Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
BABAE, NABUNDOL NG AMBULANSYA! ANO ANG SINASABI NG BATAS TUNGKOL DITO?

Laman ng balita kamakailan ang insidente ng isang babaeng nabundol ng ambulansiya sa Batasan San Mateo Road. Dalawang ambulansiya ang umano’y nag counterflow dahil sa matinding trapiko nang mangyari ang insidente. Ano ang sinasabi ng batas sa ganitong sitwasyon? Alamin sa video na ito kasama si Atty. Gaby Concepcion.


Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, laman po ng mga balita nitong nakaraan ang mga emergency response vehicle.
00:07Nitong lunis nga, isang ambulansya ang nakabundol.
00:11Sa batasan San Mateo Road, umalingaw-ngaw ang sirena ng ambulansya ito ng naku.
00:18Nabundol nitong isang babaeng tumatawid at ito daw ay isa yan sa dalawang ambulansyang nag-counterflow dahil sa bigat ng trapiko.
00:27Ang babae gumulong pumailalim pa sa motrosiklo at nakaskas pa ang mukha sa kalsada.
00:35Agad naman daw huminto ang mga ambulansya at dinala ang nabundol na babae sa ospital.
00:41Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabby.
00:50Atty, ano ba ang sinasabi ng bata sa mga emergency response vehicle na nakabangga o nakabundol?
00:57Well, ang mga driver po ng mga emergency vehicle, whether ito ay ambulansya, bumbero o police car,
01:03hindi sila excused sa requirement na dapat ay mag-exercise ng due diligence at care sa paggawa ng kanilang mga tungkulin.
01:11Otherwise, totoo nga, ang ironic or in a certain sense, katawa-tawa naman,
01:16yung dapat ay tutulong na makapagligtas ng buhay ang siyang magiging sanhi ng pagkawala nito.
01:25So, depende sa mga pangyayari at kung mapapatunayang merong matinding kababayaan,
01:29maaaring magkaroon ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries or in homicide.
01:35Ang reckless imprudence ay pinarurusahan sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code
01:42na ginagawang krimen ang inexcusable at sobrang kapabayaan.
01:47So, wala nga bang excuse?
01:49Sarabad ba talagang pabaya?
01:51May kasalanan ba ang driver?
01:53Pero syempre, tatanungin din natin, may kasalanan ba ang nasaktan?
01:59Lahat ng to titignan para malaman kung dapat ba o hindi ba nagot ang driver.
02:04But of course, our main point is this.
02:07Hindi automatic na walang liabilidad purkit ito ay isang emergency vehicle.
02:12Of course, alam natin na may special privilege ang mga sasakyang ito
02:16sa ilalim ng Republic Act 4136 or ang Land Transportation Law
02:21at ito ay ang exemption sa speeding in case of emergency
02:25and of course, meron silang right of way itong mga police and other emergency vehicles.
02:29Sa mga motorista, kapag kayo ay nakakita na na may paparating na emergency vehicle,
02:36dapat kayo ay tumigil, tumabi, at mag-intay hanggang makadaan na ang mga vehicle na ito.
02:42Importante na talagang sumunod sa mga rule na ito at mag-giveaway sa mga emergency vehicle,
02:47lalo na nga sa mga ambulansya at firetrap,
02:49kasi hindi po natin alam, the life you save may be yours.
02:54Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
02:58Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
03:02Ask Me, Ask Attorney Gabby.
Comments

Recommended