00:00Sa mga napapadaan po sa mga kanal, naku-ingat po!
00:05Kahit may pera pa sa kanal, huwag basta-bastang ipasok ang kahit anong bahagi ng katawan dyan.
00:11Sa Cebu City, naipit ang braso ng limang taong gulang na lalaki sa takip ng manhole.
00:18Ipinasok daw ng lalaki ang kanyang braso sa manhole para mga pa ng mga nahulog na bariya sa kanal.
00:25Kau-kau ang tawag nila dito.
00:28Pero, hindi niya na maialis ang kanyang braso sa butas.
00:33Pahirapan ang pag-rescue sa lalaki, hindi kasi umubra at nabali ang limang blades ng reciprocating cutter.
00:41Kaya ginamita na ito ng hydraulic cutter.
00:44Naku, ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:48Ask me, ask Attorney Gabby.
00:50Attorney, usap-usapan na naman ang kanal ngayon.
00:59Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dyan?
01:02Pwede po bang basta-bastang lang ipasok ang kamay o pumasok mismo sa mga kanal natin?
01:09Well, parang nauso talaga ngayon ang isyo tungkol sa mga kanal at nagiging viral pa ng gusto ang mga video.
01:15Pero sa issue na ito, hindi naman po yata kailangan ng batas para sabihin.
01:20Kung pwede bang ipasok ang kamay sa mga hindi dapat, pinagpapasok ka ng kamay.
01:25Ang tawag po dyan ay ang batas ng common sense.
01:29Eh kaya nga may grill, mayroong takip, yung drain, may takip ang mga manhole para hindi pumasok sa loob ang mga bagay na hindi dapat.
01:38Kung tutuusin kapag in-examine nyo, yan, dyan, yung takip ng drain na yan,
01:43yung size ng butas ng parang grill ng takip niya ay medyo malaki para madaling makapasok ang tubig,
01:50pero hindi naman gaanong malaki para hindi lumusot ang paa ng mga nagdadaan
01:55o para hindi pumasok ang mga mas malalaking bagay na maging sanhi ng pagbara ng ating mga kanal.
02:02So talagang iisipin nyo naman bakit naman, diba?
02:05Sakaling maipit o ma-stuck sa drainage, may habol po ba ang biktima?
02:10Actually, nung una ko narinig ang issue na ito, akala ko ito ay yung usual na problema ng merong manhole sa gitna ng kalsada na nawawalaan takip
02:18kaya't usually ay merong nahuhulog, naiipit o nasasaktan.
02:23Minsan din, marami ang nabibiktima ng mga construction works sa mga kalye
02:27na hindi nalalagyan ng tamang warning o tamang takip o harang
02:31kaya marami rin ang naaksidente at nahuhulog dito.
02:35Sa mga nitong issue, may habol dapat ang biktima lalo na kung ang mga injury or aksidente
02:40ay dahil sa defective condition ng mga public works na nasa control and supervision ng mga LGU.
02:47Whether it's the city, the province, or the municipality.
02:51Ito ay naaayon sa Article 2189 ng Civil Code na nagsasabing pananagutan ng mga LGU
02:57ang mga danyos o damages na sanhin ang defective roads and other public works nito.
03:02Pero kung nananahimik naman yung drain cover ng kanal o yung manhole,
03:08e pinasok nyo ang kamay ninyo na hindi naman designed to accommodate the arm or the hand.
03:13Baka yung LGU po ang maghabol sa inyo for damages.
03:17Isipin ninyo, kinakailangan sirain yung drain cover.
03:21Andami pang nasira na kagamitan at tools na mga nag-rescue.
03:25At nangailangan pa ng madaming workers para mag-rescue na inabot ng apat na oras
03:30para lamang matanggal ang kamay o braso na yan.
03:33Sasabihin ng LGU, kami, kami ang dapat na mayhabol at dapat panagutan ng malaking gastos na inabot
03:41dahil sa kapabayan niyan.
03:44So, ang moral of the story, don't put your hand into where it does not belong.
03:49Pakasimple po, di ba?
03:50Anyway, ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:54Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
03:58Ask me, ask Attorney Gabby.
04:00Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:06Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
04:12I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:16Salamat ka puso!
Comments