Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Aired (February 28, 2026): Anim ang nasugatan matapos sumabog ang isang maliit na tangke ng LPG sa Navotas. Sa CCTV, makikitang may mga batang naglalaro sa eskinita nang mangyari ang malakas na pagsabog. Ano ang maaaring pananagutan sa ganitong insidente? Alamin sa Ask Atty. Gaby.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ingat-ingat po sa paggamit ng LPG.
00:05Sa Navotas, animang sugatan matapos sumabog ang isang maliit na tangke ng LPG.
00:11Sa kuha ng CCTV, ilang bata ang naglalaro sa isang eskinita
00:16nang biglang may malakas na pagsabog.
00:19Ayon sa kaanak ng mga biktima,
00:21isang kaldero ng panindang mais ang nakasalang sa lutoan.
00:25Ano ang sinasabi ng batas tungkol sa insidente nito?
00:28So, ask me, ask Atty. Gabby.
00:33Atty, ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong pangyayari
00:37kung saan maraming nadamay sa pagsabog?
00:40Sino ang mananagot?
00:42Well, sinong mananagot?
00:44Hindi siyempre po.
00:45Yung may kasalanan.
00:47Alam naman po natin na sa general rule,
00:49ang mga gamit ay hindi sumasabog by themselves.
00:52Malamang merong nagkamali,
00:54ang gumagamit,
00:55ang nag-aayos,
00:57or ang mga manufacturer ng mga gamit na ito,
00:59kung baga,
01:00baka may factory defect.
01:02Maaari din na ang nagbebenta ng LPG tank
01:05ay guilty din sa pag-tamper sa LPG tank,
01:08kaya ito ay sumabog.
01:10Pero posible din na baka hindi lamang maintained ang gamit,
01:14kaya nagkaroon ng disgrasya.
01:15So, kung sino ang may kasalanan,
01:18dapat managot.
01:19Pero ngunit,
01:20in real life,
01:22napakahirap din na panagotin ang mga ito
01:24dahil kailangan ipakita kung ano ang tunay na dahilan ng pagsabog.
01:29Kailangan ipakita ito sa pamamagitan ng mga expert
01:32o halimbawa ng Bureau of Fire Protection
01:35para makita ang cost ng pagsabog na ito,
01:38whether ito ay dahil sa kapabayaan ng may-are
01:40or ng manufacturer
01:42or pagpapabaya in handling the product in the meantime.
01:46And actually,
01:47kung tutuusin,
01:48meron po ng kaso na umabot sa Korte Suprema
01:51involving an exploding LPG tank,
01:54pero ito naman sa isang fast food stall.
01:57Napatunayan ng Bureau of Fire Protection
01:59na ang naging sanhi ng sunog
02:02ay dahil sa leak ng LPG ng isang stall,
02:05kaya't nagkasunog.
02:06At dahil dito,
02:07kumalat ang apoy
02:08at nasunog nga ang mga katabing food stall.
02:11Nanalo ang mga kapitbahay na stall
02:13ng pagkubra ng danyos
02:16para sa damages na naging bunga ng sunog
02:19dahil nga ito ay napatunayan
02:21na kapabayaan ng mga empleyado ng stall na ito
02:24na naging sanhi
02:25ng pagkalat ng apoy.
02:27Take note,
02:28meron ding posibleng kaso
02:30laban sa mga manufacturer at seller
02:32ng mga defective LPG tank
02:34na may posibleng kulong at fine
02:36sa ilalim po ng LPG Industry Regulation Act
02:40o ang Republic Act No. 11592.
02:44Ang mga usaping batas,
02:46bibigyan po nating linaw
02:48para sa kapayapaan ng pag-iisip.
02:50Huwag magdalawang isip.
02:52Ask me.
02:53Ask Attorney Gabby.
02:56Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
02:58sa GMA Public Affairs YouTube channel?
03:00Bakit?
03:01Pagsubscribe ka na,
03:02dali na,
03:03para laging una ka
03:04sa mga latest kwento at balita.
03:06I-follow mo na rin
03:07ang official social media pages
03:08ng unang hirit.
03:10Salamat ka puso!
03:11Pag-iisip.
03:12Pag-iisip.
03:12Pag-iisip.
03:12Pag-iisip.
03:12Pag-iisip.
Comments

Recommended