Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Sunod-sunod ang pasabog sa imbestigasyon ng flood control projects! Ilang opisyal ang pinangalanang sangkot umano sa katiwalian, kalakip pa ang mga larawan ng malaking halaga ng pera at diumano’y conversations ng mga sangkot. Ano ba ang sinasabi ng batas dito? Alamin sa paliwanag ni Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Kalagitnaan pa lang po ng linggo pero grabe na ang mga pasabog.
00:05Buong bayan nakatutok at nagbabantay sa pinakamainit na issue ng bayan ngayon,
00:11ang korupsyon sa flood control projects ng gobyerno.
00:15At sa hearing lang nitong lunes at kahapon, maraming sangkot umano ang pinangalanan.
00:21Isa pa sa lumabas din sa pagdinig, ang mga picture ng mga limpak-limpak na pera.
00:26Kakainit ng ulo, di po ba?
00:28Sagutin natin ang mga tanong ninyo tungkol dito.
00:32Ask me, ask Attorney Gabby.
00:41Attorney, halos lahat ng pinangalanan, itinanggi na ang paratang.
00:46Meron bang aamin?
00:47At ang iba, nagsabi na magsasampan ng kaso.
00:50Ano po ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:53Well, of course, sa batas natin tungkol sa libel, alam natin na sa general rule,
00:58bawal ang paggawa ng mga statement na makakasira sa reputasyon ng ibang tao,
01:03lalo na nga kung ito ay paninira in the form of accusing them of committing a crime.
01:08And of course, kasama na dyan ang mga paratang ng pagnanakaw sa ating kabangbayan.
01:14So, pwede talagang mag-threaten na mag-file ng kaso.
01:17Pero although hindi lubos na tinatalakay sa batas ng libel sa mga libro,
01:21nababanggit sa mga kaso na umabot sa Korte Suprema,
01:25ang principle ng privileged communication,
01:28whether it's qualified or absolute privilege,
01:31sa mga paratang, akusasyon at mga statement
01:34na nasasabi in the course of legislative, judicial, and quasi-judicial proceedings
01:39na sinasabing dapat ay hindi magkaroon ng liabilidad
01:43ng mga taong nagsalita o nagbigay ng pahayag
01:45sa ganitong mga proceedings, katulad na nga dito sa Kongreso,
01:49for reasons of public policy and the administration of justice at public welfare
01:54ng mga witnesses, mga abogado at public official,
01:57dapat ay malaya at walang takot na makakadiscuss ng mga bagay
02:01na importante sa publiko.
02:03Of course, mayroon pa rin mga parameters at limitasyon ang mga nito.
02:07Mayroong mga test involved na maaaring i-fly ang Korte
02:10para malaman kung nararapat na i-consider nga na privileged ito.
02:15So of course, maaari pa rin mag-file ng kaso for libel
02:19ang mga nagsasabing inusente sila at sinisiraan lamang sila
02:23at ang reputasyon nila dahil sa mga pahayag dito sa mga legislative inquiry.
02:28Pero nasa sa Korte pa rin yan,
02:30para na lang yung iba, parang umaanggola nga maging state witness.
02:34Pero eventually, kung hindi sila magkakaroon ng liabilidad sa ilalim na batas,
02:39e nasa Korte pa po yan kung pwede.
02:42At nasa Korte din, sila ang magde-decide kung pawang kalukuhan
02:45at pagsisinungaling lamang na walang relevance
02:48o saisay sa mga proceeding na naganap sa ating Kongreso
02:52at ginawa lamang para sirain at idamay ang isang tao
02:56with utter disregard for the truth.
03:00So titignan po natin yan.
03:02Attorney na panganga ang buong sambayanan
03:05sa mga picture ng bundle-bundle na pera na nakalatag sa lamesa
03:09at pinaparte-parte umano.
03:11Talagang nakakagigil.
03:13Di po ba?
03:14Posibling pera natin yun eh.
03:16Ano ba ang habol ng mamamayang Pilipino?
03:18Well, kung pwede lang pong kunin at paghati-hatian
03:22ng bawat isa sa atin, sana nga pwede.
03:25Iisipin ng iba, this is where my taxes go.
03:29Yung binabayad natin ng buwis,
03:31na paghati-hatian lamang ng ilan lang?
03:34Bilyon-bilyon? Di po ba?
03:36Of course, theoretically, lahat ng kinamkam ay dapat ibalik
03:39sa ilalim, malimbawa ng anti-plunder law natin
03:42at sa mga anti-grath law natin.
03:45Lahat ng ill-gotten wealth dapat ay ipo forfeit ng pamahalaan.
03:49Kasama na dyan ng mga interest, mga nakadeposit,
03:53lahat ng property na nakuha dahil sa nanakaw na pera na to.
03:56Ganon din nga sa ilalim ng Republic Act 3019,
04:00ang ating Anti-Graph and Corrupt Practices Act,
04:03lahat ng ill-gotten and unexplained wealth
04:06dapat ay kukumpiskahin.
04:09Eh ano daw ang unexplained wealth?
04:10Yung mga ari-arian na manifestly out of his sweldo at lawful income.
04:15Siguro kung government employee ka at 70,000 pesos kada buwan ang sweldo mo,
04:20pero ang relo mo, milyon-milyon.
04:22Ang mga kotse mo, milyon-milyon din.
04:25Eh yun ang unexplained.
04:26Well, di po ba?
04:28Unfortunately, kahit na dapat ay ibalik ang lahat ng kinamkam,
04:32hindi naman po madalas nangyayari yan dahil napakahirap.
04:35Madalas natatangay na sa mga banko abroad
04:38at kung saan-saan pa, hindi na nga naibabalik.
04:42Or hirap lang talaga tayo maghanap at nakakainit talaga ng ulo.
04:46Pero theoretically, yun nga dapat ay ibabalik ang lahat ng yan.
04:53Sana nga.
04:54Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
04:57para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:00Huwag magdalawang isip.
05:02Ask me, ask Atty. Gabby.
05:05Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GME Public Affairs YouTube channel?
05:10Bakit? Mag-subscribe ka na, dali na!
05:13Para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:16I-follow mo na rin yung official social media pages ng unang hirit.
05:20Salamat kapuso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended