Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
Nagluluksa ang isang pamilya sa pagkawala ng kanilang anak dahil sa chronic kidney disease, pero nadagdagan ang kanilang sakit matapos umanong gawing social media content ng isang embalsamador ang pag-eembalsamo sa dalaga nang walang pahintulot. May paglabag ba sa batas sa ganitong insidente? Alamin ang sagot sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Naku, may nabalita na namang for the content lang.
00:05Ang pagluluksa kasi ng isang pamilya na haluan ng galit matapos gamitin content
00:10ang pag-e-embalsa mo sa kanilang anak.
00:14Makikita sa video ang buong mukha at katawan ng dalaga
00:17at in-upload pa ng walang pahintulot ng pamilyang ito.
00:21Yan ang pag-uusapan natin.
00:24Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:30Attorney, anong sinasabi ng batas tungkol dito?
00:33Naku, medyo nakakapanggigil talaga ang ginawa ng embalsamador na ito
00:37dahil alam natin na malaki ang pagkahalaga natin sa pagtataguyod ng dignidad
00:42at pangangalaga ng dangal ng mga namatay natin sa buhay.
00:46Kaya't sa ilalim ng Article 309 ng Civil Code of the Philippines,
00:50ang tinatawag na disrespect for the dead ay nagiging basihan ng kaso para sa damages.
00:56Usually ito ay moral damages para sa mental anguish,
01:00serious anxiety, and social humiliation na naranasan ng mga naiwang pamilya.
01:06Ganon din sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code
01:09na pinapahalaga ng right to privacy at ang karapatan
01:12na magkaroon ng peace of mind ng pamilya.
01:15Ito nga ay magiging basihan din para sa isang kaso para sa danos o damages.
01:22Pero ito nga ay mga kaso para sa damages lamang.
01:25Ito ay mga civil cases.
01:27Paano na lamang ang ginawa ng embalsamador na yan?
01:30Hindi ba dapat ito ay isang krimen?
01:32Actually, hindi po ako aware ng kahit na anong batas na maaaring umiral sa ganitong sitwasyon.
01:38Wala po tayong krimen na maaaring tawagin na desecration of the dead.
01:43Magkakaroon din tayo ng problema dahil sa ilalim ng batas.
01:46Sabi ng Korte Suprema, a corpse is not a person.
01:50Hindi na siya isang tao na maaaring subject ng mga batas natin tulad ng mga anti-voyeurism laws natin.
01:57Pero ang pamamahagi din ng mga impormasyon o sensitive personal information na isang tao
02:02kasama na ang mga larawan o video na isang tao
02:05ay maaaring sabihin nating labag sa Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act of 2012.
02:12For sure, maaaring patanggal ng National Privacy Commission
02:16ang mga naka-upload na video na nakapost sa internet.
02:20Baka pwede din ito yung kaso for cyber libel.
02:22Dahil kasama sa definition ng libel,
02:25ang paninira sa repetisyon ng isang taong namatay na
02:28blackening the memory of one who is dead.
02:31Mas mabuti na siguro kung magkaroon tayo ng specific na bagong batas
02:35o magkaroon ng pag-amenda sa existing batas natin
02:38para isama ang krimen ng pagwalang respeto sa ating mga namatay
02:42na pamahal sa buhay sa ibat-ibang paraan.
02:46Pero para sa mga embalsamador at mga funeral parlor,
02:50dapat hindi nyo rin malimutan ang duty of care and respect ninyo sa mga namatay.
02:56Malaki pa rin ang responsibility din nyo na hindi bastusin ang kanilang mga labi,
03:00lalo na kung ito ay for the content lamang.
03:04Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:10Huwag magdalawang isip.
03:12Ask me.
03:13Ask Attorney Gabby.
03:15Wait!
03:16Wait, wait, wait!
03:17Wait lang!
03:19Huwag mo muna i-close.
03:20Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
03:24para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
03:27I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang hirit.
03:32Thank you!
03:32Sige na!
Comments

Recommended