Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
ANO ANG IBIG SABIHIN KAPAG ITINURING NA FUGITIVE FROM JUSTICE ANG ISANG TAO?!

Mainit na usapan ang mga personalidad na pinaghahanap ngayon, kabilang si dating Congressman Zaldy Co at ilang tauhan ng Sunwest Corporation. Kasabay nito, may tanong din kung itinuturing bang pugante si Sen. Bato matapos ang isyung may warrant mula sa ICC. Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, Ask Atty Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hello na ba kayo sa dami nating pinaghahanap ngayon?
00:05Kabi-kabila eh, di po ba?
00:07Heto nga ay tinituring ng Fugitive from Justice,
00:11si dating Congressman Zaldico,
00:13at tatlong tauhan ng SunWest Corporation.
00:16Ayon sa resolusyon,
00:18ang pagtanggi ni Ko na isumite ang sarili sa Korte
00:21ay kumpirmasyon ng intensyon niyang manatili.
00:24Sa labas ng jurisdiksyon ng Korte,
00:26lalo na at nag-abroad siya sa panahong aktibo
00:30ang imbestigasyon sa flood control scandal
00:33kung kailan nalalapit na ang formal na paghahin ng kaso laban sa kanya.
00:39Sa ibang balita naman si Sen. Bato na sinasabing may warrant mula sa ICC,
00:45hinahanap din ng marami.
00:47Pero kahit hindi siya nagpapakita,
00:50inihayag ng Department of Justice na hindi pa siya itinuturing na pugante.
00:54Kasabay nito ang muling pagkumpirma
00:57na wala pa silang impormasyon o kopya
00:59ng umunoy warrant of arrest laban sa Senador.
01:03Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:07Ask me, ask Attorney Gabby.
01:09Attorney, ano po ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:20Kailan masasabing fugitive ang isang tao
01:22at ano ang ibig sabihin nito?
01:25Well, ano nga ba ang fugitive from justice?
01:28Hindi porkit nagtatago e maituturing ng fugitive.
01:32Ang isang fugitive ay isang taong umiiwas
01:34sa tinatawag na prosecution o punishment.
01:38Interesting na kakapromulgate pa lang
01:40ng Korte Suprema ng isang desisyon last November 25.
01:44At nagkaroon ng pagkakataon
01:46na ma-define kung ano nga ba
01:48ang isang fugitive from justice.
01:50Sa isang kaso na tinap,
01:52Vallacar Transit v. Sienzon,
01:55sinabi ng Korte Suprema
01:56ng isang fugitive from justice
01:58ay hindi lamang isang tao na na-convict na
02:01o nahusgahan na ng guilty at tumakas
02:05para hindi na makulong
02:06pero kasama dito ang isang tao
02:08na na-file na ng kaso
02:10at nagkaroon na ng warrant of arrest
02:12pero hindi nga ma-serve ang warrant of arrest
02:15dahil nagtatago ito
02:17o naka-elis na ng Pilipinas
02:19at hindi makausad ang kaso.
02:21Kapag hindi ma-serve ang warrant of arrest,
02:23maaari nang ma-deklara ang isang tao
02:26na isang fugitive of justice.
02:30Ano naman ang epekto nito?
02:31Mawawalan siya ng standing in court
02:33at hindi na makakasali sa mga proceedings nito
02:35at walang makukuhang relief o konswelo
02:39o wala siyang mahihingi mula sa Korte.
02:42Kung gusto nilang makasali sa mga ganap sa Korte
02:45ay kailangan nilang mag-surrender ng voluntary.
02:48In the meantime,
02:49active pa rin ang warrant of arrest sa kanila
02:51at maaaring ma-serve ito
02:53pagbalik nila sa Pilipinas.
02:56Ang tawag dito ay ang
02:57Fugitive Disentitlement Doctrine.
03:00Ang isang taong tumakas
03:01dahil ayaw mapa sa ilalim sa jurisdiction ng Korte
03:04ay walang karapatan
03:06na humingi ng mga remedy dito.
03:09Mas kinakailangan daw
03:10kilalanin ng doktrinang ito
03:12dahil ang mga nakakatakas lamang
03:14at nakaka-escape abroad
03:16ay yung mga mayayaman na
03:18can afford na umis ka po
03:19mula sa Pilipinas
03:21para hindi ma-aresto
03:22at hindi harapin
03:23ang kaso laban sa kanila.
03:26Hirap na hirap na ang Pilipinas
03:27na hanapin sila
03:28at pawiin
03:30para hapin ng mga kaso
03:31whether it is through extradition
03:33o kooperasyon
03:35sa mga international entities.
03:36So, parang nababawasan
03:39ang malaking agwat
03:40sa mahirap
03:40at mas nakayayaman
03:42sa pagkilala sa
03:43Fugitive Disentitlement Doctrine.
03:46So,
03:48ang isang tao
03:48ay hindi matatawag na isang fugitive
03:50kung wala naman palang
03:52warrant of arrest pa
03:53na nai-issue
03:54o nakikita.
03:55Pero hindi daw mahanap.
03:57Well, magtingin-tingin na lang
03:58sa ilalim ng mga bato
03:59baka doon nagtatago.
04:01Ang mga usaping batas
04:02bibigyan po nating linaw
04:04para sa kapayapaan
04:05ng pag-iisip
04:06huwag magdalawang isip
04:08Ask Me
04:09Ask Atty. Gabby.
04:12Ikaw,
04:13hindi ka pa nakasubscribe
04:14sa GMA Public Affairs
04:15YouTube channel?
04:16Bakit?
04:17Pagsubscribe ka na,
04:19dali na
04:19para laging una ka
04:21sa mga latest kwento at balita.
04:23I-follow mo na rin
04:23ang official social media pages
04:25ng Unang Hirit.
04:26Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended