Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Viral online ang video ng pambubugbog ng isang lalaki sa anak ng kaniyang kinakasama sa Caloocan. Iniligtas ng tiyuhin ang bata matapos masaktan at magkapasa. Pero ikinagulat ng marami—ang mismong ina ng biktima, umatras sa kaso laban sa boyfriend, at ang kapatid pa niya na nag-upload ng video ang nais niyang ireklamo. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin 'yan sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Samotsari ang reaksyon ng bayan sa viral na kasong ito.
00:05Babala po, sensitibo ang video na mapapanood ninyo.
00:10Viral online ang video ng pananakit sa isang 6 na taong gulang na batang lalaki ng boyfriend ng nanay niya sa Caloocan City.
00:21Ang bata iniligtas ng tsuhin at inilipat sa bahay niya sa katabing barangay.
00:26Sa medical legal report, lumabas na nabasag ang ngipin at nagkapasa ang labi ng bata dahil sa nakot on cam na pambubogbog.
00:37Pero ito ang ikinagulat ng marami, sabi ng nanay ng bata na nagtatrabaho abroad, iaatras niya ang reklamo laban sa boyfriend.
00:47Sahalip, ang irereklamo niya, ang isa pa niyang kapatid na nagpost online ng video ng pang-aabuso sa anak niya.
00:55Kwento ng ina ng biktima, gusto niya talagang panagutin ang boyfriend noong hindi pa ipinopost ng kapatid ang video.
01:04Inakusahan din ang nanay ang kapatid ng pananakit sa anak niya noong nasa puder niya ito,
01:09kaya ito ipinagkatiwala sa boyfriend na itinanggi naman ang tiyahin ng bata.
01:15Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:18Ay nako, ask me, ask attorney Gabby.
01:21Atty, dahil ba iaatras ng nanay ng bata ang kaso sa boyfriend niya,
01:33ibig sabihin ba wala na siyang pananagutan kahit may video?
01:37Ay nako, sa mga kaso ng child abuse at pananakit sa mga bata,
01:42kahit na umatras ang mga magulang sa pagsampan ng kaso,
01:46maaari pa rin papanagutin ang may salang nanakit sa bata.
01:50Dapat lang, di ba?
01:52Dahil ang mga ganitong kaso ay maituturing na public crime
01:56at maaaring mag-file ng complaint ang ibang tao kahit na hindi nila kaano-ano ang biktima.
02:02Sa ilalim ng RA 7610,
02:05ang mga sumusunod maliban sa biktima at mga magulang
02:08ay maaaring mag-file ng complaint for child abuse.
02:12Pwede ng mga ibang mga kamag-anak,
02:14ang mga officer, social worker, or representative ng isang child caring institution,
02:20ang mga officer or social worker ng DSWD,
02:24yung barangay chairman pwede mag-file,
02:27at mga tatlong concerned responsible citizens kung saan nangyari ang pang-aabuso.
02:33May sapat naman na ebidensya nga in the form of the video
02:36at maaaring din gamitin ang medical legal report
02:39at ang testimonya ng witnesses tulad ng ibang kamag-anak at ng kapitbahay.
02:45Dapat siguro ay magsagawa rin ng parenting capability assessment dun sa nanay
02:50at tingnan kung may pagpapabaya ba ito
02:54at dahil nga pinagkatiwala ang anak niya sa ibang tao habang siya ay nasa abroad.
03:00Dapat ay sigurong tanggalin agad,
03:02siguraduhin na wala na yung bata sa kustodian ng boyfriend na yan
03:06dahil nasa peligro talaga ang buhay ng batang yan.
03:12Ano naman po ang sinasabi ng bata sa pag-post online ng video ng pananakit sa bata?
03:18Well, sa isang banda, naging instrumental ang video na yan
03:21para mailantad ang pag-aabuso sa bata.
03:24And of course, napakahalagang ebidensya to sa child abuse case.
03:29But, hindi na dapat ipakita pa ang mukha ng bata
03:32at iba pang identifying marks tungkol dito
03:35kung hindi, parang inabustin nyo rin ulit ang bata
03:38dahil sa pag-post online,
03:42parang naging another form of child abuse.
03:45Mapapahiya at masasaktan ang bata nito.
03:48Dagdag din dito, alam naman natin ang pag-post
03:51ng mga litrato ng ibang tao kung saan sila ay ma-identify
03:54ay posibing paglabag ng Republic Act 10173
03:58o ang Data Privacy Act.
03:59Though maaaring i-argue na ang pagpuhan ng video at ang pag-post nito
04:04ay para iligtas ang bata sa karagdagang kapamahakan at pang-aabuso.
04:09But more than posting online,
04:12hindi po tayo fan ng posting online ng lahat ng bagay.
04:16Hindi po tayo masyad ng boto sa mga automatic na pag-post online,
04:19lalo na nga kung makakasira sa reputasyon ng ibang tao
04:22o dadagdag lamang sa paghihirap ng biktima.
04:26Ang pinakamagaling pa rin ay siguraduhin na ma-report ang kaso ng pag-aabuso
04:31sa mga otoridad at maisulong ang kaso.
04:34Dapat din ay masiguro ang kapakanan ng biktima
04:37para hindi na nga maulit muli.
04:40Naku, umagang-umaga, nakakainis ang mga ganyang balita.
04:43In any case, ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw dito
04:47para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:51Huwag magdalawang isip.
04:53Ask me, ask Atternidad.
04:58Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:02Bakit? Pagsubscribe ka na dali na
05:05para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:08I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
05:12Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended