00:00Music
00:01Music
00:09Hindi magkamayaw sa pagkata ng dahon ng mga uud na ito.
00:16Para bang may buffet o magtipon?
00:19Ang pangmalakasang pagkain, parte ng kanilang paghahanda para sa susunod nilang misyon.
00:26Ang paggawa ng isa sa pinakamahal na tela sa mundo.
00:37Tatlong linggo, ganyan katagal na walang sawang kumakain ang mga dahon ng mga uud sa isang pasilidad sa Benguet.
00:46Tumpok-tumpok ng dahon ng malberry ang kanilang pinagsasaluhan.
00:51Kailangan kasi nilang magpalakas at maghanda.
00:55Ang mga uud na ito, hindi pangkaraniwan.
00:58Sila ay mga silkworm.
01:00Isang uri ng caterpillar na kayang maghabi ng material.
01:05Na ginagawang silk o seda.
01:07Ang isa sa pinakamahal na tela sa buong mundo.
01:12Binisita ko ang bahay ni Joseph.
01:14Dito niya inaalagaan ang nasa 3,000 silkworm.
01:18Dito lang kinakain nila.
01:20Ito lang yung gusto nila.
01:21Oo, wala nang iba.
01:22Yung malberry pala, magaspag yung ano.
01:25Parang isiis, yung dahon nang isiis yung panglilis natin sa probinsya sa mga paldero.
01:30So, ito yung gustong kainin ng ating mga laba.
01:32Wala nang kinakain nila, wala nang iba.
01:35So, sa isang dahon, may kukupisa sila dun sa gilid.
01:38Ito, sa ganito na dahon, sa gilid ng dahon, kinakain nila isa-isa hanggang sa maubos nila yung buong dahon.
01:45Kaya makikita mo, yung isang ganitong dahon, sabi nila, three times a day sila magpakain.
01:51Sa pagpapakain ng mga silkworm, dapat ito yung mga dahon lang ng malberry ang ibibigay.
01:57Kung basa yung dahon, magkasakit yung ano.
01:59Most likely because of fungal.
02:03Kasi, yung change in color, kapag mataas nga naman yung moisture content ng pinapakain natin,
02:09it breeds the growth of fungi, which eventually affects them.
02:15So, kapag naapektuhan sila, umamatay.
02:19Kaya binibitin namin yung kapagbasa, ganun na lang.
02:25Hanggang sa matuyo.
02:27Kain dito, kain doon.
02:33Pagkatapos ng tatlong linggo na one to sawang pagkain ng mga dahon ng malberry,
02:39pupunta na ang mga silkworm sa bagong yugto ng kanilang buhay.
02:43Nagahanap na ng pwesto ang mga silkworm para gumawa ng kanilang kukun.
02:48Ang malasapot nilang tirahan.
02:53Sa bibig ng mga silkworm, may organ kung tawagin ay spinneret.
02:58Dito lumalabas ang tila laway na gawa sa protein na februin at ang malakit na glue na tinatawag na sericin.
03:05Kapag nahanginan ang likidong ito, umitigas at nabubuo ng parang sapot.
03:11Magpapaikot-ikot ang silkworm sa isang napakahabang sinulid para balutin ang katawan nito sa ginagawang kukun.
03:20Sa puntong ito, magbabago na dapat ang katawan ng silkworm sa lood ng kukun.
03:26Dito na siya tutubuan ng pakpak para maging silk moth o gamu-gamu.
03:31Matapos ng tatlong linggong walang sawang pagkain ng mga dahon ng malberry,
03:36nagpakabusog at nagpalakas ang mga uod na ito.
03:40Handa na sila para itago ang mga sarili sa malasapot nitong kukun.
03:46Ito ang mga silkworm.
03:49Limang libong taon na ang nakararaan, nang naimbento ang paggawa ng silk sa China.
03:55Noon pa man, silkworms na ang ginagamit sa paggawa ng mamahaling tela.
04:01Pero dahil naging domesticated na sila,
04:04hindi pa maging gamu-gamu ay hindi na nila kayang makalipad at mabuhay sa wild.
