00:00Nako, imbis na pa ganun, pa ganun!
00:04Sa viral video kasi na ipinost ng Department of Transportation,
00:08caught on cam ang isang sasakyan na nag-counterflow sa Skyway.
00:14Sa kuha ng CCTV madaling araw kahapon, makikitang sinalubong ng sasakyan yan,
00:20ang iba pang sasakyan sa opposite lane.
00:23Pakagulat naman yan.
00:25Nahuli rin ang driver kalaunan at paliwanag niya,
00:28ay akala raw niya pwedeng mag-counterflow doon.
00:31Ipinag-utos na ni DOTR Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation
00:36o habang buhay na pagkansilan ng lisensyon ng driver
00:40dahil inilagay umano nito sa peligro ang buhay na iba pang driver sa kalsada.
00:45Pag-usapan natin ang insidente niyan,
00:48ask me, ask Attorney Gabby.
00:50Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas natin tungkol dito?
01:01Ibig sabihin po ba ng perpetual revocation ng lisensya niya
01:05ay hindi na siya pwedeng magmaneho habang buhay?
01:09Naku e, unang-una, isa na naman pong kaso ng napakaseryoso
01:13ng paglabag sa batas trapiko yan.
01:15Isa sa pinakaseryos siguro.
01:18Dahil ang pag-counterflow o pagmamaneho sa kabilang lane,
01:21lalo na nga sa isang expressway ay itinuturing na sobrang reckless driving.
01:27Pero ang pangyayaring naging viral video nga
01:29na nagpapakita ng kawalaan ng pagpapahalaga sa kaligtasan ng publiko.
01:35Iniligay niya sa posibleng matinding panganib
01:37ang buhay ng kapwa niya motorista,
01:39kaya nakatanggap nga siya ng mabigat na parusa.
01:43Ipinag-utos nga, napatawan siya ng parusang perpetual revocation
01:48o habang buhay na pagkansilan ng lisensya.
01:51Ano nga bang ibig sabihin nito?
01:52Well, yung perpetual revocation nga yung pinakamabigat na parusa sa lisensya
01:56usually kasi suspension lang
01:58or yung hindi naman perpetual revocation,
02:02revocation for several months or a year.
02:05Ibig sabihin naman ngayon, permanenteng binawi sa kanya
02:08ang privilege yung magmaneho.
02:11Samataman ng batas kasi dahil sa kanyang irresponsabling aksyon
02:15na maaaring magdulot ng matinding peligro,
02:17hindi na siya itinuturing na karapat dapat pa
02:20na magkaroon ng lisensya.
02:22So hindi lang nga ito suspension o pansamantalang pagbawi
02:25ay permanenteng pagbawi sa kanyang karapatan.
02:28Ibig sabihin, habang buhay nga siya hindi makakapagmaneho.
02:31Pero kung tatangkain man niyang magmaneho ulit at mahuli siya
02:36ay panibagong violation na naman ang kanyang kaharapin
02:39at maaaring makatanggap ng mas mabigat na parusa
02:42na posibleng umabot sa pagkakakulong.
02:45Well, actually, pwede pa ba siyang mag-drive?
02:48Well, kung siya ay on good behavior,
02:51tapos eh, baka mamaya yung susunod na DOTR secretary,
02:54eh baka naman maawa sa kanya,
02:57baka pwede ibalik ang privilegion na yan.
02:59So tandaan po natin na pagkakaroon isang lisensya
03:02ay isangang privilegion lamang at hindi karapatan.
03:07Maaaring talagang bawiin ito kung maipapakitang
03:09hindi talaga karapat dapat.
03:12Bakit?
03:13Mas importante pa rin ang safety ng ating kapwa.
03:17Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
03:20para sa kapayapaan ng pag-iisip,
03:23huwag magdalawang isip,
03:25Ask Me, Ask Apelie Gansal.
03:29Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:33Bakit?
03:34Mag-subscribe ka na dali na
03:36para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:39I-follow mo na rin ang official social media pages
03:42ng Unang Hirit.
03:43Salamat ka puso!
Comments