Skip to playerSkip to main content
  • 18 hours ago
Isa sa mga naging tampok sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang UPLIFT Assistance Expansion para sa mga low-income earners. Pabor nga ba rito ang mga kabataan? Pakinggan ang kanilang mga pananaw sa Campus POV. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Pakinggan ulit natin ang Boses ng Kabataan.
00:02Dito sa DOV!
00:07Jusa, ano bang issue ang pag-uusapan natin ngayong umaga?
00:10Mainit-init. Narinig ko kanila yung ano eh.
00:12Good morning sa inyo dyan sa studio.
00:14At syempre, marami tayong pag-uusapan ngayong umaga.
00:17Talaga na pang mainit-init ngayon dahil nga po sa nakaraang zona,
00:21diniscuss po ng ating pong Pangulo ang usapin po
00:24pagating po sa Unified Assistance Expansion ng Gobyerno.
00:27Kaya naman, alamin natin ang opinion ng ating mga estudyante
00:30dito sa St. Bridget School sa Quezon City.
00:34Para po sa kalaman ng ating mga kapuso,
00:36ang Unified Assistance Expansion po,
00:38o ang tinatawag po nating Uplift Assistance Expansion
00:41o Unified Package for Livelihood Industries Food and Transport po
00:45ay one-time cash release para po sa mga miyembro ng 4Ps
00:48at monthly ayuda naman para po sa mga poor o near poor
00:51at low income earners mula po July hanggang Desyembre.
00:54Ito po ang tinatawag ng gobyerno na Uplift Assistance Expansion.
01:01Nagsimula na po ito noong July 21
01:03at may layuning makatulong po sa 7.5 Philippine million Filipino households.
01:08Kaya naman, tignan po natin ang opinion ng ating mga kabataan dito
01:11kung agree nga po ba sila o hindi sila pabor
01:13sa Uplift Assistance Expansion Program ng gobyerno.
01:16We have here, hello, good morning!
01:18Ariana po.
01:19Miss Ariana, ikaw po ba ay pabor sa Uplift Assistance Expansion Program?
01:24Pabor po ako sa Uplift Assistance Expansion Program
01:28dahil marami sa mga mamamayan natin ngayon
01:30ang walang mga trabaho, lalo na yung mga nasa vulnerable sectors
01:33at hindi sila nabibigyan ng pagkakataon upang makapag-aral
01:37dahil sa limitadong oportunidad at sistematikong hadlang.
01:40Tungkulin ng pamahalaan na supportahan ang mga naghihirap
01:45o yung higit na nangangailangan upang matugunan ang kanilang mga pangunay
01:49yung pangangailangan at mas makaahon o magkaroon ng pagkakataon
01:52makaahon sa kahirapan.
01:54Tama din naman talaga ang punto ni Ariana.
01:57Palangpakan naman natin.
01:58Siya napakaganda talaga na makasagot ng ating mga estudyante dito.
02:01Ngayon naman nahanap tayo ng estudyante na sa opposition side naman
02:04o hindi naman pabor para sa ating Uplift Assistance Expansion.
02:08Sino? Ito ang napakaganda mini-mini.
02:11Hello, good morning sa iyo.
02:12Good morning po.
02:12Anong pangalan natin?
02:14Kelsey De La Fuente po.
02:15Kelsey, anong grade mo na?
02:16Grade 11 po.
02:17Grade 11 ka na.
02:18Ikaw ba pabor ka ba o hindi ka pabor sa programa ng DSWD na Uplift Assistance Expansion?
02:24Ako po, hindi po ako sangayon dahil sa aking palagay,
02:29mas kailangan bigyang pansin ng gobyerno yung pagbibigay ng oportunidad sa mga nangangailangan
02:37kesa sa pagbibigay ng yung 2,000 na yun.
02:40Dahil ang 2,000 na yun, maliit lang siya compared sa makikita ng mga tao kapag meron silang job opportunities
02:49at sa pagreforma ng sistema ng Pilipinas.
02:52Tsaka alam naman natin na why not give subsidies sa agriculture at sa fuel?
03:00Well, kasi alam din naman natin na once na tumaas yung presyo ng gasolina,
03:05parang domino effect na yan.
03:07Sunod-sunod na tataas ang mga gastusin natin, mga bilihin natin.
03:11Tama rin naman.
03:12May punto talaga ang mga kabataan natin dito sa St. Bridget School dito sa My Quezon City.
03:17Pero palawigin pa natin mamaya ang debate as discussion.
03:19Kaya tutok lang po kayo dito sa UH POV sa mag-umalik ng inyong pampansang morning show
03:24kung saan laging una ka, unang hirit!
