00:00Back to reality na tayo after Holy Week break.
00:04Pero ang pagkalat ng fake news, parang hindi nag-break.
00:08Sa mga nag-aabang ng Ayuda, pakinggan niyo to.
00:12Sa Kalibo Aklan, nasa 70 na tricycle driver
00:15ang pumila sa isang gasolinahan at nagtiis sa matinding init ng araw
00:21para sana makakuha ng libring gasolina.
00:24Nakatanggap umano sila ng mensahe na mamimigay ng libring gas
00:28ang kanilang alkalde.
00:31Pero pagdating sa gasolinahan, dismayado ang mga tricycle driver
00:35dahil fake news pala ito.
00:38Nilinaw din ni Kalibo Mayor Yuris Sucro
00:41na hindi nanggaling sa kanyang tanggapan ang text message at chat
00:46at pinag-iingat ang lahat sa mga kumakalat na fake news.
00:50Pero dahil ilang oras pumila ang mga tricycle driver sa mainit na panahon,
00:55nag-desisyon ng alkalde na bigyan na lang ng 300 pesos na gasolina
01:00ang naunang 50 tricycle drivers sa pila.
01:05Iniimbestigahan ngayon ng Office of the Mayor ng Kalibo ang nangyari.
01:09Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:12Ask me, ask Atty. Gabby.
01:18Attorney, ang laking perwisyo naman na dinulot ng fake news na ito.
01:22Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong mga nagpapakalat ng ganitong fake news
01:27na hindi lang basta fake info, nakaka-perwisyo pa talaga?
01:32Well, nako mga kapuso, hindi biro yung pumila sa init na yan.
01:37At isa pa, yung oras na pinila na dapat sana ay pumapasada na lang sila ay talagang nasayang.
01:45Hindi nga rin natin masisisi itong mga tricycle driver
01:48dahil sa hirap ba naman ang buhay ngayon at taas ng presyo ng gasolina,
01:53aba ay talagang papatusin talaga ang mga libreng ganyan.
01:57Pero yung mga nagpapakalat ng fake news, may kalalagyan, ayon sa batas.
02:03Sinasabi sa Article 154 ng Revised Penal Code,
02:07maaaring patawan ang kasong aresto mayor o kulong na hanggang 6 na buwan
02:11at multa na nagkakahalaga ng 40,000 to 200,000 pesos
02:16ang sino man ang nagpapakalat ng fake news na pwede mag-cause ng panic at public disorder.
02:23Yung gulo at malaking perwisyo sa mga tricycle driver
02:26ay masasabi naman natin siguro na public disorder ito.
02:30At dahil ang fake news na nakakasira ng public order
02:33ay pinadala through the cellphone system,
02:36cover din po ito ng Republic Act 10175
02:40or ang Anti-Cyber Crime Law
02:42at tataas by one degree in penalty ang mapapataw
02:45na responsibilidad na salarin dyan sa sitwasyong ganyan.
02:50Pero ang problema kung makahanap nga siya.
02:53Napakaliking perwisyo naman ganito mga malisyosong pagpapalaganap ng fake news
02:58kaya sana rin ay magkaroon ng bagong batas
03:01na patataasin ang penalty para sa mga gumagawa nito.
03:05Sana din ay magkaroon ng paraan para mas mabilis matukoy
03:09ang mga nagpapadala ng fake news na tulad nito.
03:12Napakabuti sana ng modern technology tulad ng internet
03:16pero talagang naaabuso at nagagamit para sa kapakahamakan ng mga tao.
03:23Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
03:26para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:29Huwag mag dalawang isip.
03:31Huwag mag dalawang isip.
03:33Ask me.
03:34Ask Attorney Gabby.
03:37Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:41Bakit?
03:42Pagsubscribe ka na dali na
03:43para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
03:47I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
03:51Salamat ka puso!
Comments