Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Isang viral video ng isang BIR employee ang nagpainit ng diskusyon online. Isang taong-bayan ang napaiyak matapos umano’y bastusin habang kumuha ng TIN ID sa BIR Novaliches.

Ayon sa reklamo, pinagsabihan daw siya ng empleyado dahil hindi siya gumamit ng online system.
Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa improper conduct ng mga public servants at karapatan ng mamamayan? Alamin sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby COncepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:01Mga kapuso, naranasan niyo na rin ba ito?
00:07Bakit ganyan ang employee niyo?
00:10Sa report mo, ano ba yun?
00:12Bakit nasa government kayo?
00:16Grabe.
00:18Grabe.
00:20Ang help naman yung tulong.
00:22Ang tao.
00:24Pero mayroon tayo tao dito.
00:30Yan ang viral video ni Nika Kadilin na hindi napigilang mapahagulgol matapos umano siyang maliitin at bastusin ng isang empleyado ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Novaliches, Quezon City habang kumukuha siya ng kanyang TIN ID.
00:50Nainis umano ang nag-assist sa kanya dahil hindi siya nag-online transaction.
00:55Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:00Atty, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong insidente?
01:11Well, meron po tayong Republic Act 6713 o ang Code of Conduct for Public Officials and Employees na nakalagay rito na ang mga government employees ay dapat laging magpamalas ng professionalism.
01:23Bawal magpakita ng diskriminasyon laban sa kanino man at dapat ay laging magbigay ng magbilis, sapat at tapat na servisyo sa publiko.
01:34Obligasyon ng bawat government employee na maging magalang at courteous sa pakikitungo sa publiko.
01:41Bawal ang kabastusan o pangiinsulto at ang mga ito ay may tuturing na discourtesy in the course of public and official duties,
01:50isang offense na pwede ang parasahan ng reprimand, suspension at kasama na rin dyan ang posibleng dismissal or termination from employment.
02:00Pwede itong i-report sa head of agency o sa civil service commission at pati na rin sa ating anti-red tape authority bagaman ang layunin ng ARTA ay laban nga sa mga delay in government service.
02:14Ito ay objective pa rin ng Republic Act 11.032 o ang batas ukol sa ease of doing business ay maibsan at maipaigting ang maayos na servisyo.
02:25Kasama na dito ang mga frontline office kung saan nag-a-apply ang mga tao para sa mga license, permit o ID tulad nga sa kaso ng viral video online.
02:36Maaari din mag-complain by dialing 8888. Balita ko ay napaka-effective daw na magsumbong sa hotline na yan na aksyonan agad.
02:46Tandaan po natin, lalo na sa mga government employees natin, actually ang publiko ang inyong tunay na boas na dapat ay silbihan palagi ng may respeto at kortesiya.
02:59At lahat tayo naman sa publiko ay may karapatan na tratuhin ng may respeto at malasakit sa kahit anong tanggapan ng gobyerno.
03:08Ang pagiging bastos ay hindi bahagi ng servisyo publiko.
03:12Ang mga office ni Usaping Batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:19Huwag magdalawang isip. Ask me. Ask Attorney Gabby.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended