Skip to playerSkip to main content
Aired (May 3, 2026): TINAGURIANG “COBRA KING” NG LEYTE NA UMANO’Y HINDI TINATABLAN NG KAMANDAG AT DATI PANG ISINUSUBO ANG MGA ALAGA NIYANG AHAS, BAKIT TILA NAWALAN NG BERTUD NANG SIYA MISMO ANG TINUKLAW KAMAKAILAN NG COBRA?

Paalala: Sensitibo ang video na inyong mapapanood.

Ang nag-aagaw buhay na matanda sa bisperas ng kapistahan ng Brgy. Tagnate sa Hilongos, Leyte, walang iba kundi ang itinuturing pa man ding ‘Cobra King’ ng kanilang bayan na may kakayahan daw magpaamo ng mga ahas— kahit pa ‘yung mga makamandag!

Siya ang naitampok sa #KMJS si Danny Sebial! Sa pagkakataong ito, makakaligtas kaya ang Cobra King sa bingit ng kamatayan?! #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:06Nabulabog ang bisperas ng kapistahan ng barangay Tagnate sa Hilongos, Leyte.
00:13Nang ang matandang lalaking ito, halos mawalan na ng malay.
00:21Sa pag-asang bumuti ang kanyang lagay, may pinainom na langis sa matanda.
00:30May nasa masahe rin ang kanyang mga kamay.
00:36Kaya pala siya nag-aagaw buhay.
00:39Natuklaw kasi siya ng makamandag na kobra.
00:48Pero ang mas ikinabahala ng mga residente, ang nag-aagaw buhay na matanda, walang iba.
00:55Darag guys, so darag itong si Danny Raking Cobra.
00:58Kundi ang itinuring pamanding Cobra King ng kanilang bayan na may kakayahan daw magpaamo ng mga ahas,
01:06kahit pa yung mga makamandag.
01:08King Cobra ba? Panahon, panahon.
01:11Siya ang naitampok na namin noon dito sa ating programa, si Danny Sebiar.
01:24Sa pagkakataong ito, makakaligtas kaya sa bingit ng kamatayan ang tinawag pa man ding Cobra King.
01:35Hindi lang niya kayang paamuhin ang kanyang mga alaga.
01:39Isa, isinusubo pa niya. Pero bakit tila hindi yata umubra ngayon ang kanyang bertud?
01:48Halos isang dekada na ang nakararaan ng unang itinampok dito sa KMJS,
01:54ang kakaibang kakayahan ni Danny na magpaamo ng mga makamandag na ahas.
02:00Natatnan ng aming team ang kumpulan na ng mga tao sa tapat ng kanyang bahay.
02:06Nakahanda na rin pati ang makakasama niya sa kanyang performance.
02:10Ang kaibigan daw niyang ahas.
02:14Una na riyan ang Samar Cobra na ito na nakasilid pa sa aquarium.
02:20Tinasalan muna ito ni Danny.
02:28Mabilis namang pumosisyon ang Cobra na parang aatake.
02:36Pero nung itinaas ni Danny ang kanyang kamay,
02:44sa kalagitnaan ang pagpapakitang gilas ni Danny,
02:48laking gulat ng lahat nung bigla siyang nagpakagat sa labi at daliri.
03:03Ang aming team may daladalang anti-venom at medical staff,
03:09pero si Danny tumanggi na magpaturok ng anti-venom.
03:12Sa halip, sinipsip lang niya ang dugo at hinalikan ang prayer book na may mukha ni Jesucristo.
03:20Sunod niyang inilabas ang isa pang sawa.
03:27Pinagsabong niya ito.
03:35Sabay na isinabit sa kanyang liit.
03:39At ipinasok pa sa kanyang damit.
03:45At hindi pa pala ito ang final act.
03:50Ang talaga raw highlight ng kanyang performance,
03:53ang pagkumpol at pagbilog ng Samar Cobra at ng sawa.
04:15Mula nung ipinalabas dito sa KMJS ang kwento ni Danny,
04:20tuloy ang pakikipagbuno niya sa mga ahas.
04:33Naging pakbuhan din siya ng kanyang mga kababayang natutuklaw.
04:49At dahil sa kabilang bayan na ng bato nakatira at bumuo ng pamilya,
04:55ang anak ni Danny na si Danilo,
04:57ang mga alagang ahas lang daw ng kanyang ama,
05:00ang lagi nitong kasama.
05:02Lagi pangaraw itong dala ni Danny sa tuwing siya'y lumalabas ng bahay.
05:06Danny Cobra.
05:09Katunayan, nitong lunes ng tanghali,
05:12dala pa raw ni Danny ang alagan niyang Cobra
05:14nang bumisita siya sa bahay ni Juveline.
05:17Kung naalala niyo yun sa Jessica Soho, ito siya.
05:20Hey, nakakakilabot.
05:23Dumaan din si Danny sa bahay ng isa pa nilang kakilala
05:26nung hapon din yun para makipag-inuman.
05:29Kaya-maya pa, if Flynn next pa niya
