Skip to playerSkip to main content
  • 1 hour ago
Aired (July 3, 2026): Isang traffic enforcer ang nabundol habang nagmamando ng trapiko, habang isang pasahero naman ang nahulog mula sa isang jeep sa magkahiwalay na insidente. Ano ang posibleng pananagutan ng mga sangkot ayon sa batas? Alamin kasama si Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.

Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, doble ingat kapag kayo ay nasa labas para hindi magaya sa mga aksidenteng ito na caught on cam.
00:11Sugata ng isang traffic enforcer matapos mabundol ng SUV habang nagmamando ng trafico sa isang intersection sa Cebu City at
00:21muntik pang magulungan ng SUV ang enforcer.
00:24Sa halip na huminto, sa utos ng enforcer, nagpatuloy pa rin ang driver ng SUV sa pag-andar kaya tumilapon
00:33ang traffic enforcer na nasa kanyang harapan.
00:36Nagtamo ng mga sugat sa kamay ang traffic enforcer dahil sa nangyaring insidente.
00:42Sa investigation ng Cebu Transportation Office, iginiit ng driver na hindi niya umano nakita ang traffic enforcer.
00:51Kumbuti na lang may CCTV.
00:53Isang aksidente pa sa kalsada caught on cam.
00:57Ang lalaking nahulog sa isang pampaserong jeep sa Aurora Boulevard sa Quezon City.
01:03Sa dashcam video ng Road IPH Facebook page na kunsaan in-upload online ng Land Transportation Office o LTO,
01:12makikita ang pag-swerve ng jeep na ako hanggang sa mahulog ang pasahero.
01:18Kaya naman nagpagulong-gulong ang kanyang pasahero mula sa jeep.
01:22Base sa poonang investigasyon, hindi umano huminto ang driver para tulungan ng biktima.
01:28Suspendido ang lisensya ng driver ng patok na jeep.
01:33Ang mga insidente niya ng ating pag-uusapan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:45Attorney, sa video ng nabundol na enforcer, sinabi ng SUV driver na hindi raw niya nakita ang enforcer kaya niya
01:53ito nabundol.
01:54Ano nga bang sinasabi ng batas dito, lalo at tagapagpatupad ng batas trapiko pa mismo ang biktima?
02:02Well, sa batas, hindi sapat ang pagsasabing, hindi ko siya nakita para makaiwas sa pananagutan.
02:08Obligasyon ng bawat motorista na maging maingat at laging alerto habang nagmamaneho.
02:14Kung mapapatunayang aksidente ay bunga nga ng kapabayaan ng driver, maaari siyang managot sa kasong reckless imprudence resulting in physical
02:23injuries sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code.
02:28Siyempre, mukhang hindi naman niya sinadya talaga. Sana nga.
02:32Bukod dito, obligasyon din ng mga motorista sa ilalim ng Land Transportation Traffic Code o RA4136 na sumunod sa lawful
02:41orders ng mga traffic enforcer.
02:42Maaari rin magkaroon ng administrative sanctions mula sa LTO, depende sa resulta ng imbestigasyon.
02:49Pero actually, kung titignan naman ang video, medyo mahihirapan po tayong maniwala na hindi nakita ng driver ng enforcer eh
02:57dahil naman nasa harap mismo ng sasakyan.
03:01In fact, tumigil na nga ito, di po ba? Kasabay pa nung kotsing katabi.
03:05Meron kasi siyang, meron kaya siyang matinong eksplanasyon para patunayan ng kanyang depensa.
03:11Parang mahihirapan siya dito.
03:13Meron ding balita na meron na palang instruction mula sa doktor na huwag daw muna mag-drive.
03:19Naku again, kung totoo, ito ay maaaring gamitin biglang tanda ng matinding pagpapabaya.
03:25Dahil nga, meron na palang instruction eh nag-drive pa rin.
03:29Alam po natin ang matinding pinsala na maaaring idulot ng isang sasakyan sa katawan ng isang tao, kaya't malaki talaga
03:37ang posibleng pananagutan ng isang driver sa biktima on the road.
03:42Sa pangalawang video, nakakabigla rin ang nangyari.
03:46Ano naman po ang habol ng mga pasayarong sumasakay ng jeep o iba pang public utility vehicle sakaling mangyari ito
03:53sa kanila?
03:54Well, kapag sumasakay po tayo sa jeep o anumang pampublikong sasakyan, mas malaki ang responsibilidad ng mga PUV na ito
04:01na dalin tayo ng maayos, payapa at buo sa ating destinasyon.
04:08At hindi po sa final destination o huling hantungan, di po ba?
04:13Ito ay dahil may tinatawag tayong contract of carriage pag sumasakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep, taxi, bus,
04:22bapor o eroplano pa man din yan.
04:24In fact, iba ang standard of care na required sa kanila.
04:27Sa ilalim po ng civil code, inaatasan ang mga common carrier na magpakita ng extraordinary diligence o ang pinakamataas na
04:37antas ng pag-iingat.
04:39Kung may mapatunay ang kapabayaan at may nasugatan, maaaring managot ang driver at operator sa pagbabayad ng danyos gaya ng
04:47medical expenses at iba pang pinsalang naranasan ng pasahero.
04:51Maaaring din magkaroon ng liabilidad for lost income kung hindi makapagtrabaho ang biktima gawa ng aksidente.
04:59Bukod dito, maaaring din magsampan ang reklamo sa LTO, maaaring pag-isipan kung dapat bang suspindihin o i-revoke o
05:07hindi ang lisensya ng driver.
05:09Dapat tingnan kung meron na bang masamang prior record ang driver sa pagmamaneho.
05:14Maaaring din tingnan ng LTFRB ang record ng prangkisa at operator ng jeep na ito.
05:21Maaaring din ma-suspindi o ma-revoke ito kung puro violation naman pala at aksidente.
05:26Masasabi natin ang kasalanan ng driver ay matuturing na kasalanan din ng operator dahil mas importante ang safety ng publiko
05:35at obligasyon ng operator na tama ang pagpapatakbo ng kanyang mga public utility vehicle.
05:43Tandaan ng pagkakaroon ng driver's license at ng prangkisa para mag-operate na isang public utility vehicle ay hindi po
05:51isang karapatan kundi isang pribileyo lamang.
05:54Kaya't maaaring po itong bawiin at any time kung merong pagduda tungkol sa kanyang safety sa general public.
06:02Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
06:05Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me, ask Atty. Gabby.
06:24Follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
06:28Salamat ka puso.
Comments

Recommended