Skip to playerSkip to main content
Aired (August 23, 2026): ANG IBA’T IBANG TIMPLA NG FRIED RICE O CHAO FAN, ATING TIKMAN!

Marami sa mga food park ngayon, dinarayo ang sandamakmak na kanin na makulay at may iba’t ibang toppings depende sa iyong cravings! Lechon, hungarian hotdog, siomai at kung ano-ano pa!

Sa isa sa mga street food capital ng bansa sa Quiapo, Manila, isa sa mga nauna at pinipilahang tindahan ng Chao Fan na abot-kayang mabibili sa halagang 20 pesos.

Sa isang puwesto naman sa Bulakan, Bulacan, lagi raw blockbuster ang pila para sa Chinese-style chao fan na 40 pesos lang. Para kasing nasa TV commercial ang nagluluto dahil sa kanyang pa-exhibition sa kusina.

Para sa mga Pilipino na kanin is life, hindi ito hihindian! Fan ka rin ba ng mga Chao Fan? Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:00 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:03Canin na may ulam na, pinagsamang lutuin sa kawa hanggang sa ating plato,
00:11derecho sa ating chan!
00:13Ciao, fan!
00:16Marami sa mga food park ngayon, ito ang dinarayo.
00:22Sandamakmak na kanin, makulay, at may iba't ibang toppings,
00:27depende sa iyong cravings.
00:30Lechon, Hungarian hotdog, siomay, at kung ano-ano pa,
00:36para sa mga Pilipino na canin is life, hindi ito hihindian.
00:43Fan ka rin ba ng ciao fan?
00:48Ang isa sa mga street food capital ng bansa, sa Quiapo, sa Maynila,
00:54may dinarayo at pinipilahang food store.
01:00Isa raw sa mga nauna at pinipilahang tindahan dito ng ciao fan,
01:06ang pwesto ni Pati.
01:08Ako ang reno ng ciao fan, yung Quiapo.
01:12Sa kawali, iginisa ang aromatics.
01:16Sibuyas lang yan at bawang ham, mixed vegetables.
01:22Pagkatapos, inilagay na ang kanin.
01:32At ang pampinale, tapa na ibinabad sa soft drinks.
01:42Pagmamahal lang ang sikleto nito para sumarap.
01:45Abot kaya, kada takal kasi, aba, 20 pesos lang.
01:50Masarap naman po.
01:51Sulit po sila sa presyo.
01:53Kung nakaluwag-luwag ka naman,
01:55pwede mo raw gawing overload ang iyong ciao fan.
01:59Meron na itong hotdog at siomay.
02:02100 pesos kada serving.
02:06Sulit naman sa 100.
02:08At kahit tumataas na raw,
02:11ang presyo ng mga bilihin,
02:13wala raw plano si Pati
02:15na taasan ang presyo ng kanyang ciao fan.
02:18Tulong daw kasi niya ito
02:20sa mga estudyante at empleyadong nagtitipid.
02:24Konting kita lang. Okay na yun.
02:26Kasi kung isasabay mo pa sa taas din
02:28ang mga bilihin ngayon,
02:29parang hindi ka na rin naging bago sa mga tao.
02:32Bago raw nagbenta ng ciao fan si Pati,
02:35panulak muna yung nag-trending na rin
02:38na dragon fruit juice ng Kiapo.
02:42Nagkaroon daw kasi ng oversupply noon
02:44ng dragon fruit ang mag-inang Irene at Pati.
02:47Kaya para hindi mabulok at masayang,
02:49tutal naman, patok ang palamig ngayon,
02:52ginawa nila itong dragon fruit juice.
02:54Kailangan kasi pag mahal mo yung hanap buhay mo,
02:57kahit pagod ka, ikilos ka.
02:59Kailangan sarili yung tulungan mo.
03:00Ang dating mag-isa lang sa negosyo,
03:04meron na ngayong mahikit
03:05tatlong pong mga empleyado.
03:08May naguluto na, may nag-assetasyon na para saan,
03:11hindi ka tayo dati, ako lang.
03:13Sigurin nyo lang yung sarili nyo na,
03:14unahin mo muna yung business,
03:17ipag, wag ka agad-agad sumukos.
03:18Alayin mong sang araw,
03:19kung anong nasa ibabo.
03:24Dito naman, sa pwesto ni John,
03:26sa Bulacan-Bulacan,
03:28lagi raw blockbuster ang pila
03:30para sa kanyang Chinese-style chow fan
03:33na big 40 pesos.
03:54Bago pa man siya humawak
03:55ng wok at sandok
03:57ang gamit-gamit noon ni John
03:59sa paghahanap buhay,
04:01pala.
04:02At ang hinahalo-halo niya naman,
04:04hindi mga sahog,
04:06kundi buhangin.
04:08Si John kasi,
04:09dating construction worker.
04:11Nag-start ako mag-arawan,
04:13ano lang eh,
04:13150, 200 pesos.
04:16Pero ang kinikita niya raw dati,
04:18kulang na kulang
04:19sa pangangailangan
04:21ng patlo niyang mga anak.
04:24Hanggang naingganyo siyang magnigosyo.
04:26Yung lola ko kasi,
04:27mahilig siyang mag-sangag.
04:29Tapos yung timpla niya,
