Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Marami ang nagulantang nang mapabalitang hindi na makikipagtulungan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Posible ba talagang tumanggi ang mga dating witness na makipagtulungan? Ipinaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion ang sinasabi ng batas tungkol rito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pwede pala yun?
00:02Yan ang reaksyon ng marami
00:04ng mabalitaang hindi na makikipagtulungan
00:06ng mag-asawang Curly at Sarah Diskaya
00:10sa investigation ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:14Ayon sa abogado ng mga Diskaya,
00:17inakala na mag-asawa na mas malaki ang chance nila
00:20maging state witness kung makikipagtulungan sa ICI.
00:24Pero anila, sinabi raw ni ICI member Rogelio Simpson
00:29sa isang panayam na sa ngayon ay walang qualified
00:32maging state witness.
00:34Ayon sa Office of the Ombudsman,
00:36misguided o mali ang gabay sa mga Diskaya.
00:40Ang issue na yan ng ating pag-uusapan,
00:42Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:51Attorney, pwede ba yun na basta-basta na lang magsabi
00:54na hindi na makikipagtulungan
00:56sa investigasyon ng mga hinihinalang sangkot
00:59sa flood control projects?
01:01Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:04Well, pwede naman talagang huminde
01:06at tumanggi na makipagtulungan.
01:09Dahil hindi nga naman talaga siguradong kukunin sila
01:12bilang state witness,
01:13e baka mapabilis at masiguro
01:16ang kanilang pagkakulong.
01:18So hindi naman sila pwedeng pilitin na mag-cooperate
01:20dahil ito ay lalabag sa kanilang karapatan
01:23or right against self-incrimination.
01:26Itong right na ito ay isang karapatan
01:28na makakita sa Article 3, Section 17
01:30of the 1987 Constitution.
01:33At pag sinamay ang bawat tao ay may right
01:37against self-incrimination,
01:39ibig sabihin na hindi ka pwedeng tumistigo
01:41laban sa sarili mo.
01:43Hindi ka pwedeng pilitin na magbigay ng ebidensya
01:46para mahatulan kang guilty sa isang kaso.
01:49Sabi nga ng iba,
01:50e para kang kumuha ng bato
01:52na ipupukpuk mo sa sarili mo.
01:54Kung magkaroon ng successful prosecution ng kaso,
01:57dapat ang mga mag-uusig
01:59ang siyang maghahanap
02:01at gagamit ng ebidensya na nakuha nila
02:03sa ibang paraan.
02:05Ang isang paraan nga ay sana ma-deklara sila
02:07bilang isang state witness
02:09at kapalit ng ebidensya at testimonya nila,
02:12sila ay bibigyan ng immunity from suit.
02:15Ibig sabihin,
02:16walang criminal liability
02:17o kulong na mangyayari
02:19dahil hindi na sila masasama sa kaso
02:21bilang akusado.
02:23Pero hindi nga garantisado
02:25ang pagiging state witness,
02:26hindi porkit nagtaas ka ng kamay
02:28at nagvolunteer ka na
02:30ako pwedeng tumistigo
02:31ay pwede na agad.
02:33May proseso at mga requirement
02:34para maging state witness
02:36dahil nga kakaiba talaga ito, di ba?
02:38Guilty ka nga ng krimen
02:40pero walang pananagutan.
02:42Ilalaglag mo lang ang mga kasama mo,
02:44pwede na.
02:45Pero maraming ang requirements
02:47unang-una aside from the fact
02:48na dapat mabigat ang kaso
02:50na hindi naman natin
02:51maipagkakaila
02:52napakabigat nito,
02:54dapat hindi ikaw
02:55ang most guilty.
02:57Hindi naman kinakailangan
02:58na ikaw ang least guilty,
03:00syempre magkaiba, di ba?
03:02Dapat din ay talagang
03:03kailangan ang testimonyo na ito
03:05at wala nang ibang direct evidence
03:07na magagamit
03:08ang prosecution.
03:09Pero kahit na ayaw na nilang
03:11mag-cooperate,
03:12hindi naman ibig sabihin
03:13na hindi na sila pwedeng
03:14tawagin ang korte.
03:15Kung umabot nga sa korte
03:17ang kaso,
03:18sana naman.
03:19Maaari pa rin silang
03:20patawag ng korte
03:21via a subpina
03:22at sila ay maaaring
03:24ma-hold in contempt
03:25kung hindi sila sumunod.
03:26Of course,
03:27maaari pa rin nilang
03:28i-invoke ang kanilang right
03:30against self-incrimination.
03:32The court may impose
03:33monetary penalties
03:34at meron din kulong
03:35sa mga ayaw sumunod
03:37sa utos ng korte
03:38nang walang
03:39legal justification.
03:40Pero sa ayaw o sa gusto nila
03:42nagtitiwala tayo
03:44na ang DOJ
03:45at ang ombudsman
03:46ay tutuloy-tuloy na
03:48ng pag-iimbestiga
03:49at magpa-file
03:50ng mga nararapat na kaso.
03:52Hindi na kasi pwede
03:53na ipagpaliban pa
03:55o iwalis
03:56sa ilalim ng carpet
03:57ika nga
03:58at ibaon sa limot.
04:00Kasi nga,
04:00galit na ang mga tao
04:01pero bilisan nyo na po
04:03at baka mas maunang
04:04magwalis ng ebidensya
04:05ang mga sangkot
04:06sa mga krimen na ito.
04:08Hindi lang nga pag-awalis
04:09nagsishred na nga daw yung iba.
04:11Nanonood po ang mga taong bayan
04:13huwag biguin
04:14ang pag-asa ng mga tao
04:16na maitatama
04:17ang mga katiwalian
04:18at matitigil na
04:19ang pangungurakot
04:20sa kaban ng bayan.
04:22Ako,
04:23baka mamaya.
04:24Di natin alam.
04:25Pag galit ang mga tao
04:26alam mo na.
04:27But in any case,
04:28ang mga usaping batas
04:29bibigyan po nating linaw
04:31para sa kapayapaan
04:32na pag-iisip
04:33huwag magdalawang isip
04:35Ask Me
04:36Ask a Ternigag.
04:38Ikaw,
04:41hindi ka pa nakasubscribe
04:42sa GMA Public Affairs
04:43YouTube channel?
04:44Bakit?
04:45Pagsubscribe ka na,
04:46dali na
04:46para laging una ka
04:48sa mga latest kwento
04:49at balita.
04:50I-follow mo na rin
04:51ang official social media pages
04:52ng unang hirit.
04:54Salamat ka puso!
04:55Pag galit ang mga tao
04:56Pag galit ang mga tao
04:57Pag galit ang mga tao
Be the first to comment
Add your comment

Recommended