Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Dalawang lalaking umawat lamang sana sa isang rambol sa Zamboanga del Sur ang nasaksak. Isa ang nasawi habang kritikal ang isa pa. Ano ang pananagutan sa ganitong insidente? Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, pasintabi po.
00:03Sensitibo ang video na inyong mapapanood.
00:06Sa Sambuanga del Sur,
00:07dalawang lalaking nagmamagandang loob lang sana sa gitna ng gulo,
00:11ang nasaksak pa.
00:13Sa gitna ng Rambol, isang lalaki ang bigla na lang natumba.
00:18Habang isa pa sa likod niya,
00:20napaupo naman sa kalsada.
00:22Ang dalawa, nasaksak na pala sa nangyaring Rambol.
00:26Agad silang sinugod sa ospital,
00:28pero idiniklarang dead on arrival ang lalaking dalawang beses na tumba.
00:34Critical naman ang isa pang lalaki.
00:36Patuloy pang pinaghahanap ang mga suspect.
00:40Pag-usapan natin ang insidente niyan,
00:42Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:54Attorney, umawat na nga lang,
00:56nasaksak pa at binawian ng buhay.
00:59Ano ba ang habol ng mga biktimang tumulong lang sa gulo,
01:02pero napahamak gaya nito?
01:05Well, sa umpisa, kung wala pang nagkakasakitan,
01:09ang krimen sa sitwasyon na medyo nagkakagulo ang maraming tao,
01:12specifically, three or more ay isang matatawag natin na tumult,
01:17isang magulong disturbance of the public order.
01:20At ito ay mahahanap sa Article 153 of the Revised Penal Code.
01:24Ito ay isang krimen ng mga taong nanggugulo sa isang public performance,
01:29function or gathering,
01:30disturbing the peace, kumbaga, ng maraming tao.
01:34Paano naman kung nagkaroon ng sakitan at saksakan?
01:37Well, mabuti kung may CCTV o nakahagip na kamera,
01:41madaling matonton kung sino-sino ang gumawa ng krimen.
01:44Of course, pananagutan ang pagkamatay ng biktima
01:47at magkakaroon ng dagdag na kasong murder o homicide
01:51depende sa mga pangyayari.
01:53Pero kung hindi malaman kung sino talaga ang responsable
01:57para sa mga injury at pagkamatay,
02:01merong actually krimen sa Article 252 ng Revised Penal Code
02:05na tinatawag na death or physical injuries in a tumultuous affray.
02:10Ito yung krimen sa isang rambulan at merong nasaktan o namatay.
02:14At hindi malalaman kung sino ba talaga ang nanakit sa biktima.
02:19Ang mangyayari, lahat ng involved na mukhang nakasakit,
02:23lahat nung parang nag-lay hands on the victim
02:26ay makakasuhan pero syempre mas mababa ang penalty.
02:30Mas mataas ang penalty for murder or homicide
02:33kung maa-identify ang killer mismo.
02:38So isang payo lamang po,
02:39kung may rambulan o kaguluhan in public,
02:43dumistansya na lang tayo at tumawag ng police for assistance.
02:46Kahit na may binubugbog pa sa harap ninyo,
02:49alam natin na dapat pigilan to,
02:51pero mas mabuti na rin siguro na tumawag ng police o na barangay tanod.
02:55Huwag nang sumali sa mga kumukuyog,
02:58lalo na't hindi nyo alam ang tunay na pangyayari.
03:01Dahil sa mga ganitong sitwasyon,
03:03lahat kayo na nagbuhat ng kamay sa nasaktan o namatay
03:07ay magkakaroon ng liyabilidad sa pangyayari.
03:10Or even worse,
03:11baka kayo ang masaktan o mamatay
03:14sa mga tinatawag na tumult or disturbance tulad na ito.
03:19Ang mga usaping batas,
03:20bibigyan nating linaw.
03:22Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
03:24huwag magdalawang isip.
03:25Ask Me, Ask Atty. Gabi.

Recommended