Skip to playerSkip to main content
Aired (February 22, 2026): KLASIKONG PINOY KAKANIN NA PALITAW, TINATAWAG NA RAW NGAYONG COCONUT MOCHI? IBA’T IBANG BERSIYON NG PALITAW GAYA NG SINULBOT NG QUEZON AT MASIKOY NG PANGASINAN, ATING TIKMAN!

Ang palitaw, tinatawag ngayong… coconut mochi?!

Sa bayan naman ng Calasiao, iba ang hitsura ng paborito nilang palitaw dahil mas matamis at masabaw ito? Ang tawag nila rito… masikoy!

Sa Mt. Banahaw naman, araw-araw nilang niluluto sa kanilang kawa ang nagpapatamis ng mga ngiti ng mga taga-Quezon Province. Ang tawag nila rito, sinulbot!

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:01Ang classic na Pinoy kakanin na palitaw nagbagong bihis at may bago na rin daw tawag, coconut mochi.
00:14Naglitawan ang samutsaring reaksyon sa post na ito.
00:18Against upon this coconut mochi at the local village eatery and it was delightful.
00:23Saan ang classic nating kakanin na palitaw, tinawag ba naman ng ibang pangalan?
00:30Ang palitaw naging coconut mochi.
00:36Nasaan ako? Pre-colonial times pa lang palitaw na ang tawag dyan.
00:40Pero aminin, nang dahil sa post, nag-crave ka rin ng palitaw.
00:47Dito sa bayan ng Kalasyao, iba ang itsura ng paborito nilang palitaw.
00:53Mas matamis at masabaw?
00:57Pare-coy ang tawag nila rito at tawag din naming mga Ilocano, masikoy.
01:03Isa sa iilan na lang na gumagawa nito ang tindera ng kakanin na si Marley.
01:09Sa mga panahon kasi ngayon, bihira na ang gumagawa ng masikoy.
01:14Kasi ang mga kabataan ngayon, hindi sila mahilig sa malagkit.
01:17Kaya ang masikoy, hindi na masyadong ginagawa.
01:26Dapat medyo golden brown.
01:28Tapos igra-grind mo yun.
01:31Para lalabas yung aroma, lalabas yung tamang taste niya.
01:36Tapos isit-asign mo.
01:38Tapos gagawa ka ng palitaw.
01:40Yung glutinous flour, ihuhulma mo yun.
01:48Pag nahulma mo na, isit-asign mo ulit.
01:51Tapos maglagay ka sa kasirola o sa kawali ng water.
01:55Lagyan mo ng nyog.
01:56Tapos lagyan mo ng sugar.
01:58Ilagyan mo na din yung sisamiseed.
02:00Lagyan mo ng anis.
02:02Pampabango ng pagkain.
02:03Yung nahulma mo na palitaw, ihulog mo na.
02:09Ihalo mo ng ihalo.
02:12Pag yung palitaw mo, yung umapaw na, naluto na yun.
02:18Tinawag siyang palitaw dahil mula sa salitang litaw.
02:20Yung galapong na yun, binilog mo at ilagay mo sa mainit na kumukulong tubig.
02:25Manipestasyon na pag ito ay lumutang, na ito ay luto na.
02:27Ibig sabihin, lumilitaw na.
02:40Taong 2020 lang daw nang arali ni Marlee ang pagluluto ng masikoy na madalas daw noong craving ng yumaong niyang
02:48tatay Manuling.
02:49Ang father namin noon, mahilig sa kakanin.
02:52Masarap ang pakiramdam na yung taong mahal mo, ipinagluluto mo.
02:58Tapos inooffer din namin sa ibang customer din namin, nagugustuhan din nila.
03:02Pero para hindi maumay ang kanyang mga suki, inilevel up at ginawan din niya ang kanyang palitaw ng samutsaring flavors.
03:12Ube,
03:13manga,
03:14at pandan.
03:20Hindi pa natin bubuksan yung kalan kapag hindi pa na mix well yung egg at yung flavored milk.
03:52So, hindi ka po siya sa ngipid.
03:54Yung nasa ilalim niya, lasang-lasang, na ube.
03:57So, promise mo, sir.
03:58Colorful siya.
03:59Nakaka-attract talaga.
04:00May may nakakatikim na new generation.
04:03At nagustuhan nila,
04:04siyempre proud ka.
04:08Dito sa kainan ni Narod, sa Mount Banahaw, araw-araw silang may iniluluto sa kanyang kawa.
04:17Pero hindi raw itong gamot o gayuma, kundi pang merienda.
04:21Isa itong klase o versyon ng palitaw na nagpapatamis daw ng mga ngiti ng mga tiga-probinsya ng Quezon.
