42sa mga bagong
10:43mineral agreement,
10:45binawi rin ng MGV
10:47ang suspension
10:48ng APMC.
10:49Kaya noong 2022,
10:52itinuloy
10:53ang pagmimina
10:54ng nickel ore
10:56para sa bulk sampling
10:58para masuri nga
10:59ang lupa
11:00at ang taglay
11:01nitong mineral.
11:04Taong 2023,
11:06pansamantala
11:07muli itong nahinto
11:09dahil sa malawakang protesta
11:12ng mga residente noon
11:13at mga di umano
11:15paglabag
11:16na nakita
11:16ng DNR.
11:22Hiningan din namin
11:23ngayon ang pahayag
11:24ang DNR
11:25pero wala pa silang tugon
11:27habang ginagawa
11:28ang ulat na ito.
11:31Ngayon,
11:32makalipas ang halos
11:34dalawang dekada,
11:36ang laban
11:38na akala
11:39ng mga residente
11:40at mga magsasaka noon
11:41na ipanalo na nila
11:43muling nauwi
11:44sa botohan.
11:47Inendorso kasi
11:48ng sangguni
11:49ang bayan
11:50ng San Fernando
11:51ang application
11:52ng APMC
11:53para ipagpatuloy
11:55ang exploration
11:56at iusad na
11:57sa development stage
11:59ang mining project nito
12:01sa 42 hectares
12:03sa Barangay, Espanya.
12:05Anim
12:05ang bumoto
12:06ng oo.
12:08Tatlo
12:08ang tumutol.
12:10Pero
12:11para sa mga katutubo
12:13isang oo
12:14ang pinakamasakit daw
12:16ang boto
12:17ng sarili nilang kinatawan
12:19na si
12:20Celedonio Tamayo
12:22kapwa
12:22si Buyanon Mangyan.
12:24Sinubukan namin
12:25kunin ang panig
12:26ni Celedonio Tamayo
12:28pero hindi namin
12:29siya na-contact.
12:30Kami nung lahat
12:31ay nabigla na lang
12:32na nakita na lang
12:33namin sa social media
12:34na siya po ay pumayag.
12:35Ang si Stradlumen
12:36at last noon
12:37ay ang Mount Gitinggiting.
12:38So paano na lang
12:39kung ito ay mabuwag?
12:40Talagang magkakaroon
12:41ng erosion
12:41at ng Biro na maapektuhan
12:43ay mga katutubo
12:44dahil ang aming kabuhayan
12:45ay nasa bundok.
12:46Ito ay labag
12:46sa aming katutubong batas
12:48at lalong higit
12:48sa national guidelines
12:50na ito ang tinatawag
12:51nating April 83-21.
12:53Siya ay katutubong leader.
12:54Dapat siya
12:55ang nagdidepensya.
12:58Kung may mga siboyanong
13:00tutol sa minahan,
13:01may ilan ding
13:02suportado ito.
13:05Katulad ni Ana
13:06na nabigyan ng trabaho
13:08sa APMC.
13:09Iwala po ako sa Altay.
13:11Kailangan po talaga
13:11namin yung trabaho.
13:13Dahil sa hanap buhay niyang ito,
13:15napag-aral daw ni Ana
13:16ang kanyang mga anak.
13:18Eskolar kasi ang mga ito
13:19ng APMC.
13:20Kaya malaking tulong po
13:23ang naibigay sa akin
13:24sa amin ng pamilya ko.
13:25Isa pa
13:26sa umaasang
13:27makatutulong
13:28ang proyektong minahan
13:29sa mga residente
13:30si Francisco.
13:32Dumutulong sila
13:32sa mga mahihirap
13:34uunlad yung barangay
13:35at saka yung sityo namin.
13:37Ang dinig ko talaga
13:38magpaa tayo
13:39sila ng hospital
13:40at saka yung
13:42walang mga bahay
13:43na mahihirap
13:44tutulungan nila.
13:45Nakapanayam ng aming team
13:47ang Community Relations Officer
13:49ng APMC
13:50o ng Altai Philippines
13:52Mining Corporation
13:53na si Luilin.
