Skip to playerSkip to main content
Viral ngayon ang video ng isang lalaki na tila naninigas at umiiyak. Ang lalaki, pinahithit umano ng sigarilyo na tuklaw! Ano ba ang sinasabi ng batas sa paggamit nito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

ASK ATTY. GABY: TUKLAW!

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Viral ngayon ang video ng isang lalaki na tila naninigas at umiiyak habang hawak ng ilang tao sa Taguig City.
00:10Ang lalaki pinahit-hit umano ng isang rider ng sigarilyo na kung tawagin ay tuklaw na gumagamit ng mas malakas na uri ng tabako na nanggaling sa Northern Vietnam.
00:21Matapos ito, ganito na raw ang sinapit ng lalaki na dinala nga sa ospital.
00:27Bago yan, may insidente na rin ang tatlong kabataan na nakuhana ng video habang tila kinukumbulsyon sa tabing kalsada matapos din umanong humit-hit ng tuklaw na tinatawag ding black cigarette.
00:40Nangyari yan sa Puerto Princesa sa Palawan.
00:52Suspetsya ng pidea, posibleng may ibang halo ang black cigarette na kanilang hinit-hit.
00:58Anong sinasabi ng batas tungkol dito?
01:00So, ask me, ask Atty. Gabby.
01:10Atty, nakababahala naman itong tuklaw na ito.
01:13Ano ba ang habol sa batas ng mga nabibiktima nito?
01:17Well, sobra talagang nakakabahala ang epekto ng produktong to.
01:20At sigurado akong marami sa atin hindi pamilyar sa tinatawag nga na tuklaw.
01:25Walang relasyon sa pagtuklaw o pagkagat na isang ahas, pero ang tuklaw pala ay hango sa tuwoklaw.
01:33Ito ay hindi kilala sa Pilipinas, pero ito ay isang traditional na tabako.
01:37It's a Vietnamese term.
01:39Galing nga sa Vietnam na kilala sa mataas na nicotine content.
01:43Kapag sinabing mataas na nicotine naman, ay naku talaga palang mataas ito.
01:48Nine times ang nicotine content ng tuklaw kumpara sa alam natin sa Pilipinas.
01:54Ang problema, ang epekto ng ganitong kataas na nicotine content,
01:59lalo na nga sa mga first-time users, ay panghihilo, pagsusuka,
02:03yung sinasabing head rush, at in rare cases, meron nga respiratory failure o mga seizure.
02:10Sa Vietnam daw, ito ay laganap na ginagamit lalo na sa mga probinsya
02:14at considered na isang form of relaxation daw at nagkakaroon ng high ang mga tao.
02:20Pero tulad ng makikita natin, hindi magandang epekto nito sa mga hindi sanay gumamit tulad dito sa Pilipinas.
02:28Unfortunately, wala tayong batas na ipinagbabawal ang tuklaw.
02:32Kung tutuusin, paano nga ba natin ipagbabawal ang isang bagay na hindi namin na alam ay inexistence
02:38dahil hindi nga ito native sa atin.
02:41At kahit na masasabing ito ay parang dangerous drug sa epekto,
02:45hindi rin ito kasama sa hanay na ipinagbabawal na droga sa ilalim ng Dangerous Drugs Act
02:50kung saan bawal ang mga tulad ng marihuana, shabu, at iba pa.
02:55Pero sa palagay ko ay masasabing ito ay isang hazardous o dangerous substance
03:00na dapat ay dumaan at aprobahan ng Food and Drug Administration
03:04at kung walang approval, ay mag-aring magkaroon ng fine at penalty
03:08sa ilalim ng ating Food and Drug Administration Law.
03:12Sa ngayon ay maaaring makonsider na nagkakaroon din ang violation
03:15ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Act.
03:20Sa ilalim ng batas na ito, dapat ay merong tamang babala
03:23ang kahit na anong tobacco products na binibenta sa publiko.
03:27Mabigat ang mga fines at kulong na maaaring umabot din
03:31sa pagkansala ng lisensya at business permit ng mahuhuli.
03:35Mahigpit din na pinagbabawal ang pagbebenta ng kahit na anong nicotine products
03:40sa minor de edad.
03:42Ang mahuhuling lumabag at magbenta o magdistribute
03:45o magpagamit sa minor de edad ay maaaring magmulta
03:49o marangkaroon ng pagkakulong na hindi so sobra sa 30 araw.
03:53Tinitingnan din daw ng mga otoridad
03:57ang posibilidad na online nabili ang tuklaw.
04:01Ano ang maaaring kaharapin ng iligal na nagbebenta nito online?
04:05Well, unang-una tinatawagan natin ang DTI,
04:07ang FDA at ng Department of Health na magsama-sama at siguro ay ipagbawal right away
04:14ang pagbebenta ng tuklaw, whether online or otherwise.
04:18At the very least, ang pagbenta ng ganito ay lumalabag nga
04:21sa mga provision ng Tobacco Regulation Act natin nang walang tamang babala.
04:26Dahil nga sa online sellers ay hindi compliant,
04:29ay dapat agarang ipatigil ng DTI ang pagbebenta ng nasabing produkto.
04:34Dapat ipag-utos ang immediate recall, ban o seizure ng mga produkto
04:38dahil nga maituturing na hazardous substance dapat dumaan sa FDA.
04:44Sa ilaloy ng FDA Act, ang pagbebenta ng hazardous substance na hindi dumaan sa FDA
04:49maaaring magkaroon ng kulong ng 1 to 10 years
04:52at multa na maaaring umabot hanggang 5 milyong piso
04:56depende sa pagkategorize ng produkto.
04:59Sa ngayon, wala pa talaga tayong batas na nagbabawal sa paggamit ng tuwoklaw
05:03o tinatawag nga na tuklaw, pero sana nga ay maisabatas na ito.
05:08Habang inaantay natin ito, maaaring na rin sigurong hulihin ang mga nagbebenta nito
05:13na hindi na dumaan sa tumamang proseso,
05:16lalo na ang mahuhuling magbenta nito sa ating mga menor de edad.
05:21Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:23Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
05:28Ask Me, Ask Attorney Gabby.
Comments

Recommended