00:01Sa malawak na kagubatan at himpapawid, sila ang nagahari.
00:12Maswerte raw kapag ang ibong ito ang nasilayan, kilalang matikas, matapang, at namamayagpag sa paglipad, ang Philippine Eagle.
00:31Pero karamihan sa kanila, hindi nakakaligtas sa trahedya.
00:41May ilang nabaril, inuhuli at ang iba, gaya ng dalawang huling napabalita, kuryente ang nagwakas sa kanilang buhay.
00:52May pag-asa pa ba na maagapan ang pagkaubos ng kanilang pamilya?
01:027,000 ektarya ng kagubatan ang kailangan ng kada pamilya ng Philippine Eagle.
01:12Sinubukan ang aming team na hanapin ang isang pamilya ng agila sa bundok ng Kandalaga sa Maragusan, Davao de Oro.
01:20Today, we will start climbing the mountains para mawitness natin yung pagtatag sa Philippine Eagle.
01:29Isinusulong ang lugar na ito para maging critical habitat.
01:33Para higit na maprotektahan ang mga hayop na makikita rito.
01:38Lahat ng pagod na ito para sa ating haring agila, the Philippine Eagle, patuloy nating pro-protektahan, pag-aaralan para
01:50lalong mag-survive siya sa sitwasyon natin ngayon.
02:00Sa visa ng gratuitous permit mula sa DENR, pinapayagan ang PEF na magtag o maglagay ng GPS tracker sa katawan
02:11ng agila.
02:12Paraan ito para mapag-aralan at matrack ang galaw ng mga ito.
02:17Dito na ginagawa yung observation. Dito tayo pa pesto.
02:25Napakahalaga na makita natin ang lugar kung saan namumugad ang Philippine Eagles.
02:30Ang Philippine Eagles ay very loyal sa kanilang mga nesting sites.
02:35In fact, itong mga nest sites ay ancient or mga matatanda na mga nesting sites.
02:41Paulit-ulit itong ginagamit ng mga Philippine Eagles across generation.
02:45At kapag hindi mo sila naprotektahan, dyan din sila pwedeng barilin at hulihin ng mga tao.
02:51Sa kabila ng mga mayayabong nakagubatan,
02:55may naitalang nasa higit tatlong daan na pares na lang ng mga agila sa bansa ang Philippine Eagle Foundation.
03:03Sa lingit ng bilang na ito, nananatili silang critically endangered mula pa noong 1994.
03:11Ang pagkakalbo at nauubos na kagubatan ang pangunahing dahilan kung bakit bumababa ang kanilang bilang.
03:20Ayon sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resource Conservation and Protection Act,
03:28maaring patawan ng 6 na taon hanggang 12 na pagkakakulong at multa
03:35ng hindi bababa sa isang daang libong piso hanggang isang milong piso
03:40at sinumang iligal na humuli, pumatay at gumawa ng krimen kaugnay sa mga agila.
03:48Ang agilang sinasalay at libertad naman,
03:52direktang namatay dahil sa pagkakuryente.
03:55Isang female juvenile na Philippine Eagle sinasalay at libertad
03:59nakuha rin kay libertad ang dalawang airgun metallic pellets.
04:05Si Salay, tinatayang nasa limang taong gulang na ito at naghahanap ng hunting ground.
04:11Isinunod ang pangalan nito sa bayan kung saan ito natagpuan.
04:17Para mas solusyonan ang patuloy na pagbaba ng Philippine Eagle sa Pilipinas,
04:23nagsasagwa ang PEF ng Cooperative Artificial Insemination Project sa mga captive breeding Philippine Eagle,
04:30ang pogi na 15-year-old Philippine Eagle at makikita sa isang libong pisong papel na si Vigo,
04:37isa sa mga semen donor na sinusabaybayan ng keeper na si Dominic.
04:43Si Vigo, siya yung ating 23rd na Philippine Eagle produced in captivity, so from natural pair.
04:53Minsan ang sinubukan pakawalan sa wild si Vigo.
04:56Na-divert yung atensyon ng ating Philippine Eagle na si Vigo instead na doon siya sa mga wild animals mag
05:03-hunt as their natural prey item.
05:05Doon na po siya kasi mas madaling hulihin yung mga cats, dogs, chickens.
05:10Ang ginawa natin, niretreeve natin siya kasi not to compromise its safety.
05:14The bird will become like easy target for illegal hunters kasi medyo hindi na siya ganun ka mailap sa mga
05:21tao.
05:21Dahil malaki ang tsansa na mahihirapan si Vigo sa wild, muli itong ibinalik sa pasilidad.
05:29Kasama ang iba pang captive human imprinted Philippine Eagle gaya na si Sinag.
05:36Naging katuwang sila ng PEF para maging donor.
05:41Tuwing breeding season, kinokolekta ni Dominic ang mga similya mula kay Vigo at Sinag.
05:48Papasok na tayo doon sa facility ni Sinag.
