00:00Nako kaka! Sabi lang ng Pangulo sa Sona, pagtulungang iwasan ang karahasan sa mga eskwelahan.
00:08Pero eto na nga, kitang-kita sa video na pinagtulungang gulpihin ng magkapatid na studyante
00:14ang isang guro sa Elizalde National High School sa Mako, Davao de Oro.
00:20Nagalit umano ang isa sa mga studyante nang sitahin ang suot niyang hikaw na bawal sa mga lalaki sa paaralan.
00:29Kinokompranta noong una ng isang guro ang isang lalaking studyante nang biglang umamba ng suntok ang studyante hanggang tamaan na
00:39siya sa mukha.
00:40Sinuntok na rin siya sa likod ng isa pang studyante.
00:43Ilang segundo ang pinagtulungan ng dalawa ang guro bago sila nadamba at naawat ng mga kaeskwela.
00:50Viral na ang video na kuha sa covered court.
00:53Sugatan ng guro dahil sa pangugulpe.
00:56Ang insidente niyan ang ating pag-uusapan, ask me, ask attorney Gabby.
01:09Attorney, matapos yung mga karahasan sa mga studyante, ngayon pati guro naging biktima na rin.
01:17Ano po ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:19Lalo na't mga minorde edad ang nambugbog sa guro.
01:23Well, talaga nakakabahala ang mga ganitong pangyayari sa ating mga kabataan.
01:28So mga magulang, take note and listen.
01:31Ayon sa mga balita, grade 10 na daw ang mga batang involved.
01:35So kung mga grade 10, mga 15 to 16 years old ang mga ito, definitely mga minorde edad.
01:42And definitely sakop sila ng Juvenile Justice and Welfare Act.
01:47Alam din natin na sa ilalim ng batas na ito, 15 is the magic number.
01:52Kapag 15 and under, wala talagang criminal liability ang batang involved.
01:56Pero maaaring dadaan sa isang form ng intervention program, counseling or other measures para magabayan ang batang involved.
02:05Kung ang minorde edad ay mahigit 15 pero wala pang 18 years old, tinitingnan ng batas ang dalawang bagay.
02:12Una, kumilas ba ang bata with discernment? Ibig sabihin, alam ba niya kung tama o mali at nauunawaan ba niya
02:19ang epekto ng kanyang ginawa?
02:21At pangalawa, ano ba ang krimen at ang penalty na ukol dito?
02:26If the child acted with discernment at ang krimen ay hindi naman isang serious crime na 12 years pataas ang
02:32penalty ng kulong,
02:34malamang ay hindi pa rin ito ipapas sa ilalim sa criminal proceedings.
02:38Pero magkakaroon definitely ng diversion program pa rin.
02:42Intervention program, ika nga, para dun sa mga bata.
02:45Pero kung ang diversion ay isang failure, matigas ang ulo, incorruptible, ika nga,
02:52maaaring pa rin magkaroon ng paglilitis pero ikoconsider pa rin na isang minorde edad siya at ito ay mitigating circumstance
02:58at maaaring mailagay ang bata sa supervised rehabilitation center or facility para sa kabataan.
03:06Hindi naman siya ilalagay sa isang regular na detention center at baka maging isang tunay na kriminal ang bata eventually.
03:14Rehabilitation and reformation pa rin ang ating goal pagdating sa ating kabataan.
03:19And although they are exempt from criminal liability dahil nga mga minorde edad,
03:23nandyan pa rin ang mga civil liability for damages o danos na nasuffer ng biktima.
03:29Of course, maaaring pa rin managot niya ng eskwelahan o ang mga magulang.
03:33Hindi sakop ng juvenile justice law ang pananagutan para sa civil damages.
03:38Kailangan pa rin bayaran halimbawa mga hospital expenses kung nangailangan ng paggamot
03:43or possible lost income ng biktima kung hindi siya nakapasok ng dahil sa mga injury niya.
03:49Of course, maaaring din magkaroon ng administrative sanctions sa mga studyante
03:53alinsunod sa school rules at dep-ed policies.
03:57Maaaring patawan ng disciplinary measures sa mga sangkot tulad ng suspension or even expulsion
04:04depending on the circumstances.
04:07Nakakabahala po talaga ang mga pangyayari pero kung tutuusin,
04:10madalas ay ginagaya ng ating mga kabataan ang kanilang nakikita
04:14mula sa sarili nilang mga pamilya, sa kanilang kapengligiran
04:19at kanilang nakikita at napapanood.
04:22Hindi lamang sa telebisyon o mga sine, pero lalo na ngayon sa kanilang mga telepono
04:27dahil sa internet na hindi na rin nalalaman ng mga magulang
04:30dahil maaaring itong napapanood kahit saan at kahit nakailan.
04:35So parents, mas maging involved sa buhay ng inyong mga anak
04:39at sa ating mga guro, paaralan at ating mga mambabatas.
04:43Kailangan sigurong pag-aralan at umakto ng kinakailangan
04:47para maibsan ang problemang ito.
04:50We need to act and we need to act soon.
04:53Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
04:55para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:58huwag magdalawang isip,
05:00Ask Me, Ask Attorney Gabby.