05:32ang kanyang alagang Cobra sa kanyang mga kainuman.
05:51Hanggang sa ito na ang mga sumunod na nakuhanan.
05:55Video ng mga nagkakagulong residente.
06:03Nag-aagaw buhay na kasi si Danny
06:05matapos siyang matuklaw sa kaliwang kamay
06:08ng kanya mismong alaga.
06:12Medyo nakaramdam daw siya ng panghihina.
06:14Pinaupo siya ng mga tao.
06:15Dali-dali siyang nag-orasyon sa kanyang sarili.
06:18Hindi na tumalabiguro.
06:19Nagkamali siya ng bigkas sa kanyang orasyon
06:21dahil lasing na siya.
06:22Pero makalipas ang ilang minuto,
06:26tuluyan na siyang nawalan ng malay.
06:41Ang sinapit ni Danny,
06:42agad na ipinarating sa kanyang anak na si Danilo,
06:46na noon nasa siyudad ng Baybay,
06:48dito rin sa Leyte.
06:49Maraming tumatawag sa akin.
06:51Dinalad papa ko sa ospital.
06:53Pagdating ko ng ospital,
06:54patay na po siya.
06:56Pag-examination,
06:57mayroon pong press po na
06:59kagatman ahas.
07:00Yung kasadit niya,
07:02most probably,
07:03a snake bite.
07:04Kapag kinagakay ng king cobra,
07:06yung unang mangyayari
07:07ay may swelling sa kamay.
07:08Next would be dizziness,
07:10shortness of breath.
07:11Yung nakamatay talaga
07:12would be yung paralysis.
07:14Yung lungs nyo would stop working.
07:15Total organ failure.
07:17Nalulungkot po
07:18kasi hindi na mininasahan agad yan.
07:20Biglaan.
07:21Ang mga labi ni Danny
07:22nakaburol ngayon
07:24sa bahay ni Danilo
07:25sa Bayan ng Bato.
07:26Nagulat ako.
07:27Tinablanza ng ano,
07:28yung lason ng ahas.
07:30Ang ahas na tumuklaw kay Danny
07:33na naiwan sa loob ng kanyang bag,
07:35itinurn over sa palo sa Leyte.
07:37Nung binuksan namin yung bag ni Sir Danny,
07:40kita namin na yung cobra is patay na.
07:42Nasa state of decomposition na.
07:44Posible talaga yung nangyari
07:45is merong magkaroon ng suffocation.
07:46Ang ahas na nakadali
07:49kay Cobra King,
07:51isa pala
07:52King Cobra.
07:53Yung haba naman niya
07:54is mga around 1.73 meters.
07:56Then yung timbang niya
07:57is around 1.6 kilogram.
08:00Pag nasa multing pace
08:01kasi yung ahas,
08:01they are irritable
08:02and they are highly vulnerable.
08:04So may possible talaga,
08:06nakakagat talaga sila.
08:07Yung kamandag talaga niya
08:09is sobrang lakas
08:09na kayo pamatay ng tao
08:10mga 13 minutes lang.
08:20Pero sa tinagal-tagal
08:22ng pag-aalaga
08:22ng ahas ni Danny,
08:24bakit tilang ngayon lang
08:25tumalab sa kanya
08:26ang kamandag
08:27ng cobra?
08:29Yung ahas kasi,
08:29sometimes,
08:30meron tinatawag nating dry bite.
08:32Yun yung time na
08:33hindi lumalabas
08:34yung kamandag
08:34ng ahas.
08:35So kagat lang talaga siya.
08:37Walang kasamang kamandag.
08:38So possibly,
08:39yun yung mga nangyari
08:40ka Sir Danny noon.
08:41Malaki din nga
08:41ang kawalan sa bayan namin
08:43kasi gaya namin,
08:44nasa malayong lugar kami.
08:45Pag may nakagat po
08:46ng ahas dito,
08:47ay siya po talaga
08:47ang nagagamot.
08:48Pag nga nanghahawakan
08:49kasi hindi naman sila
08:50nanonuklaw.
08:51Pag nakakita silang tao,
08:53aalis lang din naman sila.
08:54If ever po makagat kayo
08:55ng ahas,
08:56dalhin agad sa hospital
08:57kasi meron namang
08:58nakahandang anti-venom.
08:59Si Danny Cobra.
09:01Look!
09:02Look!
09:04What is it?
09:05Bubo!
09:05Maka-asya umuro!
09:08Ang Cobra King
09:10pinatay
09:11ng King Cobra.
09:14King Cobra
09:15kinalaunan
09:16namatay.
09:18Lala nga home.
09:19Lala nga home.
09:20Lala nga home.
09:20Tunay ngang hindi
09:22lahat ng hari
09:24ligtas
09:25sa sarili nila.
09:28Kaharian.
09:32Thank you for watching
09:34mga kapuso.
09:35Kung nagustuhan nyo po
09:37ang videong ito,
09:38subscribe na
09:39sa GMA Public Affairs
09:41YouTube channel.
09:42And don't forget
09:43to hit the bell button
09:45for our latest updates.
09:46Mga Kapuso
Comments

Recommended