Skip to playerSkip to main content
Aired (March 1, 2026): PASYAL TAYO SA LIMASAWA SA SOUTHERN LEYTE, NA BUKOD SA MALA-PARAISONG KARAGATAN, HITIK RIN SA MAKULAY AT MAKASAYSAYANG NAKARAAN

Sa lugar na ito, noong March 31, 1521, idinaos ang kauna-unahang Catholic mass sa bansa. At dito nagsimulang umugat ang pananampalatayang huhubog sa pagkakakilanlan ng milyon-milyong Pilipino.

Dito sa Timog Leyte, matatagpuan ang isla ng Limasawa na ngayon, nanghahalina rin sa mga turista!

Sa mga naghahanap ng mapapasyalan ngayong Summer, panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:02LF looking for next summer destination sa dulo ng latest sa Makasaysayang Isla ng Limasawa.
00:15Sa gitna ng kabisayaan, may isang maliit na isla na tahimik na nakatayo sa Agos ng Kasaysayan.
00:24Isang piraso ng lupa na hindi lang napapaligiran ng dagat, kundi ng alaala.
00:34Dito, noong March 31, 1521, idinaos ang kauna-unahang misa sa buong bansa at dito nagsimulang umugat ang pananampalatayang huhubog
00:46sa pagkakakilanlan ng milyon-milyong mga Pilipino.
00:49Dito, sa Timoglite, matatagpuan ang duya ng Kristyanismo sa Pilipinas.
00:58Ito, ang Limasawa.
01:04Sa paglipas ng ilang siglo, ang buhay sa isla nananatiling payak at payapa.
01:12Wala ito sa radar ng karamihan ng mga turista, pero ang natural nitong ganda na minsan ang bumihag sa mga
01:20dayuhang mananakok na panatili at ngayon nang hahalina sa mga bisita.
01:26Ang jump-off point para marating ang Limasawa Island, ang pantalang ito sa bayan ng Padre Burgos.
01:34Dito, maaaring sumakay sa mga pampasaherong bangka o hindi kaya sa mas malalaking lansya, 200 pesos kada tiket.
01:43Kailangan talaga maaga. Pag hindi na nabilang, hindi na makasakay.
01:45Yung last trip natin, alustres ng hapon.
01:48Let's go!
01:54Makalipas ang mahigit kalahating oras, mararating na ang makasaysayang isla ng Limasawa.
02:01Sa pantalan pa lang, hindi na mapigilang magtampisaw.
02:05Ang tubig kasi, crystal clear.
02:07I-KMGs na yan!
02:12Ang Limasawa, ang pinakamaliit na bayan sa probinsya ng Southern Leyte.
02:17Tahinik at mabagal ang buhay dito.
02:20Walang mga magagarang hotel o high-end resort.
02:23Wala rin jeep o bus.
02:25Ang pangunahing paraan ng transportasyon, motor at tricycle.
02:30Yung pamasaya po dito sa isla is sampo.
02:33Tapos pag pumunta tayo sa kabilang barangay, 25.
02:35Then pag dulo-dulo, 60 fairhead.
02:39Pero dahil walang traffic, masaya rito mag-road trip.
02:43Sakay ng habal-habal.
02:46500 to 700 pesos ang renta kada buong araw.
02:51One to sawa mo ng malilibot ang isla.
03:03Isa sa mga sikat na stopover dito, ang tinatawag nilang Little Batanes.
03:09We're happy na mayroong ganitong scenic view.
03:11Naririnig na namin yung tunog ng Uwana.
03:14Uwe, uwe!
03:23Pero kung may perfect spot daw para makita ang 180 degrees na view ng isla,
03:32ito'y sa Totoy Peak.
03:34Let's go!
03:35Ay, ayan na!
03:36Wow!
03:54Yung medyo struggle na paakyat, sobrang sulit pagdating namin dito.
03:58Kung may one word kaming i-describe for this, ito ay,
04:01Wow!
04:03Derived po sa language namin, Totoy means breast po siya.
04:07Kasi kung titingnan nyo, yung bundok is para talaga siyang breast na may nipple
04:12kasi may bato siya sa tuktok ng bundok.
04:20Kung peace and quiet vibe ang hana, pwedeng magliwaliw sa resort na ito
04:26kung saan putim-puti ang buhangin.
04:28Para ka raw nasa isang exclusive resort o island.
04:32Pero, hindi sing mahal.
04:34Ang entrance fee kasi, 50 pesos.
04:37Ang ne-ari nito, si Norman.
04:39Bago po ito nabili noong 2007, noong high school pa ako,
04:43dito kami nakatira malapit.
04:44Yung lupa hindi sa amin, nagtayo lang kami ng bahay.
04:47Pero, nag-drawing-drawing ako ng mga sa beach, may mga hats.
04:51Pero hindi ko alam na baka magkatoto.
04:55Ang magkaibigang Beth at Zoe mula United Kingdom, dito piniling magbakasyon.
05:04It's very off the grid.
05:06I think it's a lot less populated.
05:08Quite rural but authentic.
05:10For me, sometimes it's not always about going to the most famous spots
