00:07Mga kapuso, usap-usapan po ngayon online ang pagputol ng daan-daang puno sa Quirino Avenue.
00:15Nasa 225 na puno ang pinutol para bigyang daan ang pagtatayo ng panibagong Southern Access Link Expressway o SALEX.
00:25Pinayagan daw umano ng DENR na putuli ng mga puno sa ngalan ng urban development kapalit ng pagtanim ng mga
00:33project proponent ng 50,700 replacement seedlings.
00:38Ang issue niyan, umanin ang sari-saring komento mula sa netizens. Pag-usapan natin yan. Ask me, ask, Atty. Gabby.
00:50Atty, sa batas ba natin ano ang requirements para magputol ng daan-daang puno?
00:57Well, whether isa, dalawa o dalawang daang puno ang puputulin sa mga public land tulad ng mga sidewalk, plaza at
01:05ipampampublikong lugar,
01:06kailangan na magpaalam at kumuha ng permit mula sa DENR para dito.
01:11Kasama dito ang pagsangayon ng LGU na wala itong objection sa pagpuputol na ito.
01:18Actually, sa ilalim ng mga DENR regulations, maaari lamang gawin ang pagputol ng mga puno on public land for two
01:25reasons.
01:26Either ito ay peligroso dahil baka may mabagsakan dahil compromise na ang puno,
01:30at ang pangalawa, ito ay kinakailangan for government infrastructure projects.
01:36Kasama na nga rito ang mga road widening project, pagpapatayo ng mga kalye, daan at tulay.
01:43Kailangan din ipakita ang pag-aaral ng mga spesyalista na hindi kayang i-reroute ang project para maisagawa ang proyekto.
01:50Pero dito nga sa nangyari, 225 NARA trees na more than 50 years old, ay naku, talagang pinutol na, talagang
02:01nakakalungkot.
02:02Tanong ng iba, bakit hindi i-earthball at ilipat? Bakit kailangan putulin?
02:08Well, ayon sa mga rules, ang earthballing ay preferred nga kaysa pagputol ng mga puno.
02:13Pero mukhang hindi feasible ang earthballing. Pag sobrang laki ang mga puno, malaki na rin ang risk na mamamatay lang
02:20ang mga punong ito
02:21dahil hindi kakayanin ang puno ang shock sa mga ugat nito.
02:26Hindi pa kasama dyan ang malaking cost, ang equipment na kailangan para subukang gawin nito.
02:32Kaya't ang alternative ay tree planting para daw mapalitan ang mga pinutol na puno.
02:36Ang usual ratio ay 1 is to 100 seedlings ang itatanim.
02:42Pero saan ba ang pagtatamna ng mga seedling na ito?
02:46Tuluyan bang maaalagaan ito? Baka naman namatay ka agad.
02:50More than 50 years old ang mga punong pinutol.
02:54Kailan pa mapapakinabangan ang mga replacement trees na ito?
02:58Actually, hindi lamang sa mga pampublikong lugar ang ganitong mga patakaran.
03:02Kahit na sa mga pribadong lupa, hindi kayo basta-basta makakaputol ng mga punong iyan.
03:08Kailangan pa rin kumuha ng permit para magputol ng puno sa sarili ninyong lupa.
03:14Mahirap naman kung may malaking puno sa gitna ng inyong lote, di po ba?
03:18E paano naman kayo magpapatayo ng bahay?
03:20So kailangan pa rin mag-apply for a private land timber permit or yung PLTP na tinatawag.
03:27Mag-uumpisa ang proseso sa barangay, eksaminin ang lupa at ang mga puno,
03:32kailangan mag-submit ng application at magbayad ng fee.
03:35Although may regulation na na-issue ngayong 2026 lamang,
03:39na kung isa o dalawang puno lamang hindi na kailangan kumuha ng permit,
03:43pero kailangan pa rin magbigay ng notice.
03:46Meron sana tayong tinatawag na writ of kalikasan,
03:49pero ito ay usually reserved para ipatigil ang mga tree cutting activities
03:54na maaaring magresulta sa loss of life, danger to health, and safety of inhabitants.
04:00Tulad ito ng pagpapatigil sa tree cutting ng mga bundok,
04:03dahil baka magkaroon ng landslide,
04:06dapat ganun kalaki ang prospect na disaster na mangyayari.
04:12So baka hindi makakuha ng writ of kalikasan para sa mga puno na nasa kalye lamang,
04:17dahil walang imminent danger sa mga tao.
04:20But baka pwede nating subukan.
04:22We need to save our trees.
04:25Hindi natin kayang palitan ang mga puno na deka-dekada ang panahon kinailangan para tumubo sila.
04:32Otherwise, kawawa naman po ang mga anak at mga apo natin na concrete jungle na lamang talaga ang malalaman at
04:40makikilala nila.
04:43Napakalungkol.
04:44Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:47Para sa kapahihapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
04:51Ask Me, Ask Attorney Gabby.
Comments