05:51We're all sterilized.
05:54Ganun, ganyan kaingat para maprotektahan itong mga Philippine Eagle natin.
06:00Sinag, ito yung tatay ni Bayani.
06:08Ito'y a big male.
06:10Ilan taon ito si Sinag?
06:12Nasunoyin.
06:14Ito ang ginagamit na pasilidad sa pag-aaral at pagpaparami ng Philippine Eagle.
06:21May tatlo na Philippine Eagle na ang nabuo mula kay Sinag.
06:27Kabilang na ang sikat na iglet online na si Bayani.
06:40Oh, nice to meet you, Bayani.
06:53Bayani, you will be a true hero.
06:57So, pakita mo na may pag-asa pa ang Philippine Eagle.
07:04Okay, Bayani.
07:06Alright, yes.
07:08We'll move you now to the imprinting cage.
07:19Ang mga naipong similya na mga donor, itinatago ng PEF sa isang laboratoryo.
07:25We're so lucky to be allowed in this restricted area.
07:30Ito yung isolation.
07:32And walang mga tao dapat nakikita yung mga agila dito, yung mga Philippine Eagle.
07:38Twin breeding season, saka ito'y binibigay sa babaeng Philippine Eagle.
07:44Sa unang pagkakataon, pinayagan kami na makita kung paano ang proseso nito.
07:51So, dinala tayo ni Sir Dom dito sa kanilang laboratory.
07:55Sinecheck yan every now and then para malaman yung level ng liquid nitrogen.
08:00Mas matindi yung mga kinikip na similya dito, similya ng Philippine Eagle.
08:06One of the most endangered raptors in the world, ano?
08:09This is one way of conserving them.
08:12Masinsin na sinusuri ni Dominic ang mga similya.
08:16One minute.
08:16Okay, so...
08:18Tinitignan kung nag-liquify na.
08:20Okay, so ito yung semen.
08:21Ito, ito, ito.
08:23Ayan, nag-transparent na.
08:24Oo, yung nasagit na.
08:25So, ibig siya nag-thaw na siya.
08:27More than half of the straw.
08:30By just holding it, magiging warm para magising yung semen.
08:34Wow, hawak ko yung semen ng pinaka-endangered na raptor.
08:41Do you want or need it?
08:42Gising na yung mga similya ni Sinag.
08:45Oh, wow.
08:47This is my first time to see.
08:48Halos similar din, ano?
08:50Mas mahaba lang itsura nila.
08:53Sa mammals, o.
08:55Isa lang kailangan natin mabuhay,
08:58makapag-fertilize ng egg,
08:59and magiging Philippine Eagle na siya.
09:04So, imagine how important
09:05ang pinapanood natin dito.
09:08First time natin na-document
09:09itong pag-examine ng semen ng Philippine Eagle.
09:16And talagang natutuwa ako.
09:20So, this is the future of the Philippine Eagle
09:25na dineveloped ng Philippine Eagle Foundation.
09:28So, yun yung siya yung ating first na eaglet,
09:31a hatch in captivity, si Pag-asa.
09:33And then the next, pagkakaisa.
09:35And then up until 32 eaglets that we produced here.
09:39So, out of the 32,
09:40meron tayong asampok na galing sa CEI.
09:45Sila po ay slow maturing birds.
09:48Kailangan pang umabot ng 5 to 7 years
09:50bago mag-reproduce by itself.
09:53And then, yung reproduction naman
09:55in terms of their number of eggs
09:58in every clutch,
09:59isa lang po.
10:00Kung tutusin,
10:01one every two years in the wild.
10:06Baon ang aming pag-asa,
10:08matiga naming inabangan
10:10ang pamilya ng Philippine Eagle sa Maragusan.
10:14Maya-maya pa,
10:17isang malaking ibon
10:18ang aming naispatan.
10:21Oh my gosh.
10:22We got it.
10:23Today is a lucky day.
10:25It's our first day.
10:26And we were able to spot
10:29an adult Philippine Eagle.
10:32Sumisilip sa atin.
10:34Swerte tayo.
10:35Ito yung nanay daw, ano.
10:37Yan yung anak nandun.
10:39Hahatira niya ng pagkain
10:41kung meron siyang nakuha.
10:43The big question is,
10:45ano yung pray niya?
10:46Kahit umaambon,
10:48steady lang siya.
10:49Ang ganda ng perch niyo.
10:51Kung lapad ng likod.
10:56So majestic.
10:58Our Philippine Eagle.
11:05Nagpakita man ang agilang ito,
11:08bigo kami makabitan ito ng tracker.
11:12Ang agila kasi,
11:14piniling mamahinga
11:15sa malayo at mataas na puno.
11:18Maraming salamat sa panunood
11:19ng Born to be Wild.
11:21Para sa iba pang kwento
11:22tungkol sa ating kalikasan,
11:25mag-subscribe na
11:26sa GMA Public Affairs
11:28YouTube channel.