00:00Sa mga vlogger at content creators, paalala po na be responsible at huwag mag for the content lang.
00:09Viral kasi ang video ng isang Mami Mili kung saan hinawakan niya ang mga pagkaing paninda ng isang convenience store.
00:18Makikita sa video ang paghawak niya sa mga shopaw at sinunod pa niya ang mga nakadisplay na hotdog.
00:25Ang Mami Mili, SK Chairperson pala mula sa Santa Cruz, Laguna.
00:30Dahil dito, binatikos online ang ginawa niya dahil sa maaaring peligro ang dala nito sa kalusugan ng mga customer.
00:39Kalauna, nagpahayag ng paumanhin ang naturang SK Chairperson at anya ay binili niya lahat ang mga pagkain noong mismong araw
00:49na naganap ang pagkuhan ng video sa kanya.
00:51Yan ang pag-uusapan natin ngayong umaga.
00:55Ask me, ask, Atty. Gabby.
01:00Atty, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong insidente, lalo na kung public official pa?
01:06Well, unang-una, in a post-COVID world, kahindik-hindik talaga ang ganyang pangyayari, di po ba?
01:14Napakalaganap na ng paggamit ng mga hand sanitizer, alcohol at mga mask para nga pigilan ang posibleng pag-spread ng
01:22germs.
01:23Tapos, meron talagang hahawak-hawakan ng pagkain na nakadisplay.
01:27Of course, bawal ito.
01:29At dapat lang na binili na nga niya ang lahat ng affected na paninda dahil hindi na ito fit to
01:35be sold to the public.
01:36Sa ilalim ng Republic Act No. 10611 o ang Food Safety Act of 2013, may obligasyon ang mga food business
01:45operator na tsaking ligtas ang kanilang produkto laban sa contamination.
01:51Obligasyon at responsibilidad ng mga establisamento na ito na protektahan ng pagkain habang ito ay nakadisplay o binibenta.
01:58Ganon din ang requirement since time immemorial at makikita ito sa ilalim ng Sanitation Code of the Philippines or Presidential
02:06Decree 856
02:08na specific na bawal ang possible contamination of food by hand ng kahit na sino, whether ito ay by store
02:15personnel o sa mga customer.
02:18Ngayon, dahil public official ang involved, papasok din ang Republic Act 6713 or ang Code of Conduct and Ethical Standards
02:26for Public Officials and Employees.
02:29Yung nakitang ginawa for the content ay hindi lamang gross o nakakadiri, ito din ay violation ng ating mga batas
02:37ukol sa food safety at public health
02:40at hindi ito ang asal na dapat natin makita sa ating mga public official.
02:45And at the very least, hindi ito magandang halimbawa na dapat ay ipinapakita sa publiko lalo na nga sa ating
02:52mga kabataan.
02:53Inaasahan sa mga public official ang mas mataas na standard ng pag-uugali.
02:58Dahil diyan, maaari ito maging basihan ng administrative complaint dahil nga maituturing ito hindi lamang bilang open violation ng ating
03:06mga sanitary laws,
03:07kundi improper conduct, conduct unbecoming of a public official, or conduct prejudicial to the best interest of the service.
03:16At hindi na tayo mahihirapan pa na maganap pa ng ebidensya, hindi na kailangan mangalap at mag-review ng CCTV
03:23o kumuha pa ng statement ng mga witness kung malaya na ngang naibigay at nasiwalat ang ebidensya mismo ng perpetrator.
03:33Kaya mga kapuso, tandaan na ang paggawa ng video content at ang pag-upload nito ay may kaakibat na responsibilidad
03:40lalo na kung public official ka.
03:43Mas mataas ang expectation ng publiko sa inyong asal, mapa-online man o offline.
03:50Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:53Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:58Ask me, ask Atty. Gabby.
04:01Wait! Wait, wait, wait!
04:04Wait lang! Huwag mo muna i-close.
04:07Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel para lagi kang una sa mga latest kweto at
04:12balita.
04:13I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:18Thank you! O sige na!
Comments