Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Trending ang usapin tungkol sa mugshot matapos ang pagpyansa ni Vice President Sara Duterte sa kasong grave threats at pagsusumite niya ng sariling larawan sa korte. Samantala, inilabas naman ng DILG ang larawan ni dating House Speaker Martin Romualdez na nakahiga sa ospital. Alamin kay Atty. Gaby ang mga usaping legal tungkol sa mugshot. Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:05Oh, okay po ba ang aking mugshot?
00:09Ay naku, pero teka, ibang mugshot po ang pag-uusapan natin ngayong umaga.
00:15For sure naman ang mga FYP niyo these past few days,
00:18ang mga usapan tungkol sa mugshot.
00:23Matapos nga yan ng ginawang pagpiyansa ni Vice President Sara Duterte
00:27sa kasong grave threats kung saan hindi na siya kinunan ng mugshot
00:32at nagsumite na lamang ng sarili niyang mga litrato sa korte.
00:37Samantala, si dating House Speaker Martin Ramualdez naman
00:40ang mugshot na kahiga sa ospital.
00:45Sa picture na inilabas ng DILG, makikitang nakasuot siya ng medical gown
00:50at may nakakabit na medical apparatus.
00:53Hindi niya rin suot ang standard orange detainee shirt
00:57at nakapatong lamang ito sa kanya.
01:00Well, yan ang pag-uusapan natin today.
01:03Ask me, ask Attorney Gabby.
01:13Attorney, ano ba ang sinasabi talaga ng batas tungkol sa mga mugshot?
01:18Well, madami talaga ang nagulat at nagtaka.
01:20Kailangan ba talaga o hindi ng mga mugshot?
01:24Ang mga litrato na minsan ay binabandera talaga para ipakita
01:28ng isang tao ay naaresto na.
01:31Si VP Sara nga kasi walang official mugshot kayong nakikita.
01:35Habang si dating Speaker Ramualdez naman kahit nakahiga sa kama,
01:38may standard mugshots na ipinapakita ang front, left, and right angles ng mukha.
01:44Well, sanay talaga tayo na usually ang mga taong may standard mugshots talaga na
01:49ang kumukuha ay ang mga polis kapag kayo ay inaaresto.
01:53Ito ay dahil sa ilalim ng Rule 113 ng Rules of Court,
01:57yung arrest ay isang pagkuhan ng isang tao sa kustodiya
02:01at ang duty ng arresting officer ay dalin siya sa pinakamalapit na police station or jail.
02:07Actually, wala naman sa ilalim ng Rules of Court na kailangan ng mugshot,
02:11pero ito ay SOP or Standard Operating Procedure kapag ang isang tao ay inaresto na ng polis.
02:19Ang pagkuhan ng mga litrato na ito ay napapa sa loob na ng PNP Operational Procedures Manual,
02:26bahagi ng arrest and booking procedure, ang pagkuhan nga ng mga mugshots na ito.
02:32Nakasaad sa sinasabing polis manual na kailangan kuhanan ang arrested suspect ng mugshots
02:39gamit ang prescribed backdrop at identification board.
02:43Yun, nakapost pa silang ganyan, di po ba?
02:46So ano ang difference na nangyari kay VP Sarah?
02:49Well, si VP Sarah hindi niya na inantay pa na arestohin siya ng polis.
02:54Instead, siya ay voluntaryong humarap sa korte na nag-issue ng warrant of arrest
03:01at doon nga siya nag-post ng bail.
03:03Tandaan po na sa ilalim ng Constitution, bail is a matter of right
03:07unless kayo ay charged for a capital offense and evidence of guilt is strong.
03:12At ayon sa Supreme Court, Office of the Court Administrator Circular,
03:16na na-issue in 2022,
03:19kapag nag-post ng bail sa korte ang isang akusado,
03:23kailangan lamang mag-submit ng mga litrato na pinapakita ang front, left, and right side profiles
03:29ng mukha ng taong to.
03:31Hindi nakalagay sa circular na dapat ay mga litrato na kinuha ng polis.
03:36Nakalagay lang, and I quote,
03:38four sets of the accused's pictures showing his front, left, and right profiles.
03:44So kung handa naman pala kayo at may sandilining litrato,
03:48sapat na to kung tatanggapin ng korte.
03:51Ngunit, kung hindi kayo handa at naunahan kayo na maserva ng warrant of arrest ng polis,
03:56you will be subject to the usual intake procedures in accordance with the police manual.
04:01At kukunan kayo ng mugshot like everyone else.
04:05At dito din, hindi lang po mugshot, magpa-piano din kayo.
04:10Sa mga hindi nakakaalam, yan po ang term na ginagamit sa pagkuhan ng inyong fingerprints.
04:16Standard requirement din aside from the mugshots,
04:19na magsasabit ngayon ng hand and fingerprints kapag na-aresto o kapag nag-apply for bail.
04:26So, kung alam ninyo na may pending na kayo na kasong kriminal na laban sa inyo,
04:32laging bantayan kung may warrant of arrest na na-issue na.
04:36Kung meron na mag-post agad ng bail sa korte, huwag nang antayin pa na-arestohan kayo ng polis,
04:42ay baka kayo mapusasan din.
04:45Dadalin kayo sa presinto, pakukunan ng mugshot at magpa-piano sa harap ng maraming tao.
04:51So, better yet, huwag na gumawa ng kahit na anong krimen para hindi na makasuhan pa.
04:57A crimeless life is a happy and peaceful life.
05:02Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:05Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:09Ask me, ask Aternie Gabby.
05:27Salamat kapuso!

Recommended