Skip to playerSkip to main content
  • 11 months ago
Baha na naman sa maraming lugar dahil sa bagyong Nando at malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat. Sa mga ganitong panahon sana napapakinabangan ang mga flood control projects. Ano nga ba ang solusyon sa baha at paano ito magiging epektibo? Aalamin natin ‘yan sa Issue ng Bayan kasama si Engr. Jomar Figueroa. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga Igan, bahana naman sa maraming lugar dahil sa Super Typhoon Nando
00:03at malalakas sa pagulan, dulot ng habagat.
00:07Ang hangupit niyan sa iba't ibang lugar.
00:09Cote on Kang!
00:12Malasa ulan at hangin ang naranasan sa Santa Ana, Cagayan.
00:15Nabuwal ang mga puno, natukla pangyero, naputol ang kawad ng kuryente.
00:20Taglipanan din ang ilang mga gamit.
00:22Sa bahay ng Kalayan, malakas sa ulan, hangin at alon din ang naranasan.
00:25Pati sa bahay ng Kamalanigan o Kamalanyugan.
00:32Dahil parisagupin ng Bagyong Nando,
00:36na-activate ang flood warning device sa Chico River,
00:38diyan po sa Bontoc Mountain Province.
00:40Mataas umabot sa red level ang taas ng tubig pasado alas 3 ng hapon.
00:47Dumagasa ang tubig kasabay ng pagulan.
00:50At sa Metro Manila, ramdam din ang epekto ng pagulan.
00:53Sa Castle City, umabot hanggang bewang ang baha.
00:57Sa Araneta Avenue, hindi nadaanan ang mga sakyan ng lugar dahil sa baha.
01:02At sa bahagi ng barangay Santo Domingo, may tumirik pang sakyan ng mapadaan sa baha.
01:09Sa mga pagkakatuong ito, baka katulong sana ang mga flood control projects ng gobyerno.
01:14Ano ba dapat sana ang tamang ginawa para ito'y naiwasan?
01:17Yan ang ating alamin, kasama si Jomar Piguroa, ang isang structural engineer.
01:22Good morning.
01:23Good morning, Igan.
01:24Jomar, paliwanag mo nga sa ating mga kapuso.
01:27Yung palagi nating naririnig, flood control projects, na kung nagawa sana,
01:32o kung may nagawa, diba, iba, ghost pa nga eh, e makakatulong sa pagbaha.
01:36Unahin natin yung dike. Ano po ba itong dike na tinatawag?
01:41So ang dike po ay kadalasang ginagawa natin sa tabi ng ilog.
01:44At ito ay gawa sa kongkreto upang maproteksyonan ang nasa lupain na nasa ibabaw o nasa tabi ng ilog.
01:55So kapag ito ay nasira, ay maaaring maapektuhan ang ating pangagrikultura o ang ating mga kabahayan.
02:03Kung substandard yan.
02:04Yes, kung substandard. Kaya kailangan talagang napakatibay ng ating dike.
02:08Pero ito ay iniiwasan yung pag-apaw niya. Ganun ba?
02:12Tama po. Dahil sa, ang lupa po ay may potensyal na gumuho dala ng lakas ng agos ng tubig.
02:20Okay.
02:21Kaya kinakailangang maproteksyonan ang paligid ng ilog, especially kapag meron tayong kalsada, meron tayong mga kabahayan.
02:29So may iwasan yung soil erosion, no?
02:31Yes, tama po.
02:31Matilatawag pag madalas siyang naiiniumpog ng agos.
02:35Yes, especially sa bansa natin na panaybagyo, sa kagayan na halos ito yung proyekto.
02:43Ah, okay.
02:44Ito naman, narinig din natin madalas yung riprap.
02:46Ayan, paliwanag natin ni Engineer Jomar. Ano yung riprap?
02:49So riprap po ay gawa sa bato.
02:52At may mga...
02:54Ang ganyang tura, okay.
02:55May mga reinforcement po tayo, every layer.
02:58At ang kinaiba nito sa dike ay napapabagal nito yung pag-agos ng tubig dahil sa friction na nakukuha ng tubig sa surface.
03:10Sa mga bato-bato ba yan?
03:11Sa mga bato-bato.
03:12Okay.
03:13So kapag ito ay nasira, ganun din katulad ng dike, ay maaaring magkaroon ng pagkaguho sa mataas na lugar.
03:21So kadalasan, ito ay gawa sa gabions, yung mga tawag dito.
