• 11 months ago
ANO ANG IBIG SABIHIN KAPAG PERSON OF INTEREST ANG ITINUTURING SA ISANG KASO?!


Usap-usapan pa rin ang pagkawala ng isang bride to be sa Quezon City. Sa pinakahuling update, itinuring na person of interest ang mismong fiancé ng nawawalang bride ayon sa pulisya. Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, Ask Atty. Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, usap-usapan pa rin ngayon ang viral na pagkawala ng isang bride-to-be sa Quezon City
00:07matapos lang daw lumabas para sana bumili ng sapatos noong nakaraang linggo.
00:13Sa latest development ng investigasyon, ang mismong fiancé ng nawawalang bride-to-be
00:19ay tinuturing ng person of interest ng polisya.
00:24Hindi naman daw ito nanganganugang suspect na siya sa pagkawala ng kanyang kasintahan ayon sa Quezon City Police District.
00:33Pag-usapan natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:44Attorney, ano po ba ang sinasabi ng batas sa mga ganitong kaso?
00:48Ano po ba ang ibig sabihin kapag ang isang tao ay naging person of interest sa isang investigasyon?
00:55Well, to be clear, yung term na person of interest ay hindi isang legal term.
01:01Hindi ito ginagamit sa ating mga batas, whether it's the rules of court or the revised penal code, halimbawa.
01:07Masasabi natin na it's more of a term na ginagamit ng polis.
01:11Sa Pilipinas, lalo na sa mga patakara ng criminal investigation, kapag sinabing isang tao ay person of interest,
01:20hindi ito nanganganugan na siya ay may sala o may kasong isinampalaban sa kanya.
01:25Hindi rin sinasabi na siya ay isang witness, isang akusado o isang suspect.
01:30Magkakaiba po kasi ang mga term na yan.
01:33Kapag sinabing person of interest, ito ay isang tao na posibleng may mahalagang impormasyon kaugnay ng kaso.
01:40Maaaring dahil sa ugnayan niya sa biktima o magkasama sa uling pagkakataon na nakita ang nawawala
01:47o sa mga detalyang kailangan linawin ng polis siya.
01:50Bahagi ito ng fact-finding at evidence-gathering stage ng investigation.
01:56Dahil kasi kapag sinabi natin witness ng isang tao, ito ay mas specific.
02:00Ito ay isang tao may personal knowledge tungkol sa mga facts ng isang kaso.
02:05Kapag suspect naman ang tawag natin, yan ang isang taong pinaghihinalaan na may kasalanan o may kaugnayan sa paggawa na isang krimen.
02:15Kapag respondent na ang tawag, malamang ay nasa preliminary investigation stage na at meron ng formal inquiry laban sa taong yan at kailangan niyang sumagot.
02:26Kapag akusado, ah nasampahan na yan ng isang kaso sa korte.
02:30Mahalagang tandaan na sa ilalim ng ating constitution, may presumption of innocence ang bawat tao.
02:37Hanggat walang sapat na ebidensya at formal na reklamo, hindi mo siya dapat maituring na suspect o akusado or akusahan talaga.
02:45Diba? Or tawagin ang mga terms na ito.
02:47Dagdag pa rito, ayon sa Rules on Criminal Procedure, hindi maaaring ikulong, arestuin o kasuhan ang isang tao ng walang probable cause.
02:55Kaya pag sinabing person of interest pa lamang, nag-iimbestiga pa lamang po, wala pat po tayong inaakusahan.
03:02Kailangan natin maging maingat dahil involved ang reputasyon ng isang tao.
03:07Hindi natin dapat akusahan o husga ng isang tao, lalo na kung ito ay sa media o sa internet.
03:13Baka magkaroon ng trial by publicity na baka naman hindi fair para sa isang tao.
03:19Sa mga usaping batas, bibigyan po natin linaw yan para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:26Huwag magdalawang isip. Ask me. Ask Atty. Gabby.

Recommended