13:55Nung nangyari po
13:56nung 2023,
13:57pinayagan naman po yun
13:59na magkaroon
14:00ng or transport
14:01si APMC.
14:02So,
14:02may papel naman yun
14:03galing sa MGB.
14:04Part po yun, ma'am,
14:05ng exploration.
14:07Nagkaroon na po
14:07ng stoppage.
14:08Huminto muna kami.
14:09Ngayong taon,
14:10nagcontinue na po kami
14:11ulit sa pag-apply
14:12ng mga permits
14:13and other requirements
14:15na kailangan ni APMC
14:16para mapurso po ang
14:18aming exploration
14:19and operation.
14:21Ipinakita rin sa kanya
14:23ng aming team
14:24ang kuha nilang drone footage
14:26sa bahagi ng bundok
14:27kung saan nagmina noon
14:29ng nickel ore
14:30ang APMC.
14:31Alam naman natin
14:32yung mining
14:33is magkakaroon talaga
14:34ng temporary
14:35destruction.
14:36Then, after ng mining,
14:38doon na po tayo
14:38papasok sa rehabilitation.
14:40So, about dito
14:41sa mga species natin,
14:42aalis sila
14:43pero, babalik din
14:45naman po yan sila
14:45pag natapos
14:46na minay yung area.
14:48Imakikita po natin
14:49itong bundok
14:49na mababa.
14:50Ito po yung isang area
14:51na miminahin ni APMC
14:53pag natuloy na po
14:54ang operation.
14:55Kung nakikita nyo po
14:56yung clouds na yan,
14:57yan po yung
14:57mount giting-giting.
14:59So, yung area
14:59ni APMC,
15:00andito lang po sa baba.
15:02Giit pa nila,
15:03malaki raw
15:04ang naitutulong
15:05ng APMC
15:06sa komunidad.
15:07Kulang-kulang po talaga
15:08sa trabaho
15:09ang mga tao dito.
15:10Karamihan po,
15:11lumuluwas po
15:12papuntang Maynila
15:13para magkaroon po
15:13ng trabaho.
15:14Marami po ang trabaho
15:15na may i-offer ni APMC.
15:17Kailangan po natin
15:18ng office staff,
15:20sa nursery,
15:21at marami pa pong
15:22mga department.
15:23Isa din sa i-offer
15:24ni APMC
15:24ay scholarship.
15:26So,
15:26may possibility din po
15:27na yung mga sudyante
15:29na gusto mag-aral
15:30na mga engineering.
15:32Pwede rin po sila
15:33matulungan.
15:34Pero sino nga ba
15:35ang may interes
15:36sa pagkuha
15:37ng mineral
15:38sa isang maliit
15:39na barangay
15:40sa Sibuyan Island?
15:41Ang APMC
15:43ay dating pagmamayari
15:45ng kumpanya
15:46sa Canada
15:47na Altai Resources
15:49Inc.
15:50Noong naaprubahan
15:51ang MPSA nito
15:53taong 2009,
15:55ibinenta nito
15:56ang interes nito
15:58sa proyekto
15:59sa isang subsidiary
16:00ng kumpanya
16:01sa Australia
16:02na Pelican Resources
16:04Limited.
16:05Sa pagsisiyasat
16:07ng aming team,
16:08lumabas ang pangalan
16:09ni Valenzuela
16:10Congressman
16:11Kenneth Ting
16:12Gatchalian
16:13bilang substantial
16:14shareholder
16:15ng Pelican
16:16Resources
16:17Limited.
16:18Noong 2024,
16:20siya rin
16:20ang ikapitong
16:21pinakamalaking
16:22shareholder
16:23ng Wellex Mining
16:24Corporation.
16:25Batay naman
16:26sa dokumento
16:27ng SEC
16:28o ng Securities
16:29and Exchange
16:30Commission,
16:31si Congressman Kenneth
16:32Gatchalian,
16:33chairman ng Wellex
16:34Mining Corporation
16:35at director
16:36ng APMC.