03:32May mga nets para yung mga bato natin ay siguradong ma-retain.
03:38Okay.
03:39Dababanggit din madalas yung pumping stations.
03:42Yan, yung dapat ay magbubugan ng tubig sa palabas sa mga mas malalaking bahagi ng dagat.
03:47Saan naman po ito dapat nilalagay, Engineer?
03:49So dito, Igan, dapat ito ay nilalagay sa mga mabababang lugar kung saan naiimbak yung tubig.
03:59Naiipon muna?
04:00Naiipon muna dahil sa tubig ulan.
04:03At kailangan itong ipump out sa mga karating ilog o sa karating dagat.
04:07At kapag ito ay nasira, yung na-accumulate na tubig doon sa isang lugar ay maaaring umapaw at magkaroon ng pagkasira sa ating mga pasilidad.
04:21Baha na.
04:22Tama.
04:23Okay.
04:23Isa rin po sa sinasabing pwedeng gawin para ika nga eh, maiwasan natin o makontrol yung baha.
04:29Dredging.
04:30Dredging.
04:31So paliwanag natin, Engineer, sa ating mga manonood, ano po ba yung dredging?
04:36So, dredging po, katulad ng ginagawa natin sa mga ilog natin within Metro Manila sa Pasig,
04:44ay hinuhukay natin yung ilalim ng ilog.
04:48Okay.
04:48Upang mapalaki natin yung capacity ng ilog o ng channel para mas malaki yung maging capacity kapag umaagos yung tubig.
05:00Pag bumuso din ng ulan.
05:02Pag bumuso sa ulan.
05:02Pero ang problema, yung hinuhukay natin lupa, saan dapat nilalagay yan?
05:06Sinasabi, gilid lang, kaya bumabalik eh.
05:08Pwede rin po, pwede rin siyang ilagay sa gilid.
05:11Ngunit kailangan maisiguro ng geotechnical engineer na hindi siya babalik.
05:17Okay.
05:18May binisita pong project sa bawang La Union, si Secretary Vince Disson ng DPWH.
05:24May mga tubo na parang nakapatong lang daw.
05:28So, ano pong naging problema dun sa project site na yan?
05:34Ayan, kung makikita po natin sa video, talagang substandard nga yung pagkakagawa.
05:39Okay.
05:40Yung mga bakal ay nagsisilabasan pa.
05:42Ano ba to? Diki ba to?
05:43Ayan, tama po. Diki po yan.
05:45At nakita natin, hindi pa tapos yung proyekto at hindi maganda yung pagkaka-install ng mga pipes.
05:52Ito po ang tinatawag na whip holes kung saan kapag during ulan ay nasasaturate yung loob ng Diki.
06:01At kailangan yung tubig ay mailabas dun.
06:03Kaya nagkakabit tayo ng whip holes.
06:05Kaya, sa nakikita natin, ayan, katulad po nang nasa video.
06:09Ano yung hawak-hawak na yan?
06:10Ayan po ang whip holes na medyo substandard yung pagkakagawa.
06:13Bakit substandard?
06:14Nakabaon pa siya at least 2 meters para masiguro na makukolekta yung tubig sa loob.
06:21Baka sabihin ng kontraktor, hindi pa nga tapos eh.
06:24Ayan niya po.
06:25Pero sa nakikita natin ay mukhang yan na yan.
06:29Ayan o, ano yan?
06:29Ayan yung mga yun.
06:30Ba't hindi magkakadugtong ano?
06:32Opo.
06:33Nilalagay siya every certain meters.
06:35Okay.
06:35Okay.
06:36Ang layunin nito ay para matuyo yung loob at hindi laging saturated.
06:41Dahil may impact rin ito sa ating infrastruktura.
06:45Kapag nanatili yung tubig doon, maaari ding mag-collapse.
06:48Okay.
06:49Naku, kung maayos lang talaga yung ano, no?
06:51Pag sasagawa, baka bawas-bawas yung problema natin sa baha.
06:55Naku, maraming salamat, Engineer Jomar Pigaroa.
06:57Isang structural engineer.
06:59Magbabalik po ako ng hirayot.
07:01Wait!
07:02Wait, wait, wait, wait!
07:04Huwag mo munang i-close.
07:06Mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
07:09para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
07:13At syempre, i-follow mo na rin ang official social media pages
07:16ng unang hirit.
07:19Bye-bye.
07:21An-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an-an.
Comments

Recommended