Skip to playerSkip to main content
Sunod-sunod ang mga insidente ng karahasan sa loob at labas ng paaralan, mula sa pamamaril sa classroom sa Nueva Ecija, hanggang sa kaso ng isang guro sa Lanao del Sur na binaril ng kanyang estudyante, at ang pinakabago, ang principal sa Cotabato na sugatan matapos barilin ng riding-in-tandem sa harap mismo ng paaralan.

Ano ang sinasabi ng batas at paano maiiwasan ang ganitong mga pangyayari? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion sa #AskAttyGaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Kabi-kabila nga ang mga nangyayaring insidente ng karahasan sa loob at labas ng paaralan.
00:07Kamakailan lang na pag-usap-usapan natin ang kaso ng pamamaril sa loob mismo ng isang eskwelaan sa Nueva Ecija.
00:15Nabalita rin ang kaso ng isang guro mula sa Lanao del Sur na namatay pagkatapos barilin ng kanyang estudyante.
00:23Ayon sa investigasyon, nagalit ang isang niyang estudyante matapos itong mabigyan ng bagsak na grado sa isang subject.
00:35At ngayon, ito pa sa Cotabato, isang principal naman ang sugatan matapos pagbawarilin ng riding in tandem sa harap mismo ng paaralan.
00:46Hinahanap pa rin ang mga salarin. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Attorney Gabby.
01:05Attorney, ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong kaso ng karahasan kung saan mga estudyante at guro ang sangkot?
01:14Actually, wala namang specific na batas na masasabi nating specifically applicable sa mga ganitong klaseng kaso ng karahasan.
01:23Ang gagamitin mga batas ay ang mga tinatawag nating batas of general application.
01:29May nasaktan, may namatay.
01:31Ang revised penal code primarily pa rin na magiging batayan para sa mga krimen na ito.
01:35Sa sasampahan ng kaso ayon sa batas na ito, kung ito ay murder, homicide, kung ito ay consummated, frustrated o attempted lamang.
01:44Of course, kung ang salarin ay isang estudyante na menor de edad, then magiging applicable naman ang Republic Act 93-44 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
01:54Ibig sabihin kung below 15 years old ang bata, siya ay exempt from criminal liability pero baka mga ilangan ng intervention gaya ng counseling, education or rehabilitation.
02:07Kung 15 to 18 years old at may discernment, ibig sabihin alam niya ang tama at mali at gumawa siya ng isang heinous or serious crime,
02:15maaaring magkaroon ng paglilitis pero hindi naman siya ilalagay sa bilibid kasama ng matatandang preso kung mahatulang guilty.
02:23Suspended ang sentence pero malamang ilalagay sa bahay pag-asa o yung special youth facility dahil ang aim nga ng ganitong paraan ay ang rehabilitation.
02:34Pero inuulit natin na sa ilalim ng family code, ang mga paaralan ay may special parental authority habang ang mga batang menor de edad ay nasa pangangalaga nila.
02:44Kaya't mananagot sila in case magkaroon ng damages dahil sa kanilang pagpapabaya.
02:49Sa mga mas mataas naman na paaralan, sinabi na nga ng Korte Suprema na once nag-enroll ang isang studyante,
02:56may obligasyon talaga ang paaralan na magsiguro ng isang safe learning environment para sa mga studyante nito.
03:03Of course, sa mga kaso na nangyari na totally sa labas ng eskwelahan at ang involved ay mga stranghero or strangers,
03:11talagang ang mga loss of general application lamang ang mananaito.
03:17Attorney, iniuutos na ng DILG ang pag-deploy ng mga tanod sa public schools.
03:23Ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagpapatupad ng sapat na seguridad sa mga eskwelahan?
03:29Maaari nga ba itong pag-tap sa mga tanod natin?
03:33Well, why not?
03:35Sa kakulangan ng budget para sa public school, baka nga hindi naman sila makahire ng mga security guard.
03:41At the very least, pwede naman siguro ang mga tanod sa kinasasakupan ng kanilang otoridad na area.
03:48Ang mga tanod naman talaga ay ang first line of defense daw para sa peace and order sa kanilang lugar.
03:53Kasama na dito ang pagmando ng traffic, tuwing pasukan at uwian,
03:57ang pag-iikot sa mga lugar na madalas pinupunta ng mga estudyante,
04:02pag-ulat ng mga insidente na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga tao,
04:07at kung ano pa ang kailangan para maging ligtas ang mga school zone.
04:13Ang mga usaping ng atas, bibigyan po nating linaw, alam niyo na.
04:17Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
04:21Ask Me, Ask Attorney Gabby.
04:23Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:29Bakit? Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:35I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:39Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended