Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Aired (July 27, 2026): Isang logistics rider ang inaresto matapos umanong mangupit ng mga ipinapadalang damit at palitan pa umano ang laman ng ilang ibinabalik na parcel. Ano ang sinasabi ng batas sa ganitong kaso? Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Music
00:03Music
00:03Music
00:04Music
00:04Music
00:04Music
00:05Music
00:06Uy, may parcel ka na naman?
00:08Araw-araw na yata yan ha?
00:10Well, halos lahat tayo guilty po dyan.
00:13Minsan nga kilala na natin ang mga rider
00:16sa dalas nating magpa-deliver ng mga binili online.
00:20Pero paano kung ang rider na nag-deliver sa'yo?
00:24Nangungupit pala.
00:25Gaya itong isang rider na dinakip sa pamagitan ng citizen's arrest,
00:29dahil umano'y nagnan-nakaw at nangungupit
00:33ng mga pinipick up niyang damit.
00:39Ang suspect, suking logistics rider na kumukuha ng kanilang ibinibentang damit sa Makati.
00:46Ayon sa may-ari, napansin nilang hindi tugma ang kanilang inventaryo.
00:50May mga item din di umano na pinapalitan ng laman
00:54pagbalik sa kanila para sa refund.
00:56Imbis na damit, basahan at malaking tipak na bato
01:00ang laman pagbalik sa kanila.
01:03Nang tingnan sa CCTV,
01:05nakumpirma nilang ang rider ang kumukuha ng sobra-sobrang item
01:09pero kulang di umano ang binabalik.
01:12Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dyan?
01:15Ask me, ask Attorney Gabby.
01:21Attorney, ano ba ang habol pareho ng seller at ng buyer
01:25kung ang rider na nag-deliver e kinupit pala ang item?
01:28Well, of course, maaaring kasuan ang rider ng theft
01:31sa ilalim ng revised penal code
01:33at kung ang ninako na bagay ay mga 3,000 to 4,000 pesos tulad nito,
01:38ang penalty ay presion correctional in its medium to maximum periods
01:42na dapat ay 2 years, 4 months, and 1 day to 6 years.
01:46Pero nagkakaroon po ng plot twist
01:49kung ang kumuha ay isang rider
01:52dahil nagkakaroon ng espesyal at legal na katungkulan at responsibilidad
01:57na ibigay ng maayos sa kanyang recipient.
02:00Kung baga, ito ay isang pagnanakaw
02:02with grave abuse of confidence
02:05at dahil dito, ang kaso ay umaangat
02:08at nagiging qualified theft na.
02:11Sa ilalim ng Article 320 ng revised penal code,
02:14ang penalty kapag ang pagnanakaw ay qualified
02:17dahil may grave abuse of confidence tulad dito,
02:21yung penalty ay umaakyat by 2 degrees
02:24at ito ay magiging reclusion temporal na
02:27so ang maaaring nagiintay na penalty
02:29ay nagiging 12 years and 1 day to 20 years.
02:34Napakataas na po, di ba?
02:36At dahil may CCTV na ebidensya,
02:39mas tumitibay ang kaso laban sa isang rider na tulad nito.
02:43Tila napakatindi talaga ng penalty
02:45para sa kaunting mga damit lamang, di po ba?
02:49Dahil sa ganitong mga pagkakataon
02:51ang tinitingnan ng batas
02:52ay hindi lamang ang monetary value
02:55ng bagay na nananakaw.
02:57Ang kanyang pinarurusahan actually
02:59ay ang mas malaking kasalanan
03:01ng pagkawalan ng tiwala,
03:02yung breach of trust, kumbaga.
03:05Kaya't ganyan din ang krimen
03:06kung ang kumuha
03:07ay isa nating kasambahay,
03:10isang manager sa opisina,
03:12o isang kahera natin sa tindahan.
03:14Hindi lamang ito isang pagnanakaw
03:16ng isang halimbawa
03:18yung random pickpocket
03:19na nagnanakaw sa gitna ng kalye
03:21o yung nanghahablot ng necklace sa jeep.
03:23Ito ay isang tao
03:24na binigyan natin
03:26ng espesyal na responsibilidad
03:27at pagtitiwala.
03:30At sa palagay ko,
03:31ganun din sa mga rider
03:32na binabayaran natin
03:33para gawin ang responsibilidad
03:35na ma-i-deliver ang gamit natin,
03:37lalo na kung ito ay naging
03:38kilalanan natin
03:39sa haba ng panahon.
03:41So, yan talagang pagkawalanan,
03:43tiwala,
03:44talagang pinarurusahan po
03:45sa ilalim ng ating batas.
03:47Parang ating mga public official
03:49at ang ating mga nasa legislatura.
03:52Ang mga usaping batas,
03:53bibigyan po nating linaw
03:55para sa kapayapaan ng pag-iisip,
03:57huwag magdalawang isip,
03:59Ask Me.
04:00Ask Atty. Gabby.
04:04Ikaw,
04:05hindi ka pa nakasubscribe
04:06sa GMI Public Affairs YouTube channel?
04:08Bakit?
04:09Pagsubscribe ka na,
04:10dali na,
04:11para laging una ka
04:12sa mga latest kwento at balita.
04:14I-follow mo na rin
04:15ang official social media pages
04:17ng Unang Hirit.
04:18Salamat ka puso!
Comments

Recommended