03:34Sabataan mga kapuso, sa Sona po ng Pangulo nitong Lunes,
03:38isa sa mga naging highlight ay ang Uplift Assistance Expansion.
03:42Yan po ang programa ng gobyerno na magbibigay ayuda sa mga may hira.
03:45Umani nga po ito ng ibat-ibang reaksyon online.
03:49At ngayong umaga, papakinggan natin ang boses ng mga kabataan sa usapin yan dito sa POV!
03:56Jusa Campus POV na!
03:58Hi, Jusa!
04:00Yes, hello!
04:03Hello sa inyong lahat!
04:05Ready-ready na nga po ang mga isadyante ng St. Bridget School dito sa My Quezon City!
04:12At tama nga po nito, nagkaang lunes lamang tumutok ang buong bayan
04:16maging ang mga kabataan sa ikalimang State of the Nation Address o Sona
04:20ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
04:23kung saan mainit din po na pag-usapan
04:25ang patungkos sa Uplift Assistance Expansion Program O
04:29ang ating pong tinatawag na Uplift.
04:32At sinimula na nga po nitong July 21 ang pamamahagi
04:34ng 2,000 pisong ayuda para po sa mga benepisyaryo
04:38ng Uplift or Unified Package for Livelihood Industries Food and Transport Assistance Expansion
04:46para po sa 7.5 million Filipino families.
04:49Naglalayon po ito na matulungan ang mga naapektuhan ng krisis sa Middle East
04:53lalo na po ang mga vulnerable sectors sa ating bansa.
04:57Pero nilinaw din po ng ating DSWD Secretary Rex Gatchalian
05:01na ang mga miyembro kabilang po sa Group 1 o miyembro po ng Pantawid Pamilyang
05:05Pilipino Program o 4Ps
05:06ay makakatanggap lamang po ng one-time cash release.
05:10Samantala ang mga sa Group 2 at 3 naman po
05:12ang mga poor o near poor at low income earners
05:14ay makakatanggap po ng buwan ng ayuda
05:16simula ngayong Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.
05:20Kaya naman, para alamin po natin ang opinion ng ating mga estudyante
05:23dito sa St. Bridget School, sisimulan po natin
05:26ang debate patungkol sa pabor nga po ba sila
05:29sa pamimigay ng ayuda sa ating mga kababayan
05:31sa ilalim ng Uplift Assistance Expansion.
05:34Sisimulan po natin yan dito sa ating affirmative side
05:37o para po sa pabor sa pagbibigay ng 2,000 piso
05:40ng ayuda para sa ating mga kababayan.
05:42Nandito po si Stephanie Andrea Saban,
05:46isa pong grade 12 humanities and social sciences student.
05:49Isa rin po siyang maraming award na natanggap dito sa paralan
05:53at social political organization member.
05:56Para naman po sa ating opposition
05:57o hindi naman po pabor sa pagbibigay ng ayuda
06:00sa ilalim po ng Uplift Assistance Expansion Program ng gobyerno,
06:04narito po si Jessie Kaya Franchel Tia,
06:07grade 11 arts social sciences student.
06:11Isa rin po siyang consistent honor student
06:13at member ng social political organization.
06:17Pero bago po natin simulan ng ating debate ngayong umaga,
06:20mga kapuso, paalala naman po,
06:22the views and opinions expressed by our students
06:24are for the sake of the debate only
06:26and do not necessarily reflect the views and opinions of our students
06:30or the positions of any entities.
06:33Muli po, ang mga ibinabahaging opinion ng ating mga estudyante
06:36ay pawang pang debate lamang
06:38at hindi po kumakatawan sa mga opinion na personal ng ating estudyante,
06:42opinion ng paaralan.
06:43At para gabayan ang ating debate ngayong umaga,
06:46mga kapuso, may makakasama po tayong teacher,
06:48si Ms. Claire Andrea M. Tiana,
06:51isang pong Asian and British Parliamentary Debate Coach.
06:56At mukhang ready-ready na ang mga estudyante ng St. Bridgette School of Quezon City!
07:02Mga kapuso, simulan na natin ang debate.
07:05At para umpisahan ang ating talakayan ngayong umaga,
07:08narito po para sa affirmative side
07:10at para sa kanyang opening remarks.
07:12So you have 30 seconds, Stephanie,
07:14and your 30 seconds starts now.
07:16Magandang araw, mga kalahok.
07:18Sa aking pananaw,
07:18ay pumapabora ako sa Uplift Assistance Expansion Program
07:21dahil sa kada buwan o sa isang donasyon lamang
07:24ay nagbibigay ito ng ayuda at pangunahing ginhawa
07:27sa 7 milyong pamilyang Pilipino
07:28na naglalaman na ng 37.5 milyong Pilipino.
07:32Tinutulungan sila sa pagbabagong gastusin
07:34ng gumugulong ekonomiya
07:35at sa mga gera na nangyayari sa ibang bansa.
07:38Napapabuti ang daloy ng ekonomiya
07:40sa pagbibigay ayuda at marami ang nakikinabang
07:43mula sa programang ito.
07:44Maraming salamat po.
07:46Right before the timer,
07:48ano naman kaya ang paunang mensahe
07:50o panimulang mensahe ng ating opposition side?
07:53Jessie, anong masasabi mo?
07:54You have 30 seconds and your timer begins now.
07:57Magandang araw.
07:58Formal kaming tumututul sa Uplift Assistance Expansion Program.
08:01Ang 2,000 ayuda ay pansamantala lang.
08:04Mas dapat i-invest ang budget sa agrikultura
08:06at fuel subsidies para pumaba ang presyo ng bilihin.
08:09Bukod dito, unstable ang pondo nito.
08:12Ang paulit-ulit na pamimigay ng cash
08:14ay unsustainable
08:15at lalong magpapalala sa krisis.
08:17Muli, kailangan ng trabaho,
08:19murang bilihin
08:20at magandang alternatibo sa ekonomiya.
08:22Hindi ayuda.
08:25Before the timer,
08:27natapos din si Miss Jessie.
08:29Ngayon naman para sa ating second round,
08:31meron pa rin po silang take 30 seconds.
08:33Kaya naman para sumagot sa sinabi ng ating opposition.
08:36Stephanie, anong masasabi mo?
08:37You have 30 seconds and it begins now.
08:40Maraming salamat po sa mga punto na inilahad mo.
08:43Pero hindi po pansamantala
08:45ang pagtutugon sa immediate need
08:46ng mga ka-citizang Pilipino.
08:48Una sa lahat,
08:50ayuda lamang din na ang sinasabing
08:51ibibigay ng programang ito.
08:53Ang titulo ng programa,
08:55pinakatitulo ay
08:56Uplift Assistance Expansion Program.
08:59Hindi nila sinasabi na magbibigay po sila ng solusyon.
09:02At isa pa,
09:03ayuda ay ang unang hakbang sa pagbabago.
09:06Wala pong mangyayari
09:08kung hindi po natin ibibigay yung ayuda
09:09na kailangan ng mga asasabi.
09:12Time is up.
09:13Ano naman kaya ang masasabi ni Jessie
09:15sa tinural ng ating affirmative service?
09:18Sa opposition,
09:19Jessie,
09:20you have 30 seconds
09:21and your timer starts now.
09:24Hindi ko naman na sinasabi na
09:25hindi siya solusyon.
09:27Sinasabi ko,
09:28ang alternative solution
09:29na binibigay namin
09:30ay creating jobs
09:32such as
09:32infrastructure projects
09:34at
09:35murang bilihin
09:37at magandang alternatibo sa ekonomiya.
09:39Creating jobs will do the same thing
09:41as the Uplift Program
09:42but in a more sustainable way.
09:44Fuel and agriculture subsidies
09:45at pagbibigay ng job creation infrastructure
09:49directly lower everyday cost
09:50and build long-term purchasing power.
09:52Alternative yung binibigay namin na solusyon.
09:55And the time is up.
09:58Naku,
09:58may init na po talaga
09:59ang talakayan
10:00at ang debate ngayong
10:01umaga dito sa St. Bridget School
10:03kaya naman hindi pa natin
10:04tatapusin dyan ang usapin.
10:06Magkakaroon po tayo
10:07ng free flow
10:08o open conversation
10:09kung saan
10:10mayroong
10:111 minute and 30 seconds
10:12ang ating mga magdedebate
10:14para ipagtanggol
10:15at depensahan
10:16ng kanika nilang mga paning.
10:17The 1 minute and 30 seconds timer
10:20starts now.
10:21Wag po natin ilayo yung talakayan
10:24mula sa immediate topic
10:25and the immediate topic is
10:27ito po yung nagbibigay assistance
10:28sa mga citizen na Filipino.
10:30Creating jobs
10:31does not resolve
10:31the immediate need
10:32na kinakailangan nila
10:33ng pera ngayon.
10:34We can provide
10:35better assistance
10:36with such as
10:38lowering down prices
10:39by helping agriculture
10:40and fuel products.
10:42So we can
10:43and just to say
10:442,000 pesos
10:45is equivalent to
10:46only 1 to 2 days of food
10:47and it doesn't leave room
10:49for utility expenses
10:50such as electricity,
10:51water,
10:52cooking gas,
10:52medicine,
10:53and school expenses.
