00:00Mabala po, maselan ang videong mapapanood natin.
00:05Walang habas na pinagbabaril sa kanyang bahay
00:07ang barangay captain ng Tres de Mayo sa Digo City
00:10na si Oscar Dodong Bucol Jr.
00:14Caught on cam ang krimen dahil siya ay naka-livestream.
00:30May dumaangpulang sasakyan at umalingaungaw ang mga putok ng baril
00:37sa gitna ng pagla-livestream ng kapitan.
00:40Dugoan ang kamay at braso ng biktima na nakatayo pa at nakatakbo.
00:46Dinala siya sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.
00:50Bago ang pamamarel, may mga binanggit na personalidad ang kapitan sa kanyang live video.
00:55Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:58So, ask me, ask Attorney Gabby.
01:07Attorney, live na napanood ng live stream viewers ng biktima ang pangyayari.
01:13Ano po ba ang sinasabi ng batas sa ganitong krimen nakitang kita sa live stream?
01:19Well, sayang at mukhang hindi makikita sa video ang naging salarin
01:23although baka naman merong ibang makukuhang lead o tip
01:26para masolusyonan ang krimen.
01:29Sabi nga ng mga polis, mukhang personal na alita ng naging ugat ng insidente.
01:34Of course, magiging persons of interest ang mga binanggit niyang mga personalidad
01:39dun sa kanyang live video.
01:41Maaari din suriin ang video kung meron bang nahagip na posibleng suspect
01:45either ang gumawa ng krimen o isang kasabwat, baka may lookout.
01:50Maaaring obserbahan ang demeanor o galaw ng mga taong malapit sa insidente noong ito ay nangyari.
01:57Meron daw sa sakya na dumaan, maaaring explore kung ito ay gamit ng mga gumawa ng krimen.
02:03Pero assuming na merong mahukuha mga lead sa live stream na ito,
02:07ang tanong, maaari bang gamitin ebidensya ito?
02:11Well, of course, oo naman. Actually, buti nga at merong recorded copy dahil nga live stream ito.
02:19Mas challenging ang mga live stream dahil ito ay natatawag nating ephemeral electronic communication.
02:26Ibig sabihin ito ay yung mga komunikasyon na mawawala o maaaring madelete after a certain period of time.
02:32Pero tulad ng ibang mga electronic ephemeral communication,
02:35kasama na natin po dito mga telephone conversation, mga text message, mga chat rooms,
02:41mga streaming video at streaming audio, mga CCTV recording at iba pang electronic forms
02:49na sa ilalim ng rules on electronic evidence ng Korte Suprema,
02:53klaro na maaaring tanggapin ng Korte ang mga ito bilang ebidensya.
02:58Pero in this age of AI and Photoshop, nakakatakot na baka fake news ito
03:04o nadoktor na ang mga imahe at mga naririnig sa mga ito.
03:07So kailangan masiguro na ito ay authentic at dapat ma-authenticate po ang mga ito.
03:13So usually kailangan na isang eksperto na siyang mag-validate na ang video, CCTV recordings,
03:19mga posts sa internet, text message or other ephemeral electronic evidence ay tunay at hindi retokado.
03:26Kailangan ipresenta ang nag-record ng livestream video na ito
03:31or ipaliwanag kung paano ito na-capture, na-record at na-itago
03:35or sa ibang sitwasyon maaaring magkaroon ng testigo na magsasabing
03:39napanood ko ang video na yan at walang naiba sa recording mula doon sa napanood ko.
03:46So sana nga masolusyonan na yan, maging lead sana ang video na ito.
03:49In any case, mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:56Huwag magdalawang isip. Ask me. Ask Atty. Gabby.
Comments