Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Inaresto sa isang entrapment operation ang internet personality na si Franco Mabanta kaugnay ng reklamong robbery-extortion. Iniuugnay siya sa umano’y pangingikil kapalit ng hindi pagpapalabas ng isang video laban kay dating House Speaker Martin Romualdez. Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, grabe na ang mga pangyayari sa bansa.
00:04Araw-araw yata may breaking news.
00:07At eto nga, nakakita na naman tayo ng mali-maletang pera.
00:13Mainit na pinag-uusapan ngayon ng pagkaka-aresto sa internet personality na si Franco Mabanta.
00:20Sa isang entrapment operation na huli si Mabanta,
00:24sinampahan siya ng reklamang robbery extortion dahil sa umano'y pangingikil kay dating House Speaker Martin Romualdes.
00:32Lahuli rin ang apat na iba pa sa pangihingi umano ng 300 milyong piso kay Romualdes
00:39kapalit ng paglabas na isang video laban sa kongresista.
00:44Si Mabanta, mariing itinanggi ang aligasyon.
00:47Pag-usapan natin ang kasong ito, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:55At attorney, pakipaliwanag nga ano ba itong extortion na kaso
01:00at paano kung ganoong kalaki na milyong-milyon ang involved na halaga.
01:05Well, yung extortion actually po ay isang general term, umbrella term siya
01:11para sa lahat ng paraan ng pangingikil.
01:14Yung pamimilit sa isang tao nang magbigay ng pera
01:17o gumawa na isang bagay na hindi niya sana gagawin
01:20kung hindi sa pagbabanta o threat ng akusado na gawin niya ito.
01:24Otherwise, may mangyayaring hindi ka nais-nais.
01:28Kung babasahin po ninyo ang revised penal code o mga special laws natin,
01:33hindi ginagamit ang salitang extortion bilang isang krimen.
01:36Pero maraming forms of extortion depende sa kung sino ang nangingikil
01:42at kung paano at kung ano ang kapalit kung meron mang palitan na nangyari.
01:48So halimbawa, ganito po ah, kung ang sinabi ay
01:51bayaran mo ka ng isang daang milyon kung hindi ilalabas ko ang video mo
01:55at nagbayad ng isang daang milyon,
01:59robbery with force and intimidation ito
02:01or robbery with extortion sa ilalim ng Article 294 ng revised penal code.
02:07Of course, kung hindi pa nagbabayad, andun pa lang tayo.
02:11Kung hindi ka nagbayad ng 100 milyon, ilalabas ko ang video mo.
02:15Dun pa lamang, krimen na ito ng grave threats.
02:18Of course, kung humihingi ng kabayaran ay isang public official
02:22tulad nga ng mga senador, congressman, government employee o yung police.
02:27Nagiging bribery or suhol naman.
02:30Diba? Katulad nung pag hindi mo ako binigyan ng 100 pesos, titikitan kita.
02:36Or pag hindi mo ako binigyan ng isang milyon,
02:39hindi kita i-issuehan ng permit dyan sa mga government agency.
02:42So actually, ang tawag naman dito ay,
02:45nung iba, dito sa extortion na ito ay pangungoto nga.
02:49Or kung hindi naman pera ang hinihingi,
02:51pero namimilit at nagbabanta ng masamang mangyayari.
02:55Halimbawa, kung hindi ka mag-resign sa trabaho mo na yan, papatayin kita.
02:59Ito naman ay krimen ng grave coercion
03:02sa ilalim ng Article 286 ng Revised Penal Code.
03:06So lahat po naman nabanggit natin ay mga forms of extortion,
03:10whether tawagin natin pangingikil, pangungotong,
03:12or robbery by intimidation or extortion.
03:16So ano ngayon ang penalty?
03:17Ang penalty para sa robbery with intimidation or extortion,
03:22ika nga, ay presyon mayon maximum hanggang reclusion temporal medium,
03:27which is 10 years and 1 day to 17 years and 4 months.
03:31Sa robbery, hindi masyadong tinitingnan ang amount na nanakaw.
03:35Sa theft kasi, depende ang penalty sa kung magkano ang nakuha.
03:41Ang nakakabigat ng penalty, ang pamamaraan, epekto o degree ng karahasan involved
03:47na dito sa pagnanakaw.
03:49Kaya't mas mabigat po ang penalty ko ito ay robbery with homicide.
03:53Halimbawa, robbery with rape, robbery with physical injuries.
03:57Itong mga pamamaraan na ito o yung nakasamang mga degree ng pananakit
04:03dun sa biktima ang siyang nakakataas dun sa penalty
04:06at hindi yung amount na nakuha.
04:08So, yung robbery with intimidation or extortion pa rin,
04:12ang krimen ang tawag dito at pareho nga ang penalty
04:15whether ang perang nakulimbat ay 100 pesos or 100 million pesos.
04:21Of course, kung ang krimen ay nagawa gamit ang mga computer system
04:24o ang internet, mas bibigat ang penalty ng kulong by one whole degree
04:29dahil nga sa ating anti-crime, anti-cybercrime law.
04:35Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw, bawal magnakaw.
04:40Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:44Ask me, ask Atty. Gabby.
04:47Wait! Wait, wait, wait!
04:50Wait lang! Huwag mo muna i-close.
04:53Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
04:56para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
04:59I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang hirit.
05:04Thank you! Sige na!
Comments

Recommended