Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Usap-usapan ang viral video ng isang lalaking nanakit ng nagtutulak ng kariton habang umiiyak ang anak ng biktima. Kinilala na ang suspek at ayon sa PNP ay nagkaayos na ang magkabilang panig. Ano ang sinasabi ng batas sa ganitong insidente? Ask me, Ask Atty. Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, isrin ba kayo sa uminit ang ulo nang mapanood ang video na ito?
00:19Yan po yung viral video ng isang lalaking binatukan ang nagtutulak ng kariton.
00:26Kita sa video ang pananakit ng driver ng puting sasakyan habang ang anak ng biktima dinig na dinig ang pag-iyak.
00:35Minura at pinagbantaang babarilin parao ng driver ang lalaking nagkakariton.
00:41Ang lalaking nanakit sa video, kinilala na kapatid ni Pocuang na humingi na ng paumanhin kahapon sa social media sa ngalan ng kanyang kapatid.
00:51Ayon sa PNP, nagkapatawaran at nagkaayos na ang lalaki at driver.
00:58Pag-usapan natin ang insidente niyan.
01:01Ask me, ask Attorney Gabby.
01:04Attorney, marami ang nagalit sa viral video na ito.
01:15Ang tanong nga, matapos nagkaayos na raw ang dalawang panig, e gano'n na lang ba talaga yun?
01:22Well, hindi naman porkit nagkaayos na ang mga partido ay tapos na rin ang boxing.
01:26Kumbaga, dapat natin tandaan na sa isang krimen, ang kaso ay may dalawang aspeto.
01:33Yung criminal aspect at ang civil aspect.
01:36Ito ay dahil ang isang krimen ay isang pagkakasala sa isang banda laban sa Estado.
01:42Involved ang public interest dahil ang ginawa ng akusado ay labag sa peace and order in society.
01:48At the same time, ito ay pagkakasala laban dun sa individual involved.
01:54Yung biktima dahil siya ang nasaktan.
01:55So, ito ang tinatawag na dual aspect ng isang criminal case.
02:00May civil aspect at may criminal aspect.
02:03Yung civil aspect ay yung liabilidad ng akusado for damages o danos arising from his criminal act.
02:10May posibleng liabilidad for actual damages.
02:13Salimbawa, kung nagkaroon ng gastos para sa pagpapagamot o hospitalization,
02:18o kung hindi nagtrabaho, o posibleng moral damages para sa anxiety o mental anguish na nag-usulta sa krimen.
02:26Yung liability for damages for civil liability ng akusado sa isang krimen.
02:32Ito ang pwede yung pag-usapan.
02:34Yung criminal aspecto naman ay yung posibleng kulong for the commission of a crime.
02:39Porki ba nagkaayos na ang biktima at ang akusado ay tapos na ang problema?
02:42Hindi rin dahil ang inayos lamang nila ay ang civil aspect ng kaso.
02:49Generally, ang inaayos lamang ay yung liability for damages.
02:52So, maaaring tuloy pa rin ang criminal aspect ng kaso dahil ang krimen ay isang kaso laban sa Estado.
02:59Kaya nga po ang title pagkriminal ang kaso ay People of the Philippines versus, halimbawa, Juan de la Cruz.
03:06Dahil ang biktima dito ay ang Estado, ang People of the Philippines.
03:11So, usually talaga, tuloy ang kaso.
03:13Ang tanong, bakit sa ibang mga kaso, nadidismiss ito?
03:17Hindi na umuusad ang kaso kapag nagkakaayos na?
03:20Well, ang usual na dahilan ay kung nakapagayos na ang biktima at hindi na siya magtetestify,
03:26maaaring useless na na magproceed ang kaso kung indispensable at necessary ang testimony niya.
03:33Although kung merong ibang ebidensya, maaaring umuusad ang kaso para makonvict ang akusado
03:39kahit wala ng partisipasyon ng biktima.
03:42Katulad sa kaso na ito na maraming ibang witness at may video pa.
03:46In the same way, maaaring ding umuusad ang kaso laban sa pag-revoke o pag-suspend ng kanyang lisensya
03:53dahil intresado ang LTO at ang taong bayan na mawala ang mga salot sa kalsada.
04:00Ang mga mainitin ang ulo at hindi dapat nagmamaneho sa ating mga lansangan
04:05dahil sila ay threat sa peace and security ng ibang mamayan.
04:10Road rage has no place in society.
04:13Yung mga maiinit ang ulo, naku, sa bahay na lang kayo.
04:16Ngayon, patpaskong-pasko na.
04:18Diba po?
04:19Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:22Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:27Ask me, ask Atty. Gabby.
04:43Follow me the pages ng unang hirit.
04:45Salamat ka puso.
Comments

Recommended