04:30yun yung timpla na nagustuhan ko talaga.
04:33Kada araw,
04:34ang nauupos daw nilang bigas,
04:37umaabot ng patlong sako.
04:40Ganyan sila kapatok!
04:42Dahil sa kanyang pagsisikap,
04:44ang dating kumikita ng bariya-barya
04:46sa maghapong pagpapala,
04:48ngayon,
04:50pinagpala
04:51ng bonggang-bongga!
04:53Sa isang araw po,
04:54kumikita kami ng mga
04:55five digits.
04:56Parang hindi nagsisinkin sa utak ko ngayon,
04:58yun ang nangyayari sa akin.
04:59Minsan nga,
05:00napagkakamalan na lang nila ako dyan
05:01na tauhan dito.
05:03Parang hindi ko mapil na
05:04ako yung may-ari talaga.
05:06Sarap siya,
05:06buhaghag,
05:07hindi magaspang sa bibig,
05:08kundi malinam na.
05:09Ang kanyang kainan,
05:11meron ng bagong branch.
05:13Nakapagpagawa na rin si John
05:15ng bahay
05:16at nakapagpundar
05:17ng sasakyan.
05:18Dati,
05:20kailangan kong mamunot ng pagkain
05:22sakali para mabusog.
05:24Nagkikasayagong palaaboy dati.
05:26Hindi pa rin ako makapaniwalaan
05:27na naabot ko to.
05:29Hindi na ako magugutom.
05:38Ang chowfan ng mga Chino,
05:41parang sinangag
05:42nating mga Pilipino.
05:44Umusbong bilang paraan
05:46para hindi masayang
05:47ang mga tirang tanin.
05:50Pero may isa pang klase
05:51ng fried rice
05:52ng mga Chinese
05:53na hitik din sa sahog.
05:56May itlog,
05:57baboy,
05:58hipon,
05:59at mga gulay.
06:01At ang tawag dito,
06:02yang chow.
06:04Ang yang chow
06:05ay isang klase
06:06ng chowfan
06:07na nag-originate
06:08sa Yangtso city
06:09in China.
06:11Ang chowfan kasi
06:12is a broad term
06:13so it refers
06:14to all kinds
06:15of fried rice.
06:15Nagsimula siya
06:16way back before
06:17when the Chinese merchants
06:19used to do trade
06:20here in the Philippines.
06:21And after that,
06:22some of the merchants,
06:23they married na here
06:25and they integrated
06:26their Chinese dishes
06:27into the country.
06:29Sa restaurant na ito
06:31sa Quezon City,
06:32matitikman
06:33ang authentic
06:34yang chow.
06:45Masarap itong
06:46i-partner
06:46sa iba pang
06:47authentic
06:48Chinese dishes
06:49katulad ng
06:51lumpiang Shanghai,
06:53pork asado
06:54at pansit.
06:56Unang nag-hain
06:57ng yang chow
06:58ang pamilya ni Juliet
06:59noon pang
07:001894.
07:01Kung hindi man po kami
07:02yung oldest,
07:04isa po kami
07:05sa mga
07:05kauna-unahang
07:06nagtinda po
07:07ng fried rice dito.
07:09Nasunog na raw
07:10ang kanilang
07:11kauna-unahang branch
07:12sa Binondo
07:13noong 1984.
07:15Pero,
07:16naisalba nila
07:17ang kanilang
07:18antigong
07:19menu.
07:211890s pa po ito
07:23na print po.
07:24Nakasulat in
07:25Spanish
07:26and Chinese language.
07:28Lagi sinasabi nga
07:29ng tatay ko,
07:30parang kahit makopia
07:31ng mga tao
07:32yung recipe mo,
07:33pero kung yung
07:34technique ng pagluto,
07:35hindi niya alam
07:36kung paano gawin.
07:38Hindi niya makakopia
07:39yung actual na lasa.
07:41Natikman ko na po ito
07:42noon hanggang
07:43ngayon di pa
07:43nagbabago yung lasa.
07:44Masarap pa rin po.
07:45Kapag natikman niya
07:46yung yang chow
07:47namin,
07:48parang may babalik
07:49na memories
07:51sa'yo.
07:51Siguro maalala mo
07:52ng bata ka.
07:56Chow fan!
07:58Wow!
07:59Nagsimula
08:00sa tirang kanin
08:02para hindi masayang.
08:04Pero sa Pilipinas,
08:06hindi lang kanin
08:07ang nabigyan nito
08:08ng panibagong buhay.
08:11Sa halagang 20 pesos,
08:13may estudyanteng nabusog.
08:16Dating palaboy
08:17na ngayon
08:18nagpapakain
08:20ng libo-libo
08:21at isang lutong
08:23mahigit isang siglo
08:25nang ipinapasa
08:27sa mga henerasyon.
08:29Akalain niyo,
08:31may tira palang
08:32hindi katapusan.
08:36Dahil kapag
08:38mahusay itong hinaluan,
08:40maaari itong
08:41maging puhunan,
08:43pamana
08:44at panibagong simula.
08:47Chow!
08:47Ito fantastic
08:48talaga!
08:52Thank you for watching
08:54mga kapuso!
08:55Kung nagustuhan niyo po
08:56ang videong ito,
08:57subscribe na
08:59sa GMA Public Affairs
09:00YouTube channel
09:01and don't forget
09:03to hit the bell button
09:04for our latest updates.
09:06for our latest updates.
Comments

Recommended