00:00Mga kapuso, pasintabi po, sensitibo ang video na inyong mapapanood.
00:06Caught on cam ang isang aksidente sa Quezon City.
00:11Papaliko ang truck na yan sa pedestrian lane nang biglang...
00:16Naku!
00:18May sumulpot na babae at tumawid sa gilid ng truck.
00:22Nabanggan ang truck at nasa gasaan ang babae.
00:25Nang bumaba ang driver para i-check, nagulat siya nang makita niya ang sinapit ng babae.
00:31Dead on the spot ang biktima.
00:34Ayon sa truck driver, pinatigil siya ng traffic enforcer sa bandang pedestrian lane.
00:40Nagbigay raw ng ghost signal ang enforcer.
00:43Nahandaan siyang tumuloy pero hindi niya napansin ang biktima na nasa blind spot ng truck.
00:50Inakala din niyang nalubak lang ang truck kaya itinuloy niya ang pagmamaneho.
00:55Pag-usapan natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:06Attorney, hindi raw napansin ang driver ang biktima dahil nasa blind spot ito ng truck.
01:12Sa ganitong pagkakataon, ano ba ang kakaharapin ng driver sa ilalim ng batas?
01:17Well, of course, alam naman natin ang mga kasong katulad nito ay maaaring maging kasong reckless imprudence resulting in homicide
01:25ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code.
01:29Ang reckless imprudence ay nangyayari kapag ang isang tao ay kumilos ng walang sapat na pag-iingat o may matinding
01:37kapabayaan at bilang resulta na ito ay may nasaktan o namatay.
01:41Kahit walang intensyong magdulot ng pinsala, maaari pa rin siyang managot at maparusahan sa ilalim ng batas.
01:48Take note po na ang pinarurusahan ay napakatinding pagpapabaya.
01:54Hindi lamang simple negligence o pagpapabaya, pero yung pagpapabaya na napakatindi at nuknukan na masasabi natin na dahil sa sobrang
02:04tindi nito, ay ito ay nagiging criminal na in nature.
02:08So, kailan masasabi na ito ay criminal negligence?
02:11Well, ang example nito ay yung humaharurot sa pagmamaneho sa isang mataong lugar kahit na may pedestrian lane na may
02:19tumatawid.
02:20Obviously, ito ay criminal negligence dahil kitang kita ang peligro, pero talagang hindi pinapansin ito.
02:26At sa bawat pagkataon ang degree ng evidence na kailangan, ay proof beyond reasonable doubt pa rin ang kailangan.
02:34Dahil nga kriminal ang kaso, walang kaduda-duda at walang pag-aalinlangan na masasabi natin na ito ay isang kaso
02:42na matinding pagpapabaya.
02:44Pero sa mga kaso na nahihirapan tayo maghusga, baka hindi naman ito pagpapabaya na criminal in nature na magre-resulta
02:53sa posibleng kulong.
02:54Kung tutuusin, tulad sa nangyari dito, mabagal ang takbo ng driver.
02:59Tumigil naman daw siya at sumunod lamang sa instruction ng traffic enforcer na pwede na daw mag-go.
03:08At yung instruction ng isang traffic enforcer, parang traffic light signal din naman po yan.
03:13Pag green, eh talagang maaari ng dumiretsyo ang mga saksak yan.
03:17In fact, ayon sa Article 42 ng Republic Act 4136, or ang Land Transportation and Traffic Code,
03:25malinaw na at nakalagay na sa isang business or residential district at may pedestrian crossing,
03:31ang pedestrian ang may right of way unless or except at the intersection where the movement of traffic is being
03:40regulated by a peace officer or a traffic signal.
03:43Sa pagkakatong ito, mukhang ang may right of way ay ang driver kung totoo nga na sinabi ng traffic enforcer
03:51na go na siya.
03:52Hindi ko po agad sinasabing walang kasalanan ng driver.
03:55Kailangan lang talagang suriin ang mga pangyayari dahil hindi po lahat ng kaso ay nararapat na mauwi sa kulong.
04:03Kailangan din natin balansin at tingnan kung meron din pagkukulang ang naging biktima sa biglang pagtawid kahit na sinabihan na
04:11limbawa ng traffic enforcer na tumigil na siya.
04:15Hindi lahat ng pagkukulang at pagpapabaya ay criminal in nature.
04:20While ang mga driver ay dapat na defensive ang driving at dapat gamitin ang last possible chance para makaiwas sa
04:28sakuna,
04:28eh wala tayong kalaban-laban kasi kung minsan sa mga pedestrian naman na biglang tumatakbo.
04:34Halimbawa, sa expressway na hindi naman sila dapat na tumatawed.
04:38O yung sa mga kamote driver na walang pakialam at reckless din.
04:43But in any case, kailangan ay palagi tayong mag-ingat whether kayo ang driver or kayo ang pedestrian para maiwas
04:51sa sakuna.
04:52Ang mausaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:55Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag po kayong magdalawang isip.
05:00Ask me. Ask Atty. Gabby.
Comments