10:54Kasi hindi dapat dependent
10:55ang mga Filipino
10:56sa ayuda lamang.
10:57Hindi dapat ma-sustain
10:59ng 2,000 na yan
11:00yung lahat ng pangangailangan
11:02ng Filipino.
11:02This is immediate need.
11:04This is yung kailangan nila ngayon.
11:05Kailangan nilang pagkain ngayon.
11:07Kahit 2 days or 1 day pa yan.
11:08Yan yung kailangan nila ngayon.
11:10Pero sapat ba
11:11ang 2 to 1 days
11:12na ayuda?
11:14Dahil pwede naman gawin
11:15pwede natin ibigay yung pera
11:17sa mas magandang solusyon.
11:19Hindi naman solusyon
11:20ang ano eh.
11:21Ang sinasabi namin
11:22ay bababain
11:23ang mga prices
11:25in food,
11:27in stocks
11:28such as
11:29agriculture
11:30as said.
11:31And transportation.
11:33Another solution
11:34that we have
11:35is that
11:35we will
11:36pag-issue ng
11:37automated fuel discount card
11:39para sa mga
11:39drivers such as
11:40jeepney,
11:41bus,
11:41tricycles.
11:42Also,
11:42we will create jobs.
11:44Nasa ibang sektor po yung mga issue na yan.
11:46To build job opportunities.
11:48Yung building job opportunities
11:49nasa ibang sektor po yun.
11:50Yung sektor natin
11:51ay napopokus
11:52sa immediate need.
11:53And the debate
11:54has ended mga kapuso
11:55na tapos na po
11:56ang talakayan natin ngayon.
11:57Umaga palakpakan naman po natin
11:59si Stephanie
11:59at si Jesse.
12:02Talagang napakaganda
12:03na mga opinion
12:04na shinere nila
12:05sa atin
12:05ngayong umaga
12:07mga kapuso.
12:08At syempre narinig na rin po natin
12:09ang kanika nilang mga panig
12:11at ipatibang opinion
12:11ng mga estudyante natin
12:13patungkol po
12:13sa uplift
12:14assistance
12:15expansion program
12:16ng gobyerno.
12:17Marami sa kanila
12:18ay maagre dito
12:19dahil
12:20ito daw po
12:20ay makakatulong
12:21sa panandanday
12:21ang pangailangan
12:22ng ating mga kababayan.
12:24May iba naman po
12:25na hindi isang ayot
12:26dahil para sa kanila
12:27mas kailangan po
12:28ng ating lipunan
12:29ang pangmatagalang solusyon
12:30katulad ng mas maraming trabaho
12:32mas mataas na kita
12:33at mas mura
12:34o abot kayang bilihin.
12:36Pero lagi po nating tatandaan
12:37mga kapuso
12:38na hindi po
12:39ang mga may hirap
12:40ang ating kalaban
12:41kundi ang sistema
12:42ang nagpapanatili
12:43sa kahirapan.
12:44At ang tunay na hamon po
12:46ay ang pagkakaroon
12:46ng lipunan
12:47na may sapat na oportunidad
12:49para wala na pong Pilipino
12:51ang mapipilitang mabuhay
12:52sa pag-asang
12:53may pagkukunan sila
12:54ng susunod na ayuda.
12:56Ito po ang POV
12:57or UH Point of View.
12:59Kaya naman
12:59para po sa mainit
13:00na talakayan
13:01sa mga susunod pa po
13:02natin pag-uusapan
13:03syempre po tutok lamang po
13:05kayo dito sa ating programa.
13:06Pero bago ang lahat
13:07palakpakan naman po natin
13:08ang mga estudyante
13:09ng St. Bridget School.
13:11Maraming salamat Jesse,
13:12maraming salamat Stephanie
13:13at maraming salamat po
13:14sa ating guru,
13:15Ma'am Claire.
13:16Kaya naman mga kapuso
13:17para po pag-usapan
13:18ng mga may init na issue
13:19ng lipunan
13:19at mapakinggan
13:20ang boses
13:21ng kabataan
13:21at ng masa.
13:22Tutok lamang po kayo dito
13:24sa inyong
13:24Pambansang Morning Show
13:25kung saan
13:26laging una ka
13:28unang hirit!
13:31Wait!
13:32Wait, wait, wait!
13:34Wait lang!
13:35Huwag mo muna i-close.
13:37Mag-subscribe ka na muna
13:38sa GMA Public Affairs
13:39YouTube channel
13:41para lagi kang una
13:41sa mga latest kweto
13:42at balita.
13:44I-follow mo na rin
13:45ang official social media pages
13:46ng unang hirit.
13:48Thank you!
13:49Sige na!
Comments

Recommended