04:10Ang kukun ng silkworm, gawa sa napakahabang sinulid.
04:14Ito ang magiging material para gawing silk.
04:17Naririnig mo na na may laman sa loob.
04:19Ibig sabihin yung kukun, etong kukun na ito, yung laman sa loob dried na rin.
04:24Dahil dry na siya, yung dating larva natin, ayun na, nasa loob na, nag-dry up na.
04:31Alam nyo ba, kapag hinimay-himay natin yan, na yung mga hibla tayo makukuha dyan eh,
04:36kaya niyang umabot ng 800 to 1,500 meters.
04:41Isa't kalahating kilometro, yung pinakamahaba.
04:44Karabing haba, no? Ginawa lang niya yan for three days.
04:48Mula Benguet, dadalhin sa La Union ang mga kukun para iproseso.
04:52Talagay nila dito sa mga makina kagaya nito at ibababad nila sa tubig para lumambot.
04:56Kailangang ibabad at pakaluan ang mga kukun para makuha ang silk fiber na nakabalot dito.
05:02The gumming ang tawag sa prosesong ito.
05:05Importante raw ito para masigurong hindi mapuputol ang sinulid mula sa kukun.
05:10Sa loob niyan, naandyan yung pupa.
05:13Dahil kinuha natin sila, hindi na nila na-complete yung life cycle nila.
05:19Reeling naman ang tawag para mapaghiwahiwalay at maging sinulid ang silk fiber.
05:26Ang daming proseso mula dun sa kukun, mula dun sa pag-harvest natin.
05:32Saka ito'y ahabi hanggang sa maging tela.
05:37Sa tala ng International Sericultural Commission, China ang nangungunang silk producer sa buong mundo.
05:44Higit 50,000 metric tons ng silk ang naproduce nito noong 2024.
05:50Pumapangalawa ang bansang India.
05:52Sa Pilipinas, may demand man sa seda.
05:56Isang tonelada lang ang kayang iproduce ng bansa sa ngayon.
05:59Kailangan pa rin ng mas malaking investment at suporta para mas mapalago ang industriya ng sericulture o ang paggawa ng
06:07silk.
06:07Ito ay hindi katulad ng polyester na hindi nade-degrade.
06:11Ang ating silk ay nade-degrade in time.
06:15Kung susuriin, kontrabersyal ang paggawa ng seda.
06:19Kaya may ilang mga grupong tumututol sa patuloy na paggawa nito.
06:23Lalo pat isinasakripisyo ang mga silkworms para lang makabuo ng sinulid.
06:29Isa sa sinasabing alternatibo ay ang ahimsa silk o cruelty-free silk.
06:35Sa paggawa nito, kinukuha at hinahabi lang ang mga silk fibers kapag iniwan na ang kukun at naging gamugamu na
06:43ang silkworm.
06:44Ngunit kailangang wild moths ang magproduce nito.
06:48Ibig sabihin, hindi kontrolado ang dami ng magagawang tela at mas matagal daw ang iintayin.
06:56Iba rin daw ang kintab at kalidad ng ahimsa silk kung ikukumpara sa domesticated na silkworm.
07:05Ayon naman sa investigasyon ng Beauty Without Cruelty, isang NGO sa India, talamak daw ang paggawa ng sinasabing ahimsa silk.
07:13Ngunit hindi naman totoong cruelty-free.
07:16Ayon sa kanila, ang mga moths na kumawala na sa kukuns ay pinipilit daw na magbreed.
07:22Finifreeze ang mga lalaking gamugamu kung kaya pa nitong magparami.
07:26Habang ang mga babaeng gamugamu naman ay pinapatay na lang matapos itong mga itlog.
07:32Sa patuloy na paglago ng industriya at ang paggawa ng seda, sana'y mas mabilis na dumating ang panahon.
07:39Nawala ng buhay ang masasakripisyo, mapatao man o sa mga uod.
07:44Maraming salamat sa panunod ng Born to be Wild.
07:48Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
07:52mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.