16:39Tinanong namin
16:39ng legal counsel
16:41o abogado
16:41ng APMC
16:42kung ano
16:43ang kasalukuyang
16:44kaugnayan
16:45ng mga Gatchalian
16:46sa kumpanya.
16:47Ako po ay makakapagsalita
16:48lamang sa APMC.
16:50Based sa mga available
16:51records naman po,
16:52hindi sila shareholder
16:53ng APMC.
16:55Nagpadala ng mensahe
16:56si Congressman Gatchalian,
16:58kaugnay sa pagkakadawit
17:00ng kanyang pangalan
17:01sa naturang mining company.
17:03Since assuming a role
17:04in public office,
17:05I have fully divested
17:06from this matter.
17:07I am no longer
17:08connected to
17:09nor authorized
17:10to speak on behalf
17:11of the company
17:12or its operations.
17:14Samantala,
17:15nitong Merkoles,
17:16naabutan ng aming team
17:18ang ilang anti-mining group
17:21na nagsasagawa
17:22ng noise barrage
17:23sa mga kalsada
17:24ng San Fernando.
17:26Ayaw namin
17:27ang mina!
17:28Pagtutul daw ito
17:30ng mga residente
17:31sa pag-endorso
17:32ng Sangguniang Bayan
17:34ng San Fernando
17:35sa DMTF
17:37o Declaration
17:38of Mining
17:39Project
17:39feasibility
17:40application
17:41ng APMC.
17:42Sana huwag minahin
17:44yung bayan namin
17:44dito.
17:45Kasi maliit na ito
17:45ng Islam,
17:46minahin pa nila.
17:46Sila lang ang yayaman
17:48yung mga mahihirap,
17:49maghihirap talaga.
17:51Sinundan ito
17:52ng isang prayer rally.
17:53Kailangan ang simbahan
17:56o maksyon din.
17:58Kauha pa sa panalangin,
18:00baka yung Diyos lang
18:01ang makakuan sa atin eh.
18:02Malaki ang kalaban natin.
18:04Sa mga susunod na araw,
18:07nagkakaroon ng pagdinig
18:08ang Sangguniang Panlalawigan
18:10ng Romblon
18:11tungkol sa issue.
18:13Inaasahang mapagdedesisyonan
18:15kung i-endorso ng probinsya
18:17ang panukalang pagmimina
18:19ng APMC.
18:20Kapag natuloy ang aming committee hearing,
18:22doon namin malalaman
18:24na talagang hindi kami
18:25sa mina.
18:26Kasi kailangan ang konsensus
18:28mula sa baba hanggang sa taas.
18:29Alam ko ang patakaran
18:31ng mahiling.
18:32Hindi naman masama
18:33ang ginagawa ng mahiling
18:34sa ating bundok.
18:35Kung sakaling matuloy man
18:37itong mina na ito,
18:38kami naman yung kakapit sa patalim.
18:39Wala na kami kabubuhay.
18:41Wala na kaming kakainin.
18:43No to mining in Sibuya.
18:45Nagpasya na
18:45ang LGU
18:47ng San Fernando.
18:48Yes to mining!
18:49Isang matunog na oo
18:51na masakit
18:52sa mga nagpoprotesta.
18:54Ang susunod namang
18:56magpapasya,
18:58lalawigan na.
18:59Ano nga kaya
19:00ang kapalarang
19:01nagihintay
19:02para sa isla
19:03ng Sibuya?
19:04Bago hukayin
19:06ang yamang nakabaon
19:07sa ilalim,
19:09kailangan munang sagutin
19:10kapag natuloy
19:11ang pagmimina.
19:13Ano ang matitira
19:15sa ibabaw
19:16na maaari pa nilang
19:17matawag
19:18na paraiso?
19:24Thank you for watching
19:25mga kapuso!
19:27Kung nagustuhan nyo po
19:28ang video ito,
19:29subscribe na
19:30sa GMA Public Affairs
19:32YouTube channel
19:33and don't forget
19:34to hit the bell button
19:36for our latest updates.
Comments