Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Aired (August 4, 2025): Sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, tumilapon ang tatlong menor de edad matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bahay. Base sa imbestigasyon, umano’y nagloko ang preno ng motorsiklo. Dead on the spot ang isa, habang dead on arrival ang isa pa sa ospital; sugatan naman ang driver. Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong insidente? Alamin sa ating Kapuso sa Batas kasama si Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nakakalungkot ang balitang pag-uusapan natin.
00:04Nagloko umano ang preno ng isang motosiklong sa kayang tatlong menor de edad
00:10kaya sumalpok sa isang bahay sa Pagadian, San Buanga del Sur.
00:15Ang driver ng motosiklo sugatan at napatayo na lang
00:19habang ang dalawang angkas niyang babae humandusay sa sala ng bahay.
00:25Dead on the spot ang isa sa kanila habang isa naman
00:28dead on arrival sa ospital.
00:31Sila ay pawang mga estudyante at bahaw siya sa esinvestigasyon.
00:35Papunta raw sila sa kanilang eskwelahan mula sa view deck na pinuntahan.
00:40Ano ba ang sinasabi ng batangas tungkol dyan?
00:42Ask me, ask Attorney Gabby.
00:53Attorney, walang plaka ang motor at mga menor de edad ang sakay.
00:57Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong insidente?
01:01Well, alam naman natin na sa dami at patuloy na pagdami ng motosiklo sa daan,
01:07motorcycle is life.
01:09Pero dahil nga sa hindi pagsunod sa madaming regulasyon at batas,
01:13nagiging motorcycle is loss of life.
01:15Nakamamatay talaga.
01:17Kaya't paalala lamang sa ilang mga importante,
01:20sa ilan, meron tayong mga batas na napaka-importanting tandaan.
01:24Una, bawal po ang paggamit ng mga motosiklong walang plaka.
01:29Ito ay violation ng Motorcycle Crime Prevention Act or Republic Act 11.235
01:34kung saan nakasaad na lahat ng motosiklo ay dapat may plaka.
01:39In fact, dapat nakarehistro sa Land Transportation Office or LTO ang motosiklo
01:44within five days pagkabili or pag-transfer ng ownership nito.
01:49Kung bagong bago at walang plaka, dapat may temporary plate man lang.
01:52Of course, ang main objective sa paggamit o di paggamit ng plaka
01:56ay sa paghuli sana ng mga masasamang loob na gumagawa ng krimen gamit ang motosiklo.
02:03Ang mga riding in tandem at ang panggamit nito sa paggawa ng krimen
02:06ang pangunahing dahilan sa license plate requirement.
02:11Malalaki ang fines at mabigat ang penalty ng kulong
02:13sa maling paggamit ng mga license plate ng motosiklo.
02:17Ang mga nagmamaneho ng walang plaka o may plaka na hindi mabasa
02:22ay pagmumultahin ng P50,000 to P100,000 at maari pang makumpis ka ang motosiklo ninyo.
02:31More importantly, dahil ito nga isang life or death issue,
02:35bawal ang pagsakay ng isang motosiklo ng walang helmet.
02:38Sa ilalim ng Motorcycle Helmet Act of 2009 o Republic Act 10054
02:45na required ang pagsasot ng helmet, driver man o pasahero ng motor.
02:51Kailangan pa ba natin i-explain kung bakit importante ito?
02:54Nakita na nga natin dyan sa video na yan.
02:57In any case, malapit man o malayo, joyride man o hindi,
03:02ang pagsuot ng standard protective helmet ng driver
03:05at ng back rider ng motosiklo ay required.
03:09At, take note, hindi basta-basta helmet.
03:12Standard protective helmet ang sinabi natin
03:14na may certification ng DTI
03:17o dapat may Philippine Standard Mark
03:19or Import Commodity Clearance.
03:22Dahil kung fake ito o substandard,
03:24walang protection ito kung mabagok ang ulo ninyo
03:27in case of an accident.
03:29Ang multa sa mga hindi pagsosot ng helmet
03:31sa mga motor riders, mag-uumpisa sa 1,500
03:35at pataas ng pataas
03:37until sa fourth offense ay 10,000 pesos na ito
03:40at may posibleng pagkumpis ka pa ng lisensya.
03:44And most importantly, meron po tayong Republic Act 10666
03:48o ang Children's Safety on Motorcycles Act of 2015.
03:54As a general rule, bawal magsakay ng bata
03:57sa mga busy streets o may mababilis na sasakyan
04:01o kung ang speed limit ay higit sa 60 kilometers per hour.
04:06Of course, may exemption.
04:07Pwede lamang daw kung ang bata ay nangangailangan
04:10ng agarang medical na atensyon
04:12at kinakailangan dalin ka agad sa ospital.
04:15Dapat din kung ang bata ay kayang umabot
04:18at mahawakan
04:19ang baywang na nagmamaneho ng motrosiklo.
04:22Kung ang bata ay nagsosot ng tamang protective helmet
04:25alinsunod sa Motorcycle Helmet Act of 2009
04:29dun lamang pwede sumakay.
04:31Kung ang bata ay makakayang maabot
04:33ang kanyang mga paa sa footleg ng motrosiklo
04:35pwede din itong payagan.
04:38Violation ng batas na ito
04:39may fine na 3,000 pesos
04:41for first offense
04:42may 5,000
04:43sa second offense
04:4410,000 pesos
04:45sa third offense
04:46at suspension pa ng lisensya
04:48for the third month.
04:50May fourth violation pa
04:52automatic revocation na po
04:54ng driver's license yan.
04:56Of course,
04:56kailangan isaad na kailangan din
04:58ang driver's license
04:59para makagamit
05:00ng motrosiklo
05:01in the first place.
05:04Bagamat walang nasaktan sa bahay
05:06kung saan sumalpok ang motrosiklo
05:08laking takot daw
05:09na idinulot ang insidente
05:10sa mga nakatira dito.
05:11Ano naman po ang habol nila
05:13sa ganitong pangyayari?
05:16Of course, may posibleng criminal liability
05:18ang driver dito
05:19hindi lamang sa pagkamatay
05:20ng mga menor de edad na pasahero
05:22pero pati na rin sa damage to property
05:24sa nasalpok na bahay.
05:27Reckless imprudence
05:28o matinding pagpapabaya
05:29na nauwi sa damage to property
05:31and of course,
05:32sa loss of lives.
05:34Of course, may civil liability pa
05:36para sa nasira mga gamit
05:37at istruktura ng bahay
05:39na dapat ay maibalik
05:41sa dating ayos.
05:43Ang mga usuping batas
05:44bibigyan po nating linaw
05:46para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:49Huwag magdalawang isip!
05:51Ask me!
05:52Ask Attorney Gary!
05:53Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
05:58sa GMA Public Affairs YouTube channel?
06:00Bakit?
06:01Mag-subscribe ka na dali na
06:03para laging una ka
06:04sa mga latest kwento at balita.
06:06I-follow mo na rin
06:07ang official social media pages
06:09ng Unang Hirit.
06:10Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended