00:00Mga kapuso, ngayong painit ng painitang panahon, keep your cool po ah!
00:05Sa isang subdivision po kasi sa Laspina City, isang tension ang naganap na naging dahilan
00:11ng pagkastroke umano na isang gwardya na kalaunan ay binawian ng buhay.
00:18Nagsimula sa tulakan at sigawan ng nasabing tension at ilan sa mga kapulisan,
00:24makikita ang may dalang mga riot shield na sinusubukan po magitna.
00:28Sa gitna ng gulo, may biglang tumambang gwardya sa panig ng Homeowners Association
00:34at nastroke umano dahil sa init ng sitwasyon.
00:39Agad naman siyang binuhat at inilayo sa nagbabanga ang grupo, pero kalaunay namatay din.
00:46Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa insidente ng ganito?
00:50Ask me, ask Atty. Gabby.
00:54Atty. nasawi ang gwardya habang siya ay nasa trabaho.
00:58Ano po ang sinasabi ng batas sa ganitong sitwasyon?
01:02Of course, malaking issue ang pagkamatay ng isang empleyado habang nagtatrabaho,
01:06lalo na kung ito ay dahil nga sa stroke o yung pagputok ng ugat sa utak.
01:11Ito ba ay dulot ng stress at init ng gulo ng away?
01:15O nagkataon lamang bad timing na nangyari habang siya ay nagtatrabaho pero wala namang relasyon dito?
01:21Meron bang liyabilidad ang kanyang employer o kahit na sinong tao?
01:25Paano na lamang ang mga naiwang mahal sa buhay?
01:29Sa ganitong mga sitwasyon, meron tayong tinatawag na Employees Compensation State Insurance Fund
01:35na magbabayad ng compensation kung isang empleyado ay masaktan o mamatay habang nagtatrabaho
01:42o dahil sa kanyang trabaho sa mga katagang arising out of or in the course of his duties.
01:49Hindi natin maipagkakailan na mukha namang may koneksyon sa trabaho niya
01:53ang nagresultang stroke dahil parang naging trigger ang emotional stress
01:58at physical exertion ng gulo na nangyari.
02:01Usually, ang galing sa EXIF, ito ay in the form of death benefits, funeral benefits
02:08at may pensyon para sa mga beneficiary.
02:11Iba pa ito at in addition sa beneficyo na matatanggap sa ilan mo ng SSS
02:16for private sector employees.
02:19Ang employer lamang ang nagbabayad ng monthly contribution
02:22para dito sa tinatawag na EXIF
02:25at halos automatic ito, basta work-related, wala ng ibang tanong-tanong pa.
02:30Pero kapag nag-claim kayo sa EXIF, hindi na kayo pwedeng magdemanda pa ng dagdag sa korte.
02:36E papaano kung may pagpapabaya ang employer?
02:38Maari bang maghapon ang empleyado o ang naiwang pamilya nito?
02:42Well, actually, pwede naman.
02:44Pero sa ilalim ng batas, hindi pwedeng doble-doble ang pagkuhan ng bayad.
02:49Bawal po ang double compensation.
02:51So, pipili kayo kung magkiklaim kayo sa EXIF or maghahain ng kaso sa korte.
02:58Makikipagsapala rin kayo, although tiyak, mas malaki usually ang makukuha sa korte
03:04kung successful ang kaso kesa doon sa makukuha ng amount sa EXIF.
03:09Pero dahil mas malaki ang makukuha ng kaso sa korte,
03:12dahil alam nyo naman, pag may pagpapabaya,
03:15makiklaim nyo ang danos, actual damages, moral damages,
03:19at posibleng lost income, pati ang future lost income.
03:23Pero, tulad ng ibang mga kaso sa korte, wala itong katiyakan,
03:28unlike nga sa magpag-claim sa EXIF na halos automatic ang bayad.
03:34Yun lang ang trade-off doon.
03:36Para sa ating mga employer, hindi lamang responsibilidad ninyo
03:39na tiyakin ang kaligtasan ninyong mga empleyado.
03:43Sana mas maging mapagbigay din tayo sa kanila at sa kanila mga pamilya,
03:47lalo na sa panahon ng dagdag ang kanilang kahirapan.
03:51And of course, painit ng painit pa ng panahon,
03:54huwag po tayong sumama sa pag-init ng mga ulo natin.
03:59Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:02Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:04huwag magdalawang isip,
04:06Ask Me, Ask Attorney Gabby.
04:21Sa social media pages ng unang hirit.
04:23Salamat kapuso!
Comments