04:30Ang tawag nila rito, sinulbot.
04:33Dito sa Quezon, pag sinulbot, talagang ito ay terminong tumutukoy doon sa proseso ng pagkakalamay.
04:39Ibig sabihin nito ay pagpapalutan ng galapong doon sa gata na merong asukal.
04:45Una-munang inihanda ang galapong.
04:48Ang malagkit na bigas, ibinabad sa tubig ng apat hanggang doze oras.
04:55At saka dinala sa bayan para doon ipagiling.
05:08Malambot-lambot na po siya. Parang maganda na po amasan.
05:10Bilogin. 200 po ang isang bilog nito.
05:14Dito, yung ginagamit namin na panggatong ay kawayan.
05:16Dahil dito ay nag-bring siya ng another distinct flavor.
05:23Sa kawa, pinalo nila ang tubig, gata at asukal.
05:31May init siya mata, ang usok, namumula siya.
05:34Pagkakulo, hinulog ang binilog-bilog na galapong.
05:39Parang nagsasaguan na halo. Ito'y para lang huwag siyang dumikit.
05:43Habang inaantay namang lumitaw o lumutang ang galapong,
05:49nagsalang sa hiwalay na kawali ng muscovado o brown sugar.
05:54Mga isang oras po ito.
05:55Kusunogin. Hindi po pwedeng hindi hahaluin.
05:57At siya po yung nagtututong nakapit sa kawali.
06:00Nakikita na natin na medyo lumulutang na at namamaga-maga na yung ating galapong
06:06at ito na yung tinatawag nating sinulbot.
06:11Naibibenta nila ito.
06:12100 pesos kada piraso.
06:15Pwedeng pagsaluhan ng dalawa hanggang tatlong tao.
06:19Sob na!
06:20Chowipo.
06:20Ako, nalalasahan po yung gata niya.
06:23Sinasabi nila na mimiss nila ang kanilang mga lolo
06:26na dati-dati ay sila yung nagluluto ng sinulbot at kalamay.
06:30Ipinapakita ng sinulbot kung paano mo itatransform yung isang maliit na butil
06:35na bigas na yun para maging masarap na kakanin.
06:45Ang tiga pinagbuhatan pasig namang si Kay.
06:48Malaki ang pasasalamat sa palitaw.
06:51Ang hamak na kakanin kasing ito ang naging daan daw
06:55para malasap niya ang tamis ng tagumpay.
06:59Dating sales promoter si Kay.
07:02Pero ang kinikita niya raw noon,
07:03hindi sapat sa pang-maintenance ng kanyang kapatid na na-stroke.
07:08Mas nalubog pa raw sila sa hirap nang namatay ang kanyang ina.
07:12Yung mother ko is meron siyang sakit sa baga.
07:15Dumating kami sa point na yun ang hihingi ng mga tulong sa mga friends.
07:20Kaya sabi ko ma, hindi habang buhay na dito tayo sa ganitong hawak din natin yung paano tayo kikita.
07:27Ang 200 pesos niyang pera noon,
07:30ipinuhunan niya para makapagbenta ng palitaw.
07:35Nag-research ako.
07:36Inaral ko rin yun.
07:37Mula sa 200 pesos na puhunan,
07:41Pwede ko po.
07:42Kumita raw sila ng 30,000 pesos sa loob lang ng isang buwan.
07:49Pagumangan, panalote. Sarap.
07:52Tubong lugaw. Este, palitaw.
07:55Kung maramihan, siyempre merong malakas, 2,000 to 3,000 a day.
08:01Meron ding mahina, 1,000 pababa.
08:03Nakakatulong nga siya sa buhay namin, magkakapatid.
08:06Ang kanyang palitaw, aba, ginawaran pa ng parangal.
08:11Maganda kasi siya kasi napopromote mo yung Pilipino culture natin.
08:18Tawagin mang coconut mochi ng mga bata ngayon.
08:22Alam na this, unang kagat pa lang, palitaw yan!
08:41Thank you for watching, mga kapuso!
08:44Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
08:46subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
08:50And don't forget to hit the bell button for our latest updates.
08:54Thank you for watching, mga kapuso!
08:54Thank you for watching, mga kapuso!
08:55Thank you for watching, mga kapuso!
08:55Thank you for watching, mga kapuso!
08:55Thank you for watching, mga kapuso!
08:55Thank you for watching, mga kapuso!
Comments

Recommended