00:00Ognay ng Sona ng Pangulo Mamaya, mahigpit po ang siguridad sa Batasang Pambansa.
00:06May update sa ating ngayon ang kasama nating si Marise Umali. Marise?
00:14At is so, magandang umaga sa iyo at sa lahat ng ating mga kapuso na dito pa rin nga po tayo ngayon sa Batasang Pambansa,
00:20particular sa North Wing Lobby.
00:22At dito makikita natin na kahit mamayang alas 4 pa ng hapon, gaganapin yung ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos
00:32ay abalan na po ang sitwasyon ngayon dito sa Batasang Pambansa dahil nagsisidatingan na po yung mga empleyado ng mga kongresista.
00:42And of course, gaya nga ng binanggit mo, napakahigpit ng siguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa
00:47ay aabot sa mahigit 10,000 yung mga ipinakalat ng mga polis para magbantay sa siguridad and of course sa mga kilos protesta.
00:55Tatlo kasi yung mga kilos protesta na binigyan ng permiso.
00:58Ngayon dito sa loob, makikita natin bukod sa mga house security at may makikita tayo ng mga K9 units.
01:04Kanina, nung mga nagdaratingan dito yung mga pang-catering, kahit na mga pagkain lang at kung ano-anong mga kagamitan,
01:11lahat po yan ay in-inspeksyon ng mga taga-Explosive Ordnance Division na mga otoridad natin, law enforcement units.
01:19At pagka akyat mo naman dito, dito actually drop-off lang, bawal pumarada po dito sa loob ng Batasang Pambansa.
01:26Pagdetail naman dito ay kailangan mong dumaan sa walk-through scanner.
01:29So kung ano man yung mga gamit mo, ay kailangan ipasok nyo dun sa x-ray.
01:34Ayan, may hawak po ako ng cellphone kaya kailangan idaan ko rin po yan.
01:37So bukod sa walk-through scanner, ay kakapkapan ka pa ng security.
01:43Of course kung babae, babae rin ang security guard, paglalaki naman.
01:47Ayan, papakita pa yung ID.
01:49Okay, so nasa na ba yung cellphone ko?
01:53Dumaan na po ba?
01:54Ayan, so naharang.
01:57Ayan, ito po yung cellphone ko.
01:58So bukod po dun sa walk-through scanner, may magkakapkap.
02:01Meron pa po kayong dadaanan na biometric scanner.
02:04Actually, nakasarado pa po siya ngayon dahil sa ngayon wala pa namang mga guests na dumarating.
02:10Pero ang dadaan dito, yung mga guests na walang in-issue na ID na katulad nito.
02:17So meron kayo, dapat kung halimbawa, kayo ay guest.
02:19Kailangan nyo po magdala ng sarili ninyong ID, dito nyo itatap.
02:23Para ma-rehistro na kayo po ay pumasok bilang isang bisita dito po sa Batasang Pambansa.
02:30Pero yung mga katulad po namin na mga media na nabigyan po ng mga ganitong klase ng mga ID
02:35specifically for the Sona coverage, ay pwede po kaming dumaan dito.
02:40At dito na po, the derecho either dito sa entrance na to or dun sa entrance na yun para sa mga media.
02:46Makikita po natin, kahit pakita lang natin.
02:50Talagang nakahilera na po rito lahat ng mga media na magko-cover.
02:56At kung mapapansin nyo, ulitin lang natin, kung sa mga nakaraan may red carpet,
03:01ngayon po, wala nang red carpet dito, tsaka sa South Wing,
03:04para i-tone down, para makiisa doon sa mga biktima ng bagyo.
03:08Pero dun po sa main lobby, mananatili yung red carpet na doon po dadaan ang Pangulo ng Pilipinas.
03:13So abangan pa rin natin ang karagdagan detalye mula pa rin dito sa Batasang Pambansa.
03:17Balik muna sa studio.
03:26Salamat ka puso!
Comments