Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Umani ng matinding reaksiyon online ang viral video ng pananakit sa isang bata sa Taguig City kung saan makikitang paulit-ulit siyang sinuntok at tinadyakan. Ano ang maaaring kasong kaharapin ng suspek at maging ng ina ng bata na umano’y nangunsinti? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, kumapit po kayo dahil masakit sa puso itong video ang mapapanood natin.
00:13Caught on cam na hindi lang isa, kundi maraming beses na tinadyakan at pinagsususuntok ng babaeng yan ang isang bata.
00:23Maririnig ang hagulgol ng bata habang tinatakpan at inaabuso siya ng babaeng kinilala ng mga polis na si Alias Tolitz.
00:32Nang masagip ang bata, nakitaan pa ng mga paso at kagat sa kanyang likuran.
00:38Ang babaeng suspect, arestado na.
00:41Habang ang ina ng bata, tinutugis na rin dahil sa pangungon sinti umano at hindi pagsasampan ng reklamo sa kinakasama.
00:49Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:53Ask me, ask Atty. Gabby.
01:02Atty, nakakagalit ang kaso na to.
01:05Alam natin na may pananagutan dapat ang nanakit sa bata.
01:09Ano naman ang sinasabi ng batas sa nanay na nangonsinti umano sa kinakasama?
01:15Well, nakakagalit po talaga. Hindi ba dapat ang mga magulang?
01:21Actually, ang mga nanay ang unang magpoprotekta sa kanilang mga anak?
01:26Ngayon, bias ba ako na sa pagsabi na ang nanay ang dapat na unang magprotekta sa kanilang anak?
01:33Well, hindi naman po ako bias dahil sa ilalim ng ating batas.
01:37At maaari ninyong i-check sa ating family code kapag ang bata ay less than 7 years of age.
01:43Generally, ang custody ng bata ay binibigay talaga sa nanay.
01:48Sinasabi natin generally dahil may exemption.
01:51At ang exemption na yan ay kung unfit ang nanay.
01:55Hindi usually na-deprive ang nanay ng kustodian ng isang batang paslit.
01:59Dahil sa tingin ng batas, ang nanay ay ang masasabi nating the better parent to take care of a little
02:07child.
02:08So kung ang nanay ay mas papanig at kukonsintihin pa ang kanyang partner na sakta ng bata,
02:15hindi naman siguro unfair na sabihing sibleng siya ay isang unfit parent.
02:20In this case, maaaring tanggalan ng kustodiya at parental authority ang isang nanay
02:25kung mas magiging safe ang batang ito sa piling ng iba.
02:28So isang posibleng konsekwensi ito as far as the mother is concerned.
02:33Of course, ang perpetrator, ang partner na nanay, na siyang pangunahing nanakit sa bata,
02:38may mga posibleng kaso, hindi lamang sa physical injuries na nasa ilalim ng revised penal code,
02:45pero pwede rin siya sa ilalim ng Republic Act 7610 o ang Child Abuse Law
02:50at maaari din sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act.
02:57Mas mabuti siguro sa dalawang special law na nabanggit ko ang pagtugis ng kaso
03:03because for sure, mas mabigat ang penalty ng kulong sa ilalim ng dalawang special law na ito.
03:09At dahil mga public crime itong mga child abuse at violence against children,
03:14kahit na ayaw mag-file ng kaso ang nanay,
03:17maaaring maghain ng complaint ang ibang mga tao tulad ng mga relatives,
03:21mga lolo't lola at ibang kamag-anak,
03:24pwede rin ang mga social worker ng DSWD o ng LGU,
03:29pwede rin ang mga barangay official,
03:31or kahit na ang mga kapitbahay o ibang concerned citizens na may personal knowledge ng mga nangyapangyayari.
03:38Although sa kasong to, hindi masyadong mahirap mapatunayan at may video recording
03:42na maaaring gamitin bilang ebidensya ng pananakit,
03:46maaaring bang kasuhan ng nanay kahit na hindi niya personal na pinagbuhatan ng kamay ang bata?
03:53Well, of course, para siyang kasabwat ng kanyang partner na mismong nanakit sa bata.
03:58Mabuti na lamang at may mga mabuting kapitbahay na hindi pumayag,
04:02na hindi isumbong ang mga pangyayari,
04:05since hindi naman talagang pinigilan ng nanay ang pang-aabuso.
04:09So eto na lang ang ating takeaway for today,
04:12huwag palampasin ang mga kaso ng pang-aabuso.
04:15Makipag-unayan agad para mabigyan ng justisya ang mga batang tulad nito
04:20at maprotektahan ang mga bata from further acts of violence.
04:24Pag merong ganitong violence, hindi ito ang panahon para maging tahinip.
04:30Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:33Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:37Ask me, ask Atty. Gabby.
04:55Salamat ka puso.
Comments

Recommended