05:13but finding the places that are the most untouched.
05:16It feels like the whole place is exclusive.
05:17It's unreal.
05:18Right in front of the beach with that view every morning.
05:21Well, what else could you ask for?
05:28Kung thrill at adventure naman ang trip,
05:31punta na sa barangay San Agustin.
05:33Hanapin lang ang matarik na daang ito.
05:36Baybayin pababa.
05:43Hanggang marating ang malaparaisong island lagoon.
05:48Ang naglalakihang rock formations,
05:51tila bumuo ng isang natural swimming pool.
05:57Pwede rito magkayak o banana boat ride.
06:03Kayak po, 250.
06:05Tapos may floating mat din po kami na 300 pesos po per hour.
06:09Ngunit para sa mga atapang atao,
06:12pwede rin ditong mag-cliff jumping.
06:32Yung nakakahalina kasi na limasawa yung lagoon talaga.
06:36Napakalinaw ng tubig.
06:37Affordable.
06:38You don't have to spend a lot just to enjoy sulit.
06:41Ang solo traveler mula Makati at fresh from breakup daw na si Alex dito sa lagoon na piling mag-move
06:50on.
06:51Nag-heal galing sa five years na relationship na uwi sa breakup.
06:55Sa limasawa po kasi yung sobrang tahimik.
06:58Kapag nagahanap ka ng peace of mind, sobrang perfect niyang puntahan.
07:04Sa bahaging ito naman ng isla,
07:07ang pinaniniwalaang dinaungan ni Ferdinand Magellan noon,
07:11ang Magallanes Port.
07:15May itinatago rin ganda sa ilalim nito.
07:26Underwater playground ng mga freediver.
07:34Kapag suinerte, lumilitaw ang mga dolphin.
07:38Pero ang puso raw talaga ng limasawa island,
07:41ang napakahalagang papel nito sa ating kasaysayan.
07:45At ang nagsisilbin itong paalala,
07:48ang museum na ito na itinayo sa pinakasagradong lugar,
07:52ang spot kung saan ginanap ang pinakanaunang misa sa bansa taong 1521.
07:59Ito ang National Shrine of the First Mass.
08:03Yung national government,
08:04nilagyan na po ng museum itong Barangay Magellanis
08:07para magsilbing landmark kung saan talaga yung First Mass of the Philippines.
08:12During March 31,
08:12celebrate kami ng mesa dito.
08:14Maraming pumupunta dito ng deboto.
08:18Sa dulo ng hagdang ito,
08:20na may 450 steps,
08:22nakatindig ang sariling bersyon
08:24ng Magellan's Cross ng mga tigal limasawa.
08:28Sa mismong lugar daw na ito,
08:30iniutos ni Ferdinand Magellan noon
08:32na ipatayo ang krus
08:34para maging simbolo ng Kristyanismo.
08:37Reminder siya na yung faith starts from small beginning
08:40na nag-start lang sa islang to,
08:42pero biglang lumaki,
08:43lumawak yung pananampalatayan ng Kristyanismo dito sa Philippines.
08:48Doon sa Humunhon,
08:49nagtanong si Magellan,
08:50saan kami pupunta next?
08:51Binigyan sila ng direction.
08:53You go through,
08:54nang dumating na sila sa southern tip sa panahon,
08:57may nakita silang light.
08:58Yung original name ng limasawa ngayon is Masawa.
09:03Masawa in itself is a butuanon word for bright light.
09:07They stayed about one week.
09:09Nag-decide na sila that they will celebrate
09:11kasi importante yung Easter sa Catholic Church.
09:14Simula nang nagkaroon ng turismo dito sa isla namin,
09:17hindi na masyadong mahirap maghanap ng trabaho.
09:20Meron kami mga coastal clean-up,
09:22every barangay.
09:22Bawal talaga ang magtapon ng basura sa mga dagat.
09:25Smoking free kami dito.
09:26We're making some preparation
09:29para sa mga turista na dadagsa
09:32sa darating na mga taon.
09:33Sa mga nagbabalak ng mga turista
09:35na pumunta sa isla Limasawa,
09:36sana po ay kung anong pangangalaga namin sa isla
09:39ay ganyan din ang inyong gawin
09:40para po at ma-preserve pa natin
09:42kung anong ganda ng limasawa.
09:44Sa mga nagpaplano riyan ng summer getaway,
09:48kung ang trip nyo off the grid na pasyalan
09:53o yung hindi dinarayo at lugar ding hitik sa kasaysayan,
10:00hinding-hindi ka magsasawa
10:02sa ganda ng limasawa.
10:10Thank you for watching mga kapuso.
10:13Kung nagustuhan nyo po ang videong ito,
10:15subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel
10:19and don't forget to hit the bell button
10:22for our latest updates.
Comments

Recommended