Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Maraming residente sa Isabela ang lumikas matapos umapaw ang Cagayan River at masira ang ilang kabahayan dahil sa Super Typhoon Uwan. Kaya naman naghatid ng tulong ang Unang Hirit kasama ang GMA Kapuso Foundation para sa mga Kapuso nating naapektuhan.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mamamahagi rin tayo ng tulong sa Isabela. Andio!
00:11Mga kapuso, andito pa rin po ako sa Nagelian, Isabela.
00:14At mga kapuso, ito pong sa aking likuran.
00:16Yung tinayong ko kanina ay medyo umuhupa na po yung tubig baha.
00:20Pero mga kapuso, mataas pa rin po kaya na nagpapile up na.
00:23O naiipon na yung mga kapuso natin na naghihintay.
00:26Natatawid sana dito sa isang provincial road.
00:29At dito po yan sa Nagelian, Isabela.
00:31At itong pagbabaha dito, ay ito po ay epekto ng pag-apaw ng Cagayan River na pinuntahan natin kahapon.
00:37At nasilayan po natin kung gaano kalapad itong Cagayan River pero napuno pa rin po yan at umapaw.
00:43Kaya naman ngayong umaga, mga kapuso, ay kakausapin natin ilang residente dito na may nakusap nga tayo.
00:48Kagabi pa lamang dito na natulog para lalang makatawid at makita ang kanyang pamilya.
00:54Sir, good morning po. Kayo po si Sir Juanito, di ba?
00:56Ako po.
00:57Sir, tama po ba na dito na kayo natulog?
00:59Kagabi po doon sa taas. Kasi malalim na po yung tubig dyan.
01:04Sino po ang pupuntahan niyo sana?
01:06Yung pamilya ko dyan.
01:07May update po ba sila kung nasan ka ngayon?
01:10Eh, tinatawagan ako kagabi. Hindi maniwala na andyan ako na body to hindi ako makauwi.
01:15Sir Juanito, thank you. Ingat po kayo. Ay, may ang dug po pala, mga kapuso. Ang GMA Kapuso Foundation para sa inyo. Ito po yung unting tulong. Pagdamotan niyo po muna, Sir Juanito.
01:27Ingat po kayo. Maraming salamat. Ito po, mga kapuso, kahapon ay nagbigay na rin po tayo sa evacuation center dito sa Doña Magdalena Gaffod High School.
01:34Nagsibing nga pong main evacuation center ng mga malapit na barangay dito.
01:38Nay, magandang umaga po at good morning po. Kamusta po kayo?
01:42Okay lang po, Sir.
01:44Ma'am, di ba tama po ba dahil nakwent niyo sa akin kanina, galing kayo sa hospital at mayroon po kayong iniindang ngayon?
01:50Opo, Sir.
01:51Pwede po bang malaman kung ano po yung iniindan niyo?
01:54Itong sakit ko po, Sir, dito sa katawan ko po, Sir.
01:57Opo, saan po ba nanggaling yan?
02:00Hindi ko rin po alam, Sir, kasi isabi ng doktor na ito yung usong sakit pero wala naman sinabing kung anong klaseng sakit ito, Sir.
02:07Nay, bakit to kayo tatawid?
02:09Eh, sasamahan ko nga po siyang magpapagamot.
02:12Eh, hindi naman po kami makatawid. Eh, ito po kami ngayon.
02:15Pwede po bang maipasilayin niyo sa amin kung ano po yung pinagdadaanan niyo ngayon?
02:22Opo, Sir.
02:23Sige po.
02:28Naku, ayan.
02:30Ate, kailan niyo po po, kailan pa po lumabas yan?
02:33Magto two weeks na, Sir.
02:35Tapos ngayon, tatawid po sana kayo dito sa kabilang kalsada?
02:39Opo, Sir.
02:39Ano pong gagawin niyo dun?
02:41Magpapagamot sana, Sir, kasi yung galing po ako sa doktor,
02:45eh, nagpagamot na rin.
02:47Yung perang, perang pinagpagamot ko dito, Sir,
02:52ipang tuition pa sana po ng anak ko.
02:54Eh, ngayon, wala na po kong pera, Sir.
02:57Kaya, ipapagamot ko na lang sa mga alboraryo, ganun, Sir,
03:00kasi mahirap nga tayo.
03:03Mahirap nga kami.
03:03Ano ang pakiramdam na hanggang ngayon,
03:05hindi po umuhupa itong tubig ba?
03:08Mahirap, Sir.
03:08Kasi, kagaya ngayon, hindi pa kami kumain ng umagahan.
03:12Eh, maghintay ng umuhupa yung tubig.
03:15Sige po, naiingat po kayo.
03:17Ito po, may unting handog po ang Jimmy Capuso Foundation para sa inyo.
03:20Nay, pagdamutan nga po.
03:22Opo.
03:24Ito po.
03:25At iingat po kayo, sana gumaling na po kayo.
03:27Mga kapuso, tuloy-tuloy lang po ang pamamigayin natin ng relief goods
03:31mula po sa Capuso Foundation.
03:33Sa tulong po yan, ang unang hirit mga kapuso.
03:35Sabi ko nga po kanina, ay marami na po tayo nang bigyan.
03:38Napuntahan po natin yung main evacuation center dito.
03:41At malaki po ang pasasalamat nila.
03:42Kahit maliit na bagay lang po itong naibibigay natin.
03:45Mga kapuso, yan po muna ang update mula dito sa Naguilian Isabela.
03:48Back to studio po muna tayo.
03:49Wait!
03:52Wait, wait, wait!
03:54Wait lang!
03:55Huwag mo muna i-close.
03:56Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
04:00para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
04:03I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang hirit.
04:08Thank you!
04:08O sige na!
04:09Thank you!
04:09Thank you!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended