Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Aired (April 15, 2026): Viral ang insidente sa Türkiye kung saan tumusok ang mga bakal mula sa isang truck sa windshield ng isang kotse matapos biglang magpreno. Dalawa ang nasugatan sa aksidente. Ano ang maaaring pananagutan kung mangyari ito sa Pilipinas? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, babalapong muli, sensitibo ang mapapanood nating video.
00:06Caught on cam ang malapilikulang pangyayaring ito sa kalsada.
00:11Parehong patawid sa isang intersection ng isang kotse at isang truck na may kargang mga bakal o steel rods.
00:18Parehong napahinto ang dalawang sasakyan ng magpang-abot sa intersection.
00:24Kasabay ng pagpreno ng truck, ang pagdausdos ng mga bakal na tumusok sa windshield ng kotse.
00:32Napatakbo ang ilang motorista para tulungan ang mga sangkot sa insidente.
00:36Dalawa ang sugatan na ngayon maayos na ang lagay.
00:40Pero wag mabahala ang aksidente niyan, hindi po sa Pilipinas naganap, kundi sa Anatolia, Turkey.
00:47Pero paano nga kung dito mangyari?
00:50Yan ang ating pag-uusapan. Ask me. Ask Attorney Gabby.
01:01Attorney, marami rin mga malalaking truck dito sa Pilipinas na bumabiyahe na may mga mahahaba at malalaking karga.
01:09Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong aksidente?
01:12At may mga rule po ba sa pagsasakay o pagtransport ng mga ganitong klase ng kargamento?
01:20Well, hindi biro ang responsibilidad ng mga truck na may kargang mabibigat o delikadong materyales gaya ng bakal.
01:27And yes, maraming rules ukol sa pagsasakay ng mga mabibigat na kargamento.
01:32Una, sa Republic Act 4136, obligasyon talaga ng driver at operator ng sasakyan na siguraduhin na ligtas at maayos ang
01:40pagkakarga ng kanilang kargamento bago bumiyahe.
01:43Dapat hindi ito makakaabala o makakapahamak sa ibang motorista.
01:47Meron ding Republic Act 8794 o ang Anti-Overloading Act na nire-regulate ang weight na dala ng mga truck.
01:55Marami din mga rule ang LTO, LTFRB at DPWH ukol sa tamang pagsecure ng mga kargamento,
02:02paggamit ng tamang lock kung container van ang involved,
02:05paggamit ng tarpaulin kung nagdadala ang truck ng buhangin o bato,
02:09kung minsan, alam nyo naman, hindi mabibigat at malalaking karga ang dala ng isang truck pero nakakadisgrasya.
02:17Yung maliliit na bato nalilipad habang mabilis ang takbo sa expressway, nakakabasag ng windshield.
02:23Meron ding requirements sa tamang kable na dapat gamitin kung ang kargamento ay mga troso o bakal.
02:29Pangalawa, alam naman natin ang pagpapabaya o negligence ay importanteng prinsipyo sa ilaloy ng batas natin.
02:36Kapag napatunayang hindi sumunod sa mga regulasyong nabanggit natin,
02:41hindi nakasecure ng maayos sa mga bakal halimbawa, walang tamang tale, kulang sa safety device o overloaded,
02:49nagkakaroon ng presumption sa batas na kasalanan ng truck ang aksidente
02:53at dapat managot ang driver at ang kumpanya ng truck sa Danyos.
02:57Meron ding principle of law na tinatawag na res ipso o lakitur o sa Ingles,
03:03the thing speaks for itself.
03:05May mga aksidente na parang obvious na obvious kung sino ang may kasalanan.
03:10Halimbawa, mga container van na nahuhulog mula sa truck,
03:14mga kargamento tulad ng troso o steel bars nahuhulog sa traffic.
03:19Dahil nga, hindi normal na nahuhulog ang mga ito unless may act of God o force major na nangyayari.
03:26So, nagsishift ang burden of proof sa mga driver at in charge ng truck para mapatunayan na hindi sila guilty.
03:34To sum it up, hindi sapat na basta maisakay ang kargamento, dapat siguradong hindi ito nagiging panganip sa kalsada.
03:42Kapag nagkulang dito, may pananagutan talaga na dapat talagang pagganagutan sa ilalim ng batas.
03:49Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:53Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:57Ask me, ask Atty. Gabby.
04:19Sabi.
04:19Sabi.
04:19Sabi.
Comments

Recommended