Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Sa gitna ng dagsa ng biyahero ngayong Semana Santa, may mga pasaherong nabibiktima ng sobrang singil sa pamasahe. Isang OFW, siningil umano ng 2,500 pesos mula NAIA hanggang PITX. Ano ang pananagutan sa ganitong insidente? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, Semana Santa pa naman, pero ang pag-uusapan natin ngayon, pananaga sa pamasahe.
00:08Dag sana naman po kasi ang mga magsisiuwian sa probinsya, kaya pahirapan na naman sa pagsakay.
00:15Ang masama pang balita, may ilang namamantala sa paniningil ng pamasahe.
00:21Gaya ng nangyari sa isang balikbayan na tinaga sa pamasahe nang sinakyan niyang taxi mula na ia papunta sa P
00:29-TEX.
00:30Ang OFW na galing pa rao sa Saudi Arabia, nabiktima ng sinakyan niya at siniyan siya ng 2,500 mula
00:39sa na ia hanggang P-TEX para lang makauwi sa bool.
00:43Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Atty. Gabby.
00:57Atty, ano ba ang habol ng mga pasaherong tatagain sa pamasahe?
01:01Hindi lang sa taxi kundi sa iba't-ibang PUVs, lalo na ngang Semana Santa ngayon at may Exodus.
01:09Well, unang-una lahat ng mga PUV o Public Utility Vehicle ay maaari lamang mag-operate, alam naman natin, pag
01:15meron silang prangkisa.
01:17Bawal ang walang prangkisa o ang mga tinatawag nating mga kolorum.
01:21At lahat ng mga na-issuehan ng prangkisa mula sa LTFRB ay dapat sumunod sa mga pamasaheng takda ng ahensyang
01:29ito.
01:30Hindi sila pwedeng mag-overcharge dahil ito ay labag sa kondisyon ng prangkisa na yan.
01:35Kaya't dapat talagang maghabol at mag-complain ng publiko kung sila ay na-overcharge sa pamasahe.
01:42So, sino ba ang mga may prangkisa?
01:45Mga taxi na pwedeng regular at mga airport taxi.
01:48Mga jeep, mga bus, may city, provincial at point-to-point.
01:53Mga UV Express, mga TNVS o Transport Network Vehicle Services at mga motorcycle taxi.
02:01Kailan naman natin malalaman na may overcharging na nangyayari?
02:05Sa mga taxi, dapat ay gumamit sila ng mga metro na calibrated at may seal.
02:10Bawal ang pangongontrataw ang hindi paggamit ng metro.
02:14Sa mga coupon taxi sa airport, dapat ay alam nyo na kung magkano ang babayaran
02:19bago pa kayo sumakay at makaalis ng airport taxi.
02:23Maaaring maituring na mas mahigpit ang Department of Transportation
02:27at ang airport authority sa mga nanggigipit na airport taxi driver
02:32dahil nga may impact ito sa ating turismo worldwide.
02:36At kung ayaw kayo pababain pa ng taxi driver na sobrang mangikil ng pamasahe,
02:42tulad nga yung 2,500 para sa from the terminal to P-TEX or terminal 2 ng airport,
02:50baka may criminal pa na kaso for grave coercion at hindi lang administrative na kaso.
02:55Sa mga jeep at mga bus naman, dapat ay may fair matrix na nakadisplay sa loob ng jeep o ng
03:01bus.
03:02Bawal magdagdag ng pamasahe ng walang approval ng LTFRB.
03:07Usually, ang mga penalty for overcharging ay 5,000 sa unang offense,
03:1210,000 sa susunod na offense na may kasama ng impounding ng sasakyan,
03:16at sa pangatlong offense ay 15,000 at baka may revocation pa ng frankisa.
03:22Kung meron kayong mga complaint tungkol sa mga abusadong mga driver,
03:26tumawag sa LTFRB hotline na 1342.
03:30Siguraduhin kunin ng importanteng impormasyon tulad ng plate number,
03:34body number kung available, yung ruta at date and time ng insidente.
03:39As usual, kung kayang kunan ng litrato ang driver at ang PU involved, even better.
03:44Lahat tayo nahihirapan sa panahon ng alanganin, nakikiisa tayo sa mga driver at operator,
03:50pero kailangan din natin intindihin na ang mga pasehero na nasa madlang publiko ay nahihirapan din.
03:59Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:02Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me.
04:07Ask Attorney Gabby.
04:10Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
04:14Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:20I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:24Salamat ka puso!
04:25Salamat ka puso!
Comments

Recommended