00:00Kaka-cellphone mo yan!
00:03Malamang napagsabihan na kayo ng ganyan.
00:06Pero alam niyo bang, sa kaka-cellphone ninyo,
00:08pwede kayong managot sa batas?
00:11Gaya nitong nahulikam na bus driver
00:14na naglalaro sa cellphone habang nagmamaneho.
00:17Ayon sa uploader, nakaupo siya sa harap ng bus
00:20nang mapansin ginagamit ng driver ang kanyang cellphone.
00:25Noong una ay hindi ron niya tiyak kung anong ginagawa ng driver
00:28pero kalaunan ay nakita niyang may nilalaro ito sa cellphone
00:33na mukha raw online gambling.
00:36Natakot daw ang pasahero, lalo't ilang beses nang nawala sa linya ang bus
00:40at hindi agad nakakapreno ang driver kapag may sasakyan sa harap.
00:45Sinita ng pasahero ang bus driver kaya tumigil rin ito.
00:52Sa katulad na insidente nitong nakaraan,
00:54nag-viral online ang isang content creator na nag-video
00:58o nagsa cellphone habang nagmamaneho ng isang sports car.
01:02Shinare pa ng content creator ang post ng LTO
01:06na may caption na,
01:07Hindi ako yan, promise!
01:09Sinuspindi ng 90 days ang kanyang driver's license
01:13dahil sa paglabag ng batas na ito.
01:15Naku, delikado yung mga ginagawa ninyo.
01:18Pag-usapan natin ang mga insidente niyan,
01:20Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:22Attorney, pang ilang viral video na ito,
01:30ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho?
01:35Lalo na nga kung pampublikong sasakyan ang minamaneho.
01:39Well, ayon sa batas na Republic Act 10913
01:42o ang Anti-Distracted Driving Act,
01:46pinagbabawal o prohibited ng isang driver na humawak
01:49o gumamit ng cellphone o anumang electronic device habang nagmamaneho
01:54kahit na nakahinto ng panandalian tulad sa supply.
01:58Hindi excuse yung nakastop naman na.
02:01Cover din ng batas na ito ang lahat ng uri ng sasakyang pangtransportasyon,
02:06bus, jeep, kotse, traktora, crane, bulldozer, motosiklo, truck,
02:12ay isama na ang mga habal-habal, kuliglig at iba pa.
02:16Kasama din ang hindi motorized transport tulad ng mga bisikleta
02:21at yung mga animal-powered na mga cart o wagon
02:24basta nasa public highway o daan
02:26dahil ang pinakaimportante ay ang public safety.
02:30Ipinagbabawal na gumamit ng mga electronic devices,
02:33kumuha ng letrato, maglaro ng mobile games,
02:36manood ng mga videos o palabas,
02:38o kahit na simpleng pag-chat o pag-text ng driver.
02:42Bawal maglaro ng games, manood ng sine o kahit na anong programa,
02:46mag-surf ng internet, magbasa ng e-book, mag-compute,
02:50basta lahat, lahat ng yan, bawal po.
02:53Pero maaaring gumamit ng electronic devices,
02:56basta ito ay para sa isang emergency.
02:59Pagtawag ng doktor, ambulansya, fire department o police,
03:04and other similar emergencies.
03:05Pwede rin gumamit ng hands-free communication.
03:09Habang nagmamaneho ang driver,
03:10ibig sabihin, ito ay naka-speaker phone
03:13o hindi hawak ng driver ang kanyang electronic device.
03:18Basta, hindi lang siya nasa line of sight ng driver.
03:22Isa rin halimbawa nito, yung paggamit nga ng GPS o mapa sa electronic device,
03:28basta lang nga huwag matatakpan ang line of sight niya.
03:32Ang mga lalabag sa batas,
03:34ay di ba, you have to pay attention,
03:36mapapatawan ng parusa under this law.
03:39Sa first offense, ay aabot ng 5,000 pesos.
03:42Sa second offense naman, 10,000 pesos ang aabuti ng multa.
03:46At sa third offense, 15,000 pesos at masususpindi ang lisensya
03:51nang nasabing lumalabag sa batas.
03:54Of course, pwede kayong masuspindihin o ma-revoke ng lisensya
03:58depende sa gravity ng inyong gagawin
04:00dahil yung LTO ay maaaring mag-revoke o mag-suspindi ng lisensya.
04:05So, tandaan, being able to drive, having a driver's license,
04:10pribileo po lamang yan.
04:11Hindi nyo karapatan na pwede nyo ipaglaban
04:14kahit na ito ay labag sa public safety natin.
04:18So, ang dami talagang nalululong sa paggamit ng cellphone
04:21habang nagmamaneho, paglalaro ng game,
04:24paggamit ng mga content.
04:26So, seryosohin po natin,
04:28siguraduhin na public safety is always our main concern.
04:32Hindi po yung mga paggawa ng content.
04:37So, araw-araw natin nakakaring tayo na may manamamatay
04:39o nasaksaktan dahil dito.
04:41So, please take care.
04:43If you don't care about yourself,
04:44you need to take care of other people.
04:47Basta't usapin batas, bibigyan po natin ng linaw yan
04:50para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:52Huwag magdalawang isip.
04:54Ask me, ask Atty. Gabby.
04:58Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:02Bakit?
05:03Mag-subscribe ka na dali na
05:05para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:08I-follow mo na rin ang official social media pages
05:11ng Unang Hirit.
05:12Salamat ka puso!
Comments