Viral ngayon ang video ng UV Express na nang-araro ng ilang motorsiklo sa Commonwealth Avenue. Isa ang nasawi at tatlo ang sugatan. Ayon sa driver, “uminit daw ang ulo.” Pero ano ba ang pananagutan niya sa batas sa ganitong kaso? Alamin ‘yan sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
00:54Atty, nag-atiburaw ang drivers pag-inom ng alkohol pero ang driver umamin sa Department of Transportation may ininom siyang illegal substance bago ang trahedya.
01:11Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito at ano ang habol ng mga biktima?
01:15Well, meron po tayong batas na mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho kapag nakainom o kung nasa ilalim ng influensya ng bawal na gamot o droga.
01:26Ito ay sa ilalim ng Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drug Driving Act.
01:34At sa ilalim ng batas na ito, kung kayo ay nakapatay dahil nagmamaneho kayo under the influence of prohibited drugs, 12 years and 1 day hanggang 20 years ang kulong at ang multahan na hanggang 500,000 pesos.
01:48Kung merong serious physical injuries na natamo ang biktima, depende sa injuries na natamo nito, maaaring hanggang 12 years naman ang kulong.
01:58Actually, kung kayo ay nahuli na nagmamaneho ng under the influence, kahit nawala kayong nasaktan, may 3 months na kulong at fine na hanggang 80,000 pesos ang katapat nito.
02:10At talagang maaaring masuspend o marevoke ang inyong lisensya. Kung professional driver's license ang hawak ninyo, perpetual revocation agad, kahit first time pa lang nahuli.
02:22Wala talaga kayong karapatan na maging professional driver kung umiinom kayo o gumagamit ng droga.
02:29Take note, nakalagay sa batas na ito na ang pag-usig para sa violation ng batas na ito ay walang prejudice,
02:36na makasuhan kayo for violation ng Revised Penal Code at ng Dangerous Drugs Law o ang Republic Act 9165.
02:44So, patong-patong ang mga magiging kaso ninyo.
02:48Violation na ng Republic Act 10586, meron pang Revised Penal Code at Republic Act 9165.
02:56Sabi nga ng ibang news report, reckless imprudence daw resulting in homicide at physical injuries.
03:02Pero baka tingnan din kung ito ay intentional na nga at hindi lamang reckless imprudence o pagpapabaya lamang.
03:10Umikot-ikot pa ng ilang beses sa Commonwealth Avenue, e dapat nga kung hindi sinasadyang manakit,
03:16ang normal na reaction dapat ng isang tao ay huminto at tulungan ang sariling biktima di po ba.
03:23Baka may dagdag pa nakasaya ng abandonment of one's own victim sa ilamin ng Article 275 ng Revised Penal Code.
03:30Dapat naman talaga tutulungan ninyo pag nakasakit kayo.
03:34And last but not least, kailangan din na panagutan ang mga civil damages,
03:39ang pagpapagamot, ang mga nasirang mga gamit, mga kotse o motor,
03:45ang nawalang sweldo o kita kung hindi nakapagtrabaho ang mga biktima dahil sa mga injury na natamo nito.
03:51Of course, kung dun sa namatay, kailangan din ang pagpapalibing ang mga gastos dito.
03:57Pero, good luck na lamang kung mababayaran ang lahat-lahat ng damages at napakarami nga ng mga biktima.
04:06So, sana ay makukubra ito ng insurance ng UV Express ang lahat-lahat ng mga danyos na ito.
04:13Does not pay to be angry while driving.
04:17In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:21Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
Be the first to comment