Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Babala sa mga magrerenta ng sasakyan ngayong summer outing. Isang live-in partner sa Pampanga ang sangkot umano sa rent-tangay modus kung saan hindi na ibinabalik ang nirentahang sasakyan. Ano ang dapat gawin para makaiwas sa ganitong scam? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong tag-init, uso na ang mga summer outing.
00:05At sa mga malalaking grupo na mag-outing, uso dyan yung rentahan ng mga jeep o mga van papunta sa
00:12mga resort.
00:13Pero ingat sa mga nagpaparenta sa Pampanga, isang mag-live-in partner ang may modus na tinatawag na rentangay.
00:22Ang kanilang umanong puntirya, mga sasakyang ginagamit pang-outing.
00:27Ayon sa HPG o Highway Patrol Group, sina Elia Stewart at Elia Stintin, nagbebenta umanong ng sasakyang walang kaukulang papeles.
00:38Wanted din palang asawa sa nauusang umanong rentangay na modus ngayon at ang kanilang umanong target, passenger vans na pang
00:47-excursion o yung mga pang-outing.
00:49Sasabihin daw ng mga ito na gagamitin sa bakasyon ng sasakyan ng 2 to 3 days hanggang isang linggo at
00:57bibigyan ng malaking rental fee.
00:59Kapag bumigay na ang nagpaparenta, hindi na ibabalik ang sasakyan.
01:04Ang insidente niya ng ating pag-uusapan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:16Atty, ano ang pananagutan na ganitong magre-renta kunwari para mag-summer outing tapos tatang ngayon na pala ang sasakyan?
01:25Well, ang mga rent scam or rent tangay modus sa Pilipinas ay tinuturing na krimen at maaaring sampahan ng kaukulang
01:32kaso sa ilalim ng batas.
01:34Una na rito, ang kaso sa ilalim ng Republic Act 10883 or ang Anti-Carnapping Act of 2016.
01:42Alam natin na ang pagkuhan ng isang bagay na walang pahintulot ay isang krimen, di ba?
01:48Pero ito nga ay krimen ng theft or robbery o pagnanakaw.
01:52Pero ang pagnakaw na isang sasakyan na walang pahintulot ng may-ari
01:56o kung minsan ay may paggamit ng dahas or intimidation, ay may specific crime ng carnapping
02:02at dito, mas mabigat ang penalty kesa sa ordinaryong theft or robbery.
02:08Sa ilalim ng Anti-Carnapping Law, ang penalty ay 20 to 30 years for simple carnapping
02:13habang ang panghabang buhay na kulong naman kung ang may-ari, ang driver, ang occupant ay napatay o nagahasa.
02:21Talagang deliberate na pinabigat ang krimen ng carnapping para nga sana ay mas matakot
02:26ang mga magnanakaw ng mga sasakyan, although malakas pa rin ang loob ng mga katawatan
02:31na usually ay mga sindikato.
02:34Madalas kasi ay ginagawang chop-chop ang mga sasakyan or sa mas malagim na mga kaso
02:40ginagamit ang mga nako ng mga sasakyan para gamuha ng iba pang krimen tulad ng kidnapping
02:45o pagnanakaw din.
02:47Of course, masasabi, e binigay naman ng kotse, wala namang ginamit na dahas.
02:52Tinurn over nga ng maayos ang kotse.
02:55But of course, may bahid na panlilin lang ito, may panluloko na gana para ibigay ang kotse.
03:00Pero once hindi na naibalik ang kotse, ang possession na ito ay nagiging iligal
03:06at nagiging krimen ng pagnanakaw or carnapping na nga.
03:10Ang paggamit ng paglininlang o panluloko naman para ibigay na isang tao, isang bagay,
03:14ay itong panluloking ito ay usually krimen naman ng estafa sa ilalim ng revised penal code.
03:21Pero usually, mas pinapaboran ng mga kinaukulan ang krimen ng carnapping
03:27dahil nga mas mabigat ang penalty na ito sa ilalim ng anti-carnapping law.
03:33Tanong naman iba, paano naman kung ang narentahan yung sasakyan pang outing,
03:37e, nakaw pala, may sabit ba?
03:40Eh, maaari bang madawit ang mga nagre-renta?
03:44Well, may posibleng kaso po na violation ng anti-fencing law o PD No. 1612
03:49na pinarurusa ng pagbili, pagtanggap, or pagposes ng mga nakaw ng mga gamit.
03:56Of course, ang obvious defense dyan ay sasabihin na nagrenta ay,
04:00hindi ko naman alam na nakaw itong sasakyan.
04:02Pero may twist po kasi ang krimen ng fencing sa ilalim ng batas.
04:06Nakalagay sa PD neto, na guilty kayo ng fencing kung alam nang kumuha ng sasakyan na limbawa
04:12na ito ay nakaw or should have known na ito ay nakaw.
04:17Paano nga ba yung should have known?
04:20Usually, ito ay kung masyadong mura ang pagpaparenta na talagang too good to be true
04:25or may ibang indikasyon na parang hindi legitimate ang transaction,
04:29hindi ma-produce ang ORCR, or peke ang mga to,
04:33or kilala talaga sa neighborhood na ang nagpaparenta sa inyo ay magnanakaw ng sasakyan
04:38or meron talagang modus na ganitong rentangay.
04:42Dapat ay umiwas na kayo at baka nga madawit pa kayo.
04:46Inosente man kayo, eh, baka masira din ang bakasyon ninyo na gamit ang nakaw ng sasakyan.
04:51Dahil malamang ay kukunin ito ng mga polis at may impound ito
04:55ay masastranded pa kayo sa magandang resort sana.
04:59Of course, baka hindi na masyadong maging lagana pang krimen ang karnaping ngayon.
05:03Sa taas ng at karnaping, sa taas ng presyo ng langis,
05:08baka hindi baka kapag full tank ang mga karnapar.
05:11Hindi pa siya nakakalayo, huli agad at baka tumirik na ang sasakyan.
05:16Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:19Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:23Ask me, ask Atty. Gabby.
05:28Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:32Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:38I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:42Salamat ka puso!
05:42Salamat ka puso